Ow, I didn't know that Jayda and Nerisa are that close. Pagkatapos silang tignan ay umayos na 'ko ng upo. Naabotan ko pa sina Lian at Rose na tinitignan din ang dalawa.

"Kanina pa sila?" tanong ko, nakatalikod ako sa dalawa kaya hindi ko napansin ang pagdating nila.

"Nauna pa sila sa'tin dito, ngayon mo lang napansin?" Lian said, nagkibit naman ako ng balikat.

"Hindi ko sila nakita," bumaba ang tingin ko sa binabasa pero agad ding umangat nang nagsalita si, Rose.

"Ang sweet,"

Anong sweet sa mag-aral? I said bitterly inside me. Hindi na lang ako nagsalita dahil alam kong kokontrahin ako ng dalawa.

"I heard they are childhood friends, bata pa lang they are together na and until now." Napatango-tango ako sa sinabi ni, Rose. So that explains why the two seems so close to each other.

"Rumors din na sila talaga mag-jowa, lowkey nga lang at hindi masyadong nag-P-PDA," dagdag pa ni, Lian.

Naalala ko noong naglaro kami ng spin the bottle, tumapat kay Jassie ang buti at si, Nerisa ang nagatanong. She asked if Jassie likes Jayda. Kaya pala, she must be Jayda's girlfriend.

"'Yung bag mo ibaba mo, akala mo naman may gold d'yan at hindi mo mabitawan."

"Nananahimik ang bag ko," rinig kong pag-uusap ng dalalwa.

"Sana sila na lang, bagay sila." Ngumuso si, Rose.

"Bagay nga sila," pagsang-ayon ko. Nerisa seemed serious may pagkamaloko naman na seryuso si, Jayda.

"Psh, hindi nagkakatuloyan ang mag-childhoodfriend Base on experience." Lian said bitterly, umirap pa siya.

"Sayo lang, sa iba pwede" Rose said savagely.

"Ang sama mo," angil naman ni, Lian. "Beke pwede pe," dagdag niya sabay tawa.

"Marupok!" sabay naming sabi ni, Rose sa kanya.

"Observe silence!" I bit my lower lip, nasuway tuloy kami ng librarian.

After two hours of studying ay natapos din kami, dumeritso pa kami sa cafeteria dahil nagutom daw ang dalawa. Ayaw ko nga sanang gumastos dahil nagtitipid ako pero mapilit ang dalawa.

Si kuya Mike ay may inaatopag na namang babae kaya sabay lang din ang paglabas namin sa campus.

"Oh ano kayo na?" Tanong ko sa kanya pagpasok sa luma naming puting sedan. May driver's license na si kuya kaya pwede na siyang mag-drive.

"Hindi pa pero malapit na." Ipinakita pa niya sa'kin ang thumb at point finger niya na may konting distansya.

"Baka 'di ka mahal?" Ngumuso ako.

"Kaya nga nililigawan para mahalin ako," aniya.

"Naka-move on ka na kay, Chloe?" Ang tinutukoy ko ay ang childhood friend niya na iniwan siya. Tama nga si Lian, hindi nagkakatuloyan ang mag-childhood friend.

"Matagal na 'yon," pagak siyang tumawa pero halatang bitter siya.

"Matagal na nga pero bitter ka pa rin kuya, halata ka masyado." Umiling lang siya sa'kin at tumahimik.

Nagustohan ko si ate Chloe noon dahil mabait siya at mahinhin, pero gaya ng mga magulang ko, binigo niya rin kami.  

"Ipakilala mo sa'kin ang nililigawan mo, ako magsasabi kung bagay kayo o hindi." Seryuso kong sabi sa kanya. Agad siyang tumawa at ginulo ang buhok ko.

"Parang ikaw na ang matanda sa'ting dalawa ah!" Hindi niya seneryuso ang sinabi ko pero seryuso ako roon. Kung hindi ko gusto ang nililigawan niya, hindi ko talaga gusto. Gagawin ko ang lahat para hindi sila magkatuloyan, I'm only doing this 'cause I don't want another heart break.

"Sige, 'pag pumayag si, Serena ipapakilala kita sa kanya."

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school, hindi na 'ko nakisabay kay kuya dahil susunduin pa raw niya 'yung nililigawan niya.

Paakyat ako ng hagdanan nang makasalubong ko si, Jayda. Pababa siya paakyat naman ako, nasa iisang floor lang pala kami. Like the usual ay naka-suot ito ng itim na backpack.

"Morning," bati niya.

"Mornin'," ganti ko rin.

Tumabi ako sa kanan para makadaan siya pero ganu'n din ang ginawa niya, lumipat ako sa kaliwa pero lumipat din siya.

Tumigil ako para makadaan siya pero ganu'n din ang ginawa niya. Aakyat na sana  sa kaliwa niya pero lumipat siya roon. Lumipat ako sa kanan pero ganu'n din siya.

Pareho na lang kaming natawa dahil nagpatentero na kami sa hagdanan.

"Ano ba," natatawang saad ko. "Ganito, sa kanan ako dadaan sa kaliwa ka." Mukhang nagkadikit ang utak namin dahil pareho kami ng galaw.

Natatawa naman siyang tumango, saglit akong natigilan nang mapansin ang ganda ng mga mata niya kapag tumtawa.

"Sorry," aniya nang tuloyan na 'kong maka-akyat. Agad naman akong napairap, ang lalaking ito ay puros na lang sorry.




Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi

It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)Where stories live. Discover now