Nakarating kami sa simbahan bago pa man magsimula ang misa.

Tahimik lang kami pareho sa loob habang nagmimisa si father. Pansin ko din ang mga matang nakatuon kay Uno ng mga babae sa katabing upuan namin.

Nagulat ako ng hawakan ni Uno ang kamay ko, bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

"Bat mo hinawakan ang kamay ko?"bulong ko sa kaniya.

"Ama namin na"

Napatikop ang bibig ko sa sinabi niya. Doon ko lang narealize na tama siya, 'ama namin' na nga.

Natapos ng matiwasay ang simba namin. Pagkalabas namin ng simbahan ay may babaeng lumapit sa amin.

Napaka ganda niya, halatang mayaman pero walang emosyon ang mukha niya. Nakatitig lang siya sa akin, at ngumiti lamang siya ng nabaling ang tingin niya kay Uno.

Mukhang magkakilala sila dahil, humalik si Uno sa pisngi niya.

"Merry Christmas Rain" bati niya sa babae na Rain pala ang pangalan.

"You seemed nice today Crunos, you weren't usually like this. Merry Christmas anyway" mukhang medyo mataray siya kung titingnan pero kabaliktaran noon ang boses niya na medyo malambing pakinggan.

"Is that a compliment?"

"Why? Are you flattered?" Tumingin siya sa akin at tumaas ang kilay niya.

"Ah. Anyway, Meisha this is Rain, good old FRIEND" may diin pa talaga ang salitang friend.

"Just a friend? Didn't you have a crush on me way back?" mukhang inaasar niya si Uno.

"Dream on Rain" tumingin sa akin si Uno. "This is Rain, Hershel's cousin"

Nagulat pa ako ng sabihin niya iyon. Kaya pala kanina ko pa iniisip kung Sino ang kamukha niya, dahil mayroon siyang feature na pamilyar sa akin.

"Hi, nice to meet you. You're so pretty" bati niya sa akin.

" Salamat. Ikaw din"

"I have to go now. Have a great date"

Umalis na siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Gusto ko pa sanang sabihin na hindi iyon date pero dirediretso na siyang umalis.

"Weird, right?" tumango ako bilang pag sang ayon kay Uno. "So, saan na tayo?"

"Ha? Hindi ba uuwi na?" naguguluhan Kong tanong dahil wala naman akong balak na gumala pa.

"Sayang ang porma natin oh"

Natawa ako sa kaniya dahil tinuro niya pa ang sapatos niya na halatang bago.

"Ikaw Lang naman ang nakaporma"

"Wow! Ang yabang! Anong tingin mo Jan pambahay?" Sabi niya habang nakaturo sa akin "Mall na lang tayo?", tanong niya pa.

"Hindi ba masyadong madaming tao dun?"

Kapag ganitong pasko kasi ay madaming tao sa mall. Nakita kong nag iisip siya.

"Alam ko na"

Hinila niya ako pabalik sa sasakyan niya at sumakay kami. Ngiting ngiti siya habang nagdadrive.

"Saan tayo pupunta?" hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.

"Basta. Magugustuhan mo doon, sigurado ako"

Inabot ng ilang minuto ang byahe namin bago makarating sa sinasabi niya.

"Wow! Ang ganda" iyon agad ang lumabas sa bibig ko pagkababa ko ng sasakyan.

Andito kami sa isang lugar kung saan kita ang ibang mga bundok at kagubatan dito sa probinsya namin. Hindi ganoon ramdam ang init dahil mahangin naman.

"Nagustuhan mo ba?"  tanong niya sa akin.

"Oo naman" sagot ko sa kaniya, habang nakatingin sa paligid.

"Ako din. Nagustuhan ko din. Gustong gusto" tumingin ako sa kaniya ng sabihin niya iyon. Parang napakaseryoso naman niya.

"Bat parang ang seryoso mo naman?" pagbibiro ko sa kaniya.

"Wala. Halika na"

"Saan?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.

"Uuwi na" napaawang ang labi ko sa sinagot niya. Kararating lang namin tapos uuwi na kaagad?

"Pero kadadating lang natin"

"Joke Lang. Tara, kain tayo"

Nagulat ako dahil may inilabas siyang basket sa compartment ng sasakyan niya, may kasama pa iyong blanket.

Teka. Bakit parang prepared siya?

"Akala ko ba biglaan ito? Para kang boys scout ah. May blanket ka pang dala"

"H-ha? Oo nga biglaan Lang. M-matagal na itong nandito, magpupulis kasi ako kaya dapat palaging handa"

Nagkibit balikat na Lang ako. Tama naman siya, kung magpupulis siya ay dapat lang na palagi siyang may baril at Bala.

Kumain lang kami habang nagkukwentuhan tungkol sa kung saan. Ganito naman kami madalas, nagkakaroon ng topic out of nowhere.

Madaldal kasi si Uno at hindi nauubusan ng kwento kahit madalas ay walang kwenta.

Napapaisip nga ako kung, ganito pa din kaya siya kapag naging pulis na siya? Kung ganito siya ay baka kaibiganin din niya pati mga bilanggo at kriminal. Pero sigurado naman ako na mag mamature siya, Lalo na pag sumabak na sila sa training.

"Anong iniisip mo?"

"Ikaw"

Parehas kaming nagulat sa isinagot ko. Tama naman a! Siya naman talaga ang iniisip ko.

"Crush mo siguro ako"

Napaawang ang labi ko, kasabay ng pagtibok ng puso ko. Hindi. Hindi naman siguro.

~💙

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now