"Pag iisipan ko"

Nakita kong sumimangot sya at parang hindi makapaniwala.

"Alam mo Mei, habang tumatagal nagiging mean ka sakin"

"Pumasok ka na nga"

"Luh? Parang napilitan pa"

"Ano ba kasing naisipan mo at pumunta ka dito? Paskong pasko gumagala ka" tanong ko sa kaniya habang nag tatanggal siya ng sapatos.

"Sabihin mo lang kung ayaw mong andito ako, ipipilit ko" ngiting ngiti siyang tumingin sa akin.

Natawa ako sa kaniya, pumasok siya at dumiretso sa sala para batiin ang mga kapatid ko pati si papa.

Ako naman ay naghanda na ng mga pagkain sa mesa, pati ng mga Plato at kubyertos.

Limang minuto na lamang bago magpasko kaya naman tinawag ko na sila para sabay sabay naming salubungin ang pasko.

"Merry Christmas!" Bati namin sa isat isa pagsapit Ng alas dose.

"Merry Christmas papa"

Niyakap ko si papa at mga kapatid ko.

"Merry Christmas ate" hinalikan nila ako sa pisngi.

"Ehem" humarap ako kay Uno na inuubo sa likod ko.

"Merry Christmas Mei"

"Merry Christmas Uno"

Sumimangot siya pagkatapos ko siyang batiin. Napakunot ang noo ko.

"Oh bakit?"

"Wala"

Hindi ko maintindihan Kung bakit parang ang sama ng loob niya.

"Gusto mo din ba ng yakap?"

"H-ha? Asa ka. H-hindi ah" nagsimulang mamula ang pisngi at ang  leeg niya.

"Parang gusto mo eh"

"Yuck. Kadiri"

Tinawanan ko na lang siya dahil sobrang pikon niya. Ang lakas Niya mang asar pero, kapag siya ang inaasar pikon agad

Nagsimula na kaming kumain, may mga kapitbahay pa kaming nag hatid ng kaunting handa galing sa kanila, kaya naman nagbigay din kami sa kanila.

Masaya ako dahil nakikita kong masaya ang mga kapatid ko, Lalo pa akong natuwa ng magustuhan nila ang regalo ko sa kanila.

Hindi din nagtagal ay nakatulog na ang mga kapatid ko, ako naman ay magliligpit pa kaya mahuhuli ako.

"Pa, ako na pong bahala dito. Matulog na po kayo"

"Sigurado ka ba?"

"Opo! Ihahatid ko din Po si Uno sa labasan"

"O siya sige! Uno, mag ingat ka pag uwi. Salamat"

Humarap ako kay Uno pagkaalis ni papa, abala siya sa pag ligpit ng mga hugasan.

"Ako na diyan Uno"

"I can do this"

"Anong oras ka uuwi?" tanong ko sa kaniya habang sinisimulang iligpit ang mga basura.

"Excited ka bang umuwi ako?"

"Oo!"

Napaawang ang labi niya, at umaktong nasaktan sa sinabi ko.

"Grabe ka Mei"

Tinawanan ko lang siya dahil binibiro ko lang naman siya.

Mabuti na lamang at pumayag siyang ako ang maghugas ng mga Plato, sabi ko ay magwalis na lamang siya. Hindi kasi siya pumapayag na wala siyang gawin.

"Anong plano mo bukas?" Tanong niya habang nakaupo kami sa balkonahe ng aming bahay at umiinom ng soft drinks.

"Magsisimba"

"Pwede ba akong sumama?"

Gusto kong itanong kung wala ba silang plano ng pamilya niya, pero hindi ko alam Kung tama bang itanong iyon.

"Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" sa huli ay iyong na lamang ang itinanong ko.

"My parents went out of town para doon magcelebrate kasama ang grandfather ko"

"Bakit hindi ka sumama?"

"Susunod ako doon before new year"

Tumango na lamang ako dahil ayoko nang magtanong pa.

"Bakit wala ang mama mo?"

"Nasa Manila. Doon siya nagtatrabaho"

"I see"

Natahimik kami pagkatapos noon. Pinili Kong wag na din magsalita dahil hindi din naman siya nagsasalita.

Hindi ko alam pero komportable ang katahimikang nagaganap sa pagitan namin.

Maya maya pa ay nag paalam na siyang uuwi na dahil anong oras na din, kaya naman hinatid ko siya sa kotse niya.

"Thank you sa pag welcome sa akin sa bahay niyo"

"Feeling mo lang welcome ka" pang aasar ko ulit sa kaniya.

"Alam mo Mei, konti na lang iaunfriend na kita"

"Ang tagal naman"

Umismid na Lang siya sa akin at sumimangot.

"Napaka mean mo"

"Sige na. Mag ingat ka. Tsupi."

Iwinasiwas ko pa ang kamay ko sa harapan niya at umaktong tinataboy ko siya.

Tinitigan niya ako at nailang ako dahil nakita kong seryoso siya. Naoffend ba siya?

"Hoy joke Lang!"

"Nagtatampo ako"

Pinigilan ko ang matawa dahil sa sinabi niya.

"Sorry na"

"Suyuin mo ko"

Napaismid na lang ako dahil sa kaartehan niya.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

"Merry Christmas Uno. Wag ka na magtampo"

Bumitaw ako sa pagkakayakap at Dali daling umalis.

Ano ba yung ginawa ko? Teka. Bakit ba ako kinakabahan. Friendly hug lang naman.

~💙

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now