Luminga linga ako sa paligid pero hindi ko makita si Leandros. Siguro nasa classroom pa o siguro nakauwi na? Hindi ko alam. Hindi kasi pareho ang uwi niya noong nakaraan kaya hindi ko sigurado kung anong oras siya lumalabas.

Alam ko sinabi na niyang ayaw niya na akong makita pero hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko siyang makita. Nakikita ko sa kanya si Sebastian at nagiging masaya ako kapag nakikita ko siya. Pakiramdam ko nandito ulit si Seb. Pakiramdam ko hindi siya kailanman nawala.

Bahagya akong napatili nang may bumangga sa akin. Sa sobrang paglilibot ko ng tingin ay hindi ko na nakita ang harapan ko. Nalaglag ang mga librong dala ko at natigil sina Luna sa pagtatawanan. Napatingin sila sa akin.

Yumuko ang pamilyar na lalaki at pinulot ang mga dala ko. A memory entered my mind and my heartbeat immediately quickened. Everything seemed to be slow for me. Tumayo ng maayos si Leandros at inabot sa akin ang mga libro ko. Nag angat ako ng tingin sa kanya, hindi makapaniwala na nangyari ulit ang nangyari noon, at sa parehong mukha pa ng lalaking nakabangga ko rin noon.

"I'm sorry," malamig niyang sinabi.

Napakurap kurap ako at parang doon palang nagising sa katotohanan. Muli kong narinig ang tawanan ng mga estudyante at ang simoy ng hangin. Nagbaba ako ng tingin sa librong inaabot niya at nakitang mga libro ko iyon na nalaglag kanina. Mabilis kong tinanggap ang mga iyon.

"T-Thank you--" hindi pa ako natatapos ay tumalikod na siya at naglakad pabalik sa school.

I followed him with my gaze. The wind blew my hair as I watched him leave. My heart still can't stop beating fast. Naalala kong ganito rin ang nangyari noong una kaming nagkita ni Seb. Nagkabanggaan kami. I feel like he's here again.

"Mina, are you okay?" Lumapit sa akin si Luna.

I looked at my book. I bit my lower lip and nodded softly to Luna. I smiled at her.

"Ayos lang..."

"Halika na!" Nakangiting yaya ni Gabrielle.

Tinitigan ako ni Luna. Muli akong ngumiti sa kanya at hinila na siya pasunod sa mga kaibigan namin. I know what she's thinking. Sa tagal na naming magkaibigan, I know immediately when she has something on her mind.

"I'm fine, Luna. Mabuti nalang hindi nasira itong mga libro ko..." I said.

"Naaalala mo sa kanya si Sebastian?" Tanong niya na nakapag patigil sa akin.

Hindi ko alam ang isasagot. Medyo guilty ako dahil alam ko sa sarili ko na tama siya. Naaalala ko kay Leandros si Seb. Hindi ko mapigilan dahil... magkamukhang magkamukha talaga sila. At ngayon... nangyari pa ito. It's like a dejavu. Pareho pa sila ng mukha.

"They're different, Mina..." Luna gently reminded me.

I forced a smile and nodded. "I know that..."

She sighed and didn't speak anymore. Niyaya niya akong sumabay sa mga kaibigan namin na nagtatawanan at nagpahila lang ako sa kanya.

That night, when I got home, I thought about baking cupcakes. Nakangiti ako habang ginagawa ko iyon. Ako lang ang tao sa kusina at sina Mommy at Daddy paniguradong tulog na, pagod sa trabaho. Si ate Johanna hindi ko alam kung nasaan. Palagi nang wala iyon sa bahay kaya hindi na ako nagtaka.

Masaya kong ginawa ang mga cupcakes habang nagpapatugtog pa. Sumasayaw sayaw pa ako at para akong baliw pero wala namang nakakakita sa akin kaya ayos lang.

Nang natapos ako sa mga ginagawa'y nagligpit ako at tinignan ang ginawa kong cupcakes. Gabi na at kailangan ko nang matulog kaya hindi ko na pinakatitigan iyon. I put the cupcakes in a box and put them in the refrigerator. Tomorrow I will take it and give it to Leandros. Sana lang tanggapin niya. Kinakabahan ako dahil hindi maganda ang huli naming pag uusap at baka hindi niya tanggapin pero lalakasan ko pa rin ang loob ko. Ibibigay ko ito sa kanya bukas.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon