Me:
Nasa room ako, masakit ang puson ko.

Kakasend ko pa lang nun pero nakita ko na sa may pintuan ang nag-aalalang si Zymon. May dala siyang pagkain iyon pinabili ko kay Sandra. Siguro ay nagkita sila sa cafeteria.

“Okay ka lang?” Alalang tanong niya at nilapag sa mesa ang pagkain.

“Masakit ang puson ko,” sabi ko. Naiinis talaga ako kapag meron ako, sobrang sakit ng puson ko at pakiramdam ko ay sinasaksak ito. Minsan nga ay iniiyak ko na lang ang sakit.

“First day?” Tanong niya, nakatingin pa din sa akin. Tumango lang ako sa kaniya.

“Kumain ka na muna.” Inabot niya sa akin ang pasta. Napatingin ako sa cellphone niya na nilapag niya sa mesa. Umarko ang kilay ko nang makitang tumatawag si Mitsuki sa kaniya.

“Mitsuki? Bakit tumatawag ‘yan?” Tanong ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko at kinuha ang kaniyang phone.

“Uh..” hindi siya makatingin sa akin. Namatay ang tawag at nakatingin lang ako sa kaniya.

“Baka importante, dapat sinagot mo,” sabi ko sa kaniya. Bakit pakiramdam ko ay may mali. Tumunog ulit ang kaniyang cellphone at si Mitsuki ulit ang tumatawag.

“Wait lang.” Tumayo siya at lumabas para siguro hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila.

Sana ay sinundan ko siya nun, para nalaman ko agad na pinagkaisahan nila ako.

“Hindi kayo sabay ni Zymon?” Tanong ni Sandra sa akin. Pauwi na kami at sabi ni Zymon ay may importante daw silang pupuntahan ngayon kaya nauna na siyang umuwi. Tinext ko na din naman na si kuya Roger para sunduin ako at saka kakausapin din raw ako ni dad.

“Hindi, may pinuntahan siya eh,” sabi ko at tumayo dahil nakita ko na ang sasakyan namin.

Nakita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha pero tumango na lang din sa akin.

Nagpaalam na ako sa kaniya at sumakay na sa sasakyan. Masakit pa din ang puson ko at gusto ko na lang matulog pag-uwi.

“Nasa bahay na po ang parents niyo ma’am,” ani kuya Roger. Ang aga naman nila.

Kinabahan tuloy ako sa sinabi ni kuya Roger. Alam kong kakausapin ako ni dad dahil iyon ang sinabi niya sa akin kanina. Tumango na lang ako kay kuya Roger at ngumiti. Binaling ko ang tingin sa labas at tinanaw ang mga sasakyan.

Imbes na problemahin ko ang sakit sa puson ko ay ang kay dad ang pinoproblema ko. Alam kong galit siya kanina. Tinanong ko lang naman kung totoo nga ba ang sinabi ni Sandra na nakita siya nito sa school namin pero bakit galit siya agad.

Pagpasok sa loob ay nakita ko na sila dad na nakaupo sa sofa. Ang kabang naramdaman ko kanina ay lalong lumala.

Humalik na muna ako sa pisngi ni mommy at naupo na. Seryoso lang si dad ngayon habang si mommy ay mukhang may gustong sabihin ngunit parang ayaw niya naman iyong sabihin.

“Naih, ilang beses ko ng sinabi sa ‘yo ‘to at sasabihin ko ulit.” Napatingin ako kay dad nang magsalita siya.

“Ano po dad?” Tanong ko. Kinakabahan talaga ako.

“2nd year ka pa naman at alam kong kaya mo pang habolin ang business ad so I’m encouraging you to shift your course into business ad, alam kong mas magiging maganda ang future mo kung business ad ang kukunin mo,” seryosong sabi ni dad.

Hindi pa pala naliliwangan si daddy tungkol dito. Ilang beses na naming pinag-usapan ‘to nila dad at ilang beses na din akong tumanggi sa hinihiling niya. Gusto ko ang kurso ko ngayon at wala na silang magagawa doon.

“Dad, hindi ko po magagawa ‘yan,” matapang na sabi ko. Kahit pa magalit ulit si daddy sa akin. Hinding-hindi ako papayag sa gusto niya lalo na’t hindi ko iyon gusto. Wala akong kaalam-alam sa business at kung mags-shift man ako ay mahihirapan na ako.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni dad sa sinabi ko. “Hindi ko gusto ang desisiyon mo Nailah, sa tingin mo ba ay may mapapala ka diyan sa kurso mo. Wala naman ‘yang kwenta!” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni dad. Alam kong masakit siyang magsalita pero sumosobra na siya.

“You should listen to me Nailah, pera ko ang ginagamit para mapaaral ka! Kung hindi mo ‘ko susundin mas mabuting umalis ka na lang sa pagmamahay ko!” Ang kaninang tapang ko ay parang umatras ata. Sumobra naman ata ngayon si dad. Bakit kailangang paalisin ako?

“Alfred ano ba! Bakit kailangang paalisin ang anak mo?” Galit na sabi ni mommy. Nakita ko na ang pamumula ng tenga ni dad dahil sa galit.

Humahapdi na ang mata ko, ang sakit magsalita ni daddy. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang siya magsalita kapag ayaw kong sundin ang gusto niya. Pinalis ko ang mga luhang tumutulo sa mata ko.

“Ewan ko sa inyong dalawa! Kaya minsan ay ayokong umuwi dito, mga walang kwenta!” Napakurap ako sa sinabing iyon ni dad. Tuloy-tuloy na ang pag-agos ng luha ko. Padabog na umalis si dad at umakyat sa taas. Agad namang lumapit sa akin si mommy.

“M-Mom, hindi ko na po alam ang gagawin, n-nkakapagod po.” Niyakap ako ni mommy habang humihikbi siya. Siguro ay napapagod na si mommy sa ugali ni dad.

“Shhh..hayaan mo na muna ang ama mo, ako ng bahala sa kaniya.” Tumango ako at niyakap si mommy.

Mahal na mahal ko si dad pero hindi ko naman kayang sundin ‘yung gusto niya lalo na’t hindi ko hilig iyon. Mabuti na lang at nandito si mommy, siya na lang talaga ang kakampi ko dito sa bahay.

Nagpaalam na muna ako kay mommy na aakyat na ako sa taas. Nagugutom ako pero parang ayaw kong bumaba para kumain. Naupo ako sa kama at binuksan ang bintana. Nanlaki ang mata ko nang makita si Zymon sa labas. Nakasandal siya sa kaniyang sasakyan at nakatingala sa akin, parang kanina pa niya ako hinihintay.

Kumaway siya sa akin at nang mapansin ang hitsura ko ay kumunot ang kaniyang noo. Naramdaman ko na lang na tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon. Tumingin ako sa kaniya na nakatingala pa din sa akin at nasa tenga na ang kaniyang cellphone. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakitang siya ang tumatawag.

“Ginagawa mo diyan?” Tanong ko sa kaniya.

“Umiyak ka? Bakit?” Hindi ko alam pero gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ang boses niya. Nakatingin pa din siya sa akin habang nangungusap ang kaniyang mata.

“Nagkaroon lang ng ‘di pagkakaintindihan sa pagitan namin ni dad.” Bumuntonghininga ako.

“Kanina ka pa diyan?” Pagiiba ko ng topic, ayoko munang pag-usapan ang tungkol sa nangyari kanina. Pakiramdam ko ay maiiyak ulit ako.

“Hindi naman.” Nakita ko ang pag-iling niya. Damn I want to hug him. “Nagdala ako ng mcdo.” Inangat niya ang paper bag ng mcdo.

Nawala lahat ng pagod ko dahil sa kaniya. Ngumiti ako sa kaniya at sinarado ang bintana, sana ay wala si dad sa baba para hindi niya makita na lalabas ako at makikipagkita kay Zymon.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu