CHAPTER 7

114 16 0
                                    

(Lyndon's POV)

"Henrick, huwag mo akong iiwan!" sabi ni Jefferson habang nakapikit ang kanyang mga mata.

"Jepoy, si Dondon ang kasama mo at hindi si Henrick." tugon ko habang karga ko siya at naglalakad ako papuntang bahay.

Hindi malayo ang bahay nina Niccolo at bahay namin pero magkaiba lang ng kanto ang tinitirhan namin. Nasa Anthurium Street ang bahay ni Niccolo habang nasa Cattleya Street ang bahay namin.

"Henrick, uuwi na ba tayo ng bahay?" tanong ni Jefferson ngunit hindi pa rin niya inisip na ako ang kasama niya.

"Hindi, doon ka muna matutulog sa bahay namin." sagot ko

Nang makarating na kami ng bahay ay masuwerte pa ako dahil hindi naka-kandado ang gate ng bahay namin at sinalubong pa ako ni Gwendolyn.

"Kuya, saan kayo nanggaling?" tanong ni Gwendolyn habang pumasok kami sa loob ng gate.

"Nag-inuman kasi sa bahay nina Niccolo." sagot ko sabay sarado ni Gwendolyn ang kandado ng gate.

"Kuya, gagawa ba kayo ng milagro sa kama mamaya?" pang-aasar ni Gwendolyn

"Buti nga lang at pumasok na lang tayo ng bahay." nag-change topic ako para di nila pag-usapan ang lovelife ko.

Nang pumasok na ako ng kuwarto ay inilagay ko siya sa kama at hinubad ko ang kanyang sapatos at medyas. Huhubarin ko na sana ang kanyang polo shirt pero bigla siyang nagsuka sa sahig. Kumuha ako ng pampunas at planggana para trapuhin ang sinukahan ni Jefferson.

Pagkatapos kong magtrapo ng sahig ay hinubad ko ang kanyang polo shirt at jeans. Tanging boxer brief na lang ang natira sa kanyang katawan. Bigla akong natulala nang tinignan ko ang kanyang katawan at malaki pala ang kanyang ano. Naramdamanan ko na malakas ang pagtibok ng puso ko at pinagpawisan ako dahil sa kilig.

"Henrick, rape me!" tanong ni Jefferson habang nakapikit pa rin ang kanyang mata.

"Gusto mo bang tikman ang langit?" pang-aakit ko habang pinunasan ko ang kanyang katawan.

"Joke lang!" sagot niya at tumatawa siya nang malakas.

Pagkatapos kong punasan ang kanyang katawan ay binihisan ko siya ng malaking t-shirt na grey at pulang jersey short. Nang humiga na ako sa tabi niya at bigla na lang niya akong niyakap at humilik siya nang malakas. Sininghot ko ang buhok niya at natulog na ako.

(Jefferson's POV)

After 1 week...

Makalipas ang isang linggo ay mas lalo kami naging malapit sa isa't isa. Parati kaming magkasama kapag nag-summer job kami sa isang maliit na convenience store. Kapag vacant namin sa duty ay parati kami tumatambay sa oval grounds.

Habang naliligo siya sa banyo ay palihim ko siyang tinitignan. Wala akong balak na magpa-virgin sa kanya pero gusto ko lang tignan ang kanyang katawan. Ngunit sa kasamaang palad ay bigla niya akong nahuli at nagtatago ako sa ilalim ng kama.

"Lord, patawarin mo ako sa lahat ng kasalanan ko!" sabi ng isipan ko habang kinabahan.

Narinig ko ang kanyang yapak dahil lumabas na siya ng banyo. Habang nagtatago pa rin ako sa ilalim ng kama ay pinagmasdan ko siya habang nagbibihis.

"Jepoy, nasaan ka?" pananakot ni Lyndon habang nagbibihis

Dahan-dahan akong lumabas sa ilalim ng kama at nagtago ako sa likod ng napakalumang aparador.

"Jepoy, may reward ka sa akin!" pananakot niya ulit habang naririnig ko siyang naglalakad.

Dahan-dahan ulit akong lumabas sa likod ng lumang aparador pero sa kasamaang palad ay nakita niya ako. Kaya't naghabulan kami na parang bata at para kaming nag-patintero. Ngunit nang nahuli niya ako ay itinulak niya ako sa kama at kaagad kong ibinalot ang sarili ko sa kumot.

Nahulog, Na-fall (COMPLETED) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon