CHAPTER 4

240 21 2
                                    

Neo Trai (right) as Ford
Phuwin Tangsakyuen (left) as Johnson

Pansamantala lamang kaming pumunta sa bahay nina Lyndon para magpaalam sa parents niya at binigyan ng mama niya si Lyndon ng pera. Hindi na niya dinala ang kanyang motorsiklo at sa halip ay sumakay na lang kami ng jeep.

Habang nasa loob ng jeep ay nagulat ako dahil magkasabay pala kami ng mga kaibigan kong babae. Nagulat rin si Lyndon dahil nakita rin niya ang kanyang kakilala at may kasama rin ito.

"Bro, hindi mo pala ako na-inform na may boyfriend ka na!" pang-aasar ng lalaki

"Hoy! Hindi ko siya boyfriend and for your information, wala kaming label!" tugon ni Lyndon

Dahil sa asaran ng lalaking kakilala ni Lyndon ay hindi na siya makatingin ng maayos dahil nakikita kong nag-blush na ang kanyang mukha at pinagpawisan pa siya.

"Wow! Ang pogi pala ng kasama ni Jeff at siguradong kumpleto na ang araw ng kaibigan natin dahil kay pogi!" pang-aasar ni Phoebe

"Jeff, di ba siya iyong tumulong sa'yo nung nahulog ka sa kanal kagabi?" pang-aasar ni Mandy habang kinikilig sa aming dalawa.

"Ang suwerte mo naman and for sure baka na-fall na kayo sa isa't isa!" pang-aasar ni Geneva

"Hoy, ba't niyo ako pinagtutulungan?" sinigawan ko sila na may halong galit at kilig ang aking nararamdaman.

Dahil sa pang-aasar ng mga kaibigan ko sa aming dalawa ni Lyndon ay bigla akong innubo at nabilaukan kahit na wala akong sakit kasi ganyan talaga ako kapag kinikilig.

"Ayyyyyyiiiiiiiieeeeeee!" sabay na sabi nilang lahat

Habang nakikita ko ang lalaki at ang kanyang kasama ay alam ko na may something sa kanilang dalawa base sa kanilang galaw at naisip ko na baka asarin niya ang dalawa para makaganti.

"Johnson, 'di ba may crush ka sa katabi mo?" pang-aasar ni Lyndon

"Hindi, friends lang kami!" pagtanggi ni Johnson

Dahil siguro nagsisinungaling si Johnson ay kinurot ng kasama niya ang kanyang leeg at napaaray si Johnson pero biglang sumigaw nang malakas ang mga kaibigan ko dahil kinilig sila. Napansin ko na kanina pa nagagalit si manong driver dahil ang sakit na sa tenga ang kanilang sigaw.

"Hoy, huwag kayong sumigaw at kanina pa ako naiinis!" galit si manong driver habang patuloy na nagmamaneho.

"Sorry po, manong!" huningi ng pasensya si Geneva.

"Balang araw, maghihiwalay rin ang mga mag-syota na nasa loob ng jeep!" ani manong driver habang napakabitter niya.

"Grabe ka, manong! Hayaan mo na!" sabi ng babae na nasa front seat.

Narinig ko ang bulung-bulungan nina Johnson at ang kanyang kasama dahil sa palagay ko ay ayaw nilang malaman na may something sila.

"Paps, ano ba? Ba't mo kasi ipapakita kay Lyndon na boyfriend kita?" tanong ni Johnson

"Hayaan mo na paps! Kinilig ka rin naman eh habang kinurot ko ang leeg mo!" sagot ng kasama nito.

"Tama ba ang narinig ko?" tanong ko at naputol ang kanilang bulung-bulungan dahil nakita kong nagulat si Johnson.

"Hindi, baka guni-guni mo lang iyon!" napakadefensive na sagot ni Johnson at bigla siyang hinalikan ng kanyang kasama sa pisngi at bigang natulala ng isang minuto si Johnson.

Napasigaw na naman sa kilig ang mga friends ko dahil sa ginawa ni Ford kay Johnson. Naramdaman ko na nakasandal na ang ulo ni Lyndon sa balikat ko.

"Nakalimtan ko nga pala magpakilala. I'm Ford, boyfriend ni Johnson. Classmate naming dalawa si Lyndon." pagpapakilala ng kasama ni Johnson sa amin.

"Dondon, ito nga pala iyong mga kaibigan ko. Sina Phoebe, Mandy, at Geneva." pinapakilala ko kay Lyndon ang mga friends ko.

"By the way, saan nga pala kayo pupunta?" tanong ko

"May bagong bukas kasi na mall doon sa bayan." sagot ni Phoebe

"Talaga? Same pala tayo ng destination!" ani Ford

"Doon rin kami pupunta ni Jefferson." ani Lyndon

Pagkatapos ng isang oras ay nakarating na kami sa bayan. Tanging kami na lang nina Lyndon, Johnson, Ford, Phoebe, Mandy, at Geneva ang natira sa jeep dahil sinubukan kong gisingin si Lyndon dahil kanina pa nakasandal ang ulo niya sa balikat ko dahil sa haba ng biyahe.

"Lyndon, gising na! Nasa bayan na tayo!" niyugyug ko ang kanyang kaliwang braso para magising siya.

"What if halikan mo siya? Baka sakali magising siya kapag ginawa mo!" suhestiyon ni Johnson

"Ganyan rin ang ginawa ko kay Johnson noong muntikan na siyang malunod sa dagat." tugon ni Ford at hinampas ni Johnson si Ford nang malakas sa balikat.

"Hoy, hindi kiss ang tawag dun kundi CPR!" sabi ni Johnson na may halong galit at hiya ang kanyang pananalita.

"Ayyyyyiiiiiieeeee!" sabay na sabi ng mga girls.

Inilapit ko na ang mukha ko sa mukha ni Lyndon at muntik ko na sana siyang halikan pero bigla siyang nagising.

"Ba't di mo na lang kasi ako hinalikan?" tanong ni Lyndon habang naiinis.

"Nagising ka na kasi." sagot ko

"Kanina pa ba tayo dito?" tanong ni Lyndon

"Oo, kanina ka pa ginising ng baby mo pero hindi ka pa rin nagising." sagot ni Mandy

"Actually, gising na ako nung malapit na tayo dito sa terminal ng jeep pero nagkunwari lang akong tulog para halikan ako ni Jefferson." paliwanag ni Lyndon at kinurot ko siya sa leeg

"Ano? Tulug-tulugan lang ang peg mo?" tanong ko habang naiinis at nagagalit.

"Hoy, hindi ba kayo lalabas ng jeep ko? Ipapapulis ko kayo kapag 'di kayo lalabas!" nang narinig naming sumigaw si manong driver ay nagmamadali na kaming lumabas ng jeep.

Nang nasa malayo na kami ng jeep ni manong driver ay may nakita kaming mga motorela na nakaparke at pumasok kami sa loob ng isang pink na motorela na may Hello Kitty ang design. Nasa front seat kaming dalawa ni Lyndon at pumagitna sa aming dalawa ang driver habang nasa likod naman ang mga kasama ko.

"Kuya, sa may Jeanjel's Bistro po." sabi ko

"Sinong kasama mo?" tanong ng poging driver

"Marami po kami." sagot ko

Pagkatapos ay pinaandar na ng motorela driver ang kanyang sasakyan. Habang nagda-drive ay pinagmasdan ko si motorela driver dahil ang pogi niya kahit na nasa early 30's na ang kanyang edad. Hindi naman siguro magseselos si Lyndon kaya't okey kahit na sulyapan ko siya tutal hindi ko siya crush.

"Jeff, parang napansin ko si baby boy na nagseselos dahil nakatitig ka kay papa driver." pang-aasar ni Geneva na nasa likuran ko.

"Excuse me, wala akong feelings kay kuya driver at hindi ko siya crush!" palusot ko

"Sus, nagpapalusot ka pa! Kanina pa namin napapansin na may crush ka kay papa driver!" ani Geneva

Oo na, hindi na ako magdedeny na may crush ako kay kuya motorela driver pero sana secret lang 'to para di ako mahuhuli ng mga kaibigan ko. It's just a paghanga at walang malisya ang ginawa ko.

Nakita ko na nagagalit sa akin si Lyndon at hindi niya ako tinignan sa mukha. Ang cute pala niya kapag nagagalit at nagseselos. Sa halip na nalulungkot ako ay napalitan ito ng ngiti dahil iba talaga kapag nagagalit si Lyndon dahil ang pogi pa rin. At least nakaganti na ako sa kanyang prank kanina sa jeep.

Pagkatapos ng limang minuto ay nakarating na rin kami sa Jeanjel's Bistro.

"Dito lang po, kuya!" sigaw ni Geneva at huminto ang motorela sa destinasyon namin.

Nang lumabas na kaming lahat ng motorela ay umandar na ito at pumasok na kami sa loob ng restaurant.

Nahulog, Na-fall (COMPLETED) ✔️Where stories live. Discover now