Chapter Twenty Nine

Start from the beginning
                                    

  Naging tahimik ang byahe namin pauwi dahil nakatulog kaming dalawa ni Chloe. Ginising lang kami ni Bridgette nang marating namin ang bahay nila, kung saan ipapakilala namin si Chloe personally sa family ni Bridgette. Magiliw ang pagtanggap nila sa bisita at marami ring picture ang nangyare. Isang oras kami nagtagal bago nagpaalam para ilagay na ang gamit ni Chloe sa bahay kung saan siya temporary na mamamalagi. Pagkatapos naming ilagay ang gamit ay agad niya naman kaming inaya na maglakad-lakad kahit alas sais na.

  Nauna naming pinuntahan ang plaza, kung saan may ginagawang panibagong mga upuan at nilibot 'yun. Panay picture lang ang kasama namin dahil maganda raw tignan kapag naka night shot. Sumunod naman kami sa cultural, kung saan may event palang nagaganap, which is ang basketball tournament. Tinapos namin ang laro dahil nagmakaawa si Chloe, napansin niya kasi na may gwapo raw sa player.

  Halos dumugin kami ng mga taong gustong magpapicture kay Bridgette at Chloe nang mamukhaan nila ito. May isang pamilyar na lalakeng lumapit din sa amin, hawak-hawak ang bola.

  Lumapit sa tainga ko si Chloe. “'Yan ang sinasabi kong gwapo.”

  Nagpigil tawa naman ako. “Talaga? Sure ka na?”

  “Ehem. Welcome back, Els at Bridgette. Sana naalala n'yo pa ako,” singit ng lalake na unti-unti kong namumukhaan.

  “No way! Tyrone?”

  Ngumiti ito, pinakita ang perpekto niyang puting ngipin. “The one and only!”

  Tatakbo na sana ako para yakapin ito nang may humila naman sa kamay ko. “Behave, Ella,” tugon ni Bridgette at sinamaan ako ng ngiti.

  Tumawa lang si Tyrone at nag-apir nalang sa akin. “Apir nalang muna, Els. Mukhang pinagseselosan pa rin ako ni Bridgette eh.”

  Inirapan ito ng kasama namin. “Shut up, Tyrone.”

  Napansin ko naman si Chloe na nakatingin lang sa amin, napatawa naman agad ako sa naalala. “Tyrone, si Chloe pala. Chloe, si Tyrone, ex ni Ynnah.”

  Nang marinig ang pangalan ng babaeng bumabagabag sa kanya, agad na nag-iba ang aura niya. Pilit itong ngumiti kay Tyrone na binigyan din ako ng nagtatakang tingin. May past kasi sila ni Ynnah pero hindi naman ganoon ka seryoso. Gusto ko tuloy matawa sa dalawang pinagtabuyan ni Ynnah, pero ang sama naman kung ganon kaya tumahimik nalang ako.

  “May pupuntahan ba kayo?” tanong ni Tyrone.

  Nagkibit-balikat ako. “Kung saan lang kami ilakad ng paa namin. Iginagala namin si Chloe kasi bagong punta niya pa lang dito eh.”

  Tumango ito. “Ohh, I see. Anyway, gusto n'yo bang mag bar tayo? May bagong bukas malapit sa Kota at masaya raw doon.”

  Nagtinginan kaming tatlo at di kalaunan ay pumayag na. Wala rin naman kaming pupuntahan. Naglakad kaming apat papunta sa bar na tinutukoy ni Tyrone. Ako at si Tyrone ang busy sa pag-uusap, habang ang dalawang magkaibigan naman ay busy din sa kanilang mundo. Hindi masyadong malayo ang bar kaya nakarating agad kami. Modern design ang exterior nito at sa loob ay may party lights na nagpakurap sa akin ng ilang beses. Pumwesto kami sa apatang table at nagpresenta si Tyrone na mag order para sa amin. Ilang minuto ay bumalik ito at nag-aya naman mag-selfie.

  Isa-isa nilang nilabas ang kanilang mga cellphone at kumuha ng iba't-ibang angle ng picture. Kinalabit naman ako ni Bridgette at itinuro ang cellphone niya.

We Were Never Strange Where stories live. Discover now