Chapter Twenty Nine

835 58 16
                                    

Ella

Alas tres ng hapon namin sinundo si Chloe sa port ng Sta. Fe. Mukha pa itong nawawalang bata habang nagpapalinga-linga sa aming sasakyan. Nakasuot ito ng skinny jeans at malaking hoodie, pati na rin ng shades. Kahit na ganito ka simple ang pormahan niya, marami pa rin ang napapatingin sa gawi niya.

  Nang makita niya kami ni Bridgette na nakatayo sa harap ng kotse, mabilis itong tumakbo, hila-hila ang maleta niya. Nang makalapit ito, agad niya akong hinila sa isang yakap.

  “I don't want to have crushes na!” iyak neto.

  Napahigpit naman ang yakap niya na napansin ni Bridgette kaya agad itong kinalabit ng kaibigan. “Chloe, as much as I want to cry with you, pwede mo bitiwan muna si Ella? Don't suffocate my girl.”

  Agad na kumalas si Chloe sa yakap ko para tignan ng masama si Bridgette. “Don't tell me what to do! Kadugo mo pa naman ang nanakit sa akin!”

  Nagpigil tawa ako sa sinigaw ni Chloe kay Bridgette. “Tahan na, Chloe. Hindi kawalan ang kaibigan ko.”

  Napa-atras ito sa narinig. “You're right. Kung kaya niya akong itaboy, then I can do the same to her,” seryoso niyang sabi habang pinapahid ang kumawalang luha sa mata.

  Medyo naawa nga rin ako dito kay Chloe kasi palagi nalang ata bigo sa pag-ibig. Noon, hindi ko na entertain kasi baliw ako sa kaibigan niya. Ngayon naman, pinagtabuyan ni Ynnah kasi baliw ang kaibigan ko.

  Inaya na kaming pumasok ni Bridgette para makakain na si Chloe sa pinag-reserve naming restaurant dito sa Sta. Fe. Nakasakay ito sa likod habang kami naman ni Bridgette sa harap.

  Palinga-linga siya sa paligid at tinuturo pa ang mga panibago niyang nakita. Hindi ko pa sila nadala ni Cole sa isla kaya ganito nalang makapag-react. Nag balak kasi sila noon na bumisita pero inayawan ko kasi nga sa rason na ayaw kong umuwi kapag hindi ko kasama si Bridgette.

  “Gosh! The people in here are smiley as heck. Hindi ba sila napapagod?”

  Nagkibit-balikat ako. “Ganun talaga sila dito. Masasayahin kahit na may mga mabigat na pinagdadaanan.”

  Nagtaas kilay si Chloe. “Weh? Eh ikaw you're from here naman pero I always see you na nakabusangot. Fake resident ka dito noh?”

  Pinandilatan ko ito ng mata. “Umayos ka, Chloe. Nasa teritoryo kita.”

  Tumawa naman si Bridgette. “You're right, Clo. Ella is always nakabusangot. Alam mo ba? Noong high school pa siya kung sino nalang naiinis sa kanya because of her permanent expression.”

  “Ikaw din, Bridgette. Tumahimik ka o hindi kita sasagutin.”

  Ngumisi ito sa. “Okay lang. Kung hindi mo ako sasagutin, ako nalang sasagot sa'yo. We're both nanliligaw here, diba?”

  “Ugh! Please save your landian on your bedroom. I'm mending a broken heart, remember?” singit ni Chloe na masama ang tingin sa amin.

  “Pasalamat ka may awa ako sa puso mo, Chloe,” sagot ko naman.

  Pagkarating namin sa isang resort, kung saan nagpareserve si Bridgette, ay kumain agad kami. Nagutom kasi kami sa kakahintay kay Chloe. Nagustuhan ng bisita namin ang kalamares at adobong pusit na bagong kuha pa mula sa dagat. Naubos niya rin ang inabot kong laman ng shells na may cheese at ang sweet and sour fish. Nang matapos kami ay panay reklamo ito na sobrang busog na raw siya at hindi na kaya maglakad, pero sumunod naman nang tinakot namin na iwan dito.

We Were Never Strange Where stories live. Discover now