Chapter 31 . Back

Start from the beginning
                                    

"Ready na po ba?" tanong ko kahit gusto ko ng umalis sa sobrang hiya. Tumango naman siya at hinila ko na si Travis papunta sa kusina.

"Umalis ka dito" nagulat kami sa nagsalita. Napatingin kami sa likod at nakita si Kuya Third.

"Kuya!" Pagbabawal ko sabay lapit sakanya pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin kay Travis.

"Isa ka ba sa mga kapatid ni Alina?" tanong ni Travis at tumawa ng nakakaloko si Kuya.

I'm scared..

"Eh gago ka pala eh! You don't even remember us tapos ang kapal ng mukha mong bumalik dito! Ikaw ang sumira sa buhay ng kapatid ko! Sabi ko naman sayo dati diba na wag na wag mong paiiyakin ang kapatid ko but.. oo nga pala, may amnesia ka!" sigaw ni kuya at hindi ko napigilan ang pangingilid ng luha sa mata ko.

Hinawakan ko siya sa braso at pilit inaalis don pero hindi siya sumusunod sakin.

"I am sorry.. Hindi ko naman choice ang kalimutan kayo." sabi ni Travis pero lalo akong nagulat nung kwelyuhan siya ni kuya.

"Kuya stop it!" sigaw ko pero parang wala siyang naririnig.

Dammit!

"Third!" nakita kong pumasok na ng bahay si Ate Rean.

Hinawakan niya sa kamay si Kuya Third pero hindi siya pinansin. Pinuntahan niya ako at yinakap.

"Ate pigilan mo siya.." sabi ko pero umiling si Ate Rean.

"Sa ngayon.. kailangan natin pabayaan ang pangyayari. Galit ang kuya mo at may punto siya. Kung hindi niya mailalabas yan baka anong magawa niya sa susunod at kilala mo ang kuya mo.. hindi niya magagawang saktan ang bestfriend niya." Paliwanag ni Ate Rean.

Tumango ako.. sana nga.

"Ngayon.. may choice ka. Wag ka ng lumapit sa amin, ipagpatuloy mo nalang ang buhay mo" sabi ni Kuya pero umiling si Travis.

Kumunot ang noo ko habang pinapanuod sila.

"Utak ko lang ang nakalimot" sabi niya at natigilan si Kuya Third dahil doon.

"Nararamdaman ko na kilalang kilala kita." sabi niya atsaka siya binitawan ni Kuya Third. Para namang isang tinik ang nawala sa akin nung tumalikod si Kuya Third.

"This is insane" aniya at hinila na si Ate Rean paakyat ng hagdan.

Lumapit ako kay Travis at nginitian siya.

He did a good job..

"He is your bestfriend" sabi ko kay Travis at kita ko ang pag kagulat sa mga mata niya.

"That's why ganon siya kagalit sa akin.. He should have just punch me" sabi niya.

Ngumiti ako ng marahan at umiling.

"How can he kung tingin niya parin sayo ay isang kapatid.." saad ko.

Uupo na sana ako pero napaawang ang labi ko at namilog ang mga mata ko nang bumagsak siya sa sahig.

"Travis!" sigaw ko kaya narinig kong tumatakbo si Kuya Third at Ate Rean pababa ng hagdan.

"What happened?!" sigaw ni kuya pero nakita kong sinusubukan ni Travis tumayo.

Bigla siyang dumaing at sumigaw. Nakita ko kung paano siya nasasaktan sa nararamdaman niya. Napatakip ako ng bibig ko dahil sa pagdaing niya.

"Travis.. please." hindi ko alam kung anong sasabihin ko para maibsan ang nararamdaman niya. 

"Kuya! call an ambula--" hindi ko pa naman natutuloy ay hinawakan ako ni Travis sa kamay.

"You don't need to call an ambulance Third" sabi niya na ikinagulat namin.

Napalunok ako at naramdaman ko ang pagpatak ng luha mula sa mata ko.

Nanikip ang dibdib ko.

"Im not an asshole for nothing. Mahirap mamatay ang mga ganito." sabi niya at ngumisi.

The old travis that I know is back.

"Hi babe.. I missed you" sabi niya yinakap ako.

Lalo naman akong humagulgol sa iyak. My feelings were overflowing because of too much happiness..

He can remember.. He does!

Tumayo siya at nilapitan si Kuya at yinakap. Nakita ko namang masaya si Kuya.

"Bro.. I'm sorry" sabi ni Travis at tumango naman si Kuya Third.

"Kung alam ko lang na ako ang makakapagpaalala sayo ay sinuntok na dapat kita nung mabait ka pa." sabi ni Kuya Third kaya natawa kami.

Lumingon siya ulit sa akin at binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Linapitan niya ako at yinakap.

"I am so sorry.. I love you" aniya at halos sumabog ang puso ko nung marinig ko yun.

Parang pipisilin ang puso ko dahil sa saya.

"I love you too Travis.."

Ngayon sigurado ako na ang kasama ko ngayon ay ang taong mahal ko, minahal ko, at minamahal ko.

Si Travis Morgan.

Loss in the Dangerous PathWhere stories live. Discover now