"Inihaw na lang na bangus," kuya Mike said with finality. "Tara na sa palengke," yaya niya sa mga kaibigan.

"Ah, tutulongan ko na lang si, Elaisle magluto rito." Natahimik kaming lahat nang magsalita si, Jayda. Nagugulat ko naman siyang hinarap.

"Ubo, ahem, ubo."

"The moves ang bata natin," kumunot ang noo ko sa mga pinagsasabi nina, Tim at Glen. Hindi ko sila maintindihan.

"Huh bakit?" hindi ko alam kung tama ba ang tanong ko pero mas lalo lang naging awkward ang paligid. Naghagikgikan sina, Tima at Glen. Habang si, Jayda ay nahihiya namang yumuko.

Anong klaseng tanong ba 'yon Mae?

"Aysus! The moves ka lang Jayda eh!" Nalilito kong tinignan si, Tim.

"The moves saan?" nalilito kong tanong.

Humagalpak naman ng tawa si kuya sa likod ko. Ewan ko pero pakiramdam ko ay may alam sila na hindi ko alam. Nakita ko pang siniko ni, Jayda sa sikmura si, Tim nang inakbayan siya nito.

"Ang ibig kong sabihin Elaisle ay duma-da-moves lang 'tong si, Jayda. Gustong tumulong ni, Jayda sayo dahil ayaw niyang sumama sa palengke, mainit kasi at... at nakakatamad maglakad kaya ayaw niyang sumama. Nag-presenta siyang tulongan ka para hindi siya makasama sa palengke. Gets mo?" Mahabang paliwanag ni, Tim na akala mo ay nakikipag-usap sa kinder.

Umiling lang ako at walang sinabing umakyat sa taas para makapagpalit ng damit.

"Elaisle, tutulongan ka ni Jayda ah!"

"Hoy Jayda baby galingan mo.. galingan mo magluto."

"Tigilan niyo nga 'yan, ako kuya nun ah!"

"Sorry boss,"

"Manhid grabe, haha."

Narinig ko pa ang mga pag-uusap nila bago ako nakapasok sa kwarto ko.

Pagkatapos magbihis ay humiga muna ako sa kama at kinuha ang cellphone ko. Pupunta pang palengke sina kuya kaya may oras pa 'kong mag-scroll up and down sa Facebook.

Tahimik lang ang account ko sa Facebook, though medyo nadagdagan ang friends ko nang  manalo sa pageant. Lowkey lang akong tao kaya konti lang din ang mga post ko sa Facebook.

Lish Anya Guia:
Pag ex na, ex na! Wala ng balikan pa!!

Nadaanan ko ang shared post ni, Lian na isang meme.

Naghahasik na naman ng karupokan ang isang 'to. Pati Facebook dinali. Nag-comment si, Rose kaya roon ako nag-reply.

Rona Serene Norriente:
Say it to your self. xd

Mara Elaisle Avilla:
Marupok j.peg.

I continued scrolling hanggang sa madaanan ko naman ang hate page ni, Rose.

Serene Norriente Basher, ang pangalan ng page. I don't know if Rose knew this eh wala naman siyang paki sa mga bashers niya.

Pagnalaman ko talaga admin nito, kakalbohin ko!

Ni-log out ko ang original account at nag-log-in sa dummy account ko. Dito ako nag-ra-rant sa mga dipunggal na bashers ng kaibigan ko.

Rose didn't knew this, and I kept it secret to them. Pagnalaman kasi 'to ni, Rose ay alam ko na ang sasabihin niya.

"Hayaan mo na lang 'yan, magsasawa rin sila."

Pagkatapos ma-satisfied sa mga rants ko sa admin ng page ay ni-log out ko na ang account. Hindi ko namalayang halos magdalawang oras na pala akong nag-e-scroll at nag-ra-rant sa Facebook.

Pagbaba ko ay hindi ko inaasahang makita si, Jayda sa sala. Naka-upo siya sa sofa at nag-e-strum ng gitara niya. Hindi pala talaga siya sumama sa palengke.

Peke akong umubo para mapansin niya ang presensya ko. Hindi naman ako nabigo at agad siyang napalingon sa'kin.

Casual naman akong nakikipag-usap sa mga kaibigan ni, kuya kaya 'yon din ang plano ko ngayon. Umupo ako sa katapat na sofa ni, Jayda at tinignan siya sa ginagawa. Bahagya lang siyang tumango sa'kin kaya 'yon din ang ginawa ko.

"Ituloy mo lang," sabi ko nang mapansing hindi na niya ni-strum ang gitara.

"Ah, s-sige" bahagya pa siyang nataranta. Ang weird talaga ng lalaking 'to. Hindi ko alam kung nahihiya ba siya sa'kin o ano.

"'Yung sinulat mong kanta tapos mo na?" I asked him. Nagtanong lang naman ako pero grabe na ang gulat sa mata niya.

"Ah, naaalala mo pa pala." Kibit balikat ang naging sagot ko.

"'Yung sa garden, maganda 'yon. Uso 'yan ngayon 'yung mga pang-broken." Ngumuso ako at naalala ang kaibigan.

"Oo nga eh," awkward niyang sabi. Namutawi ang katahimikan sa'min saglit, buti na lang at nagsalita siya.

"Ikaw ba? Anong gusto mong mga kanta? Love song?" Tanong niya sa'kin.

Agad naman akong umiling, eww allergic yata ako sa love song!

"Hindi, gusto ko 'yung mga inspirational songs. 'Yung mga kantang nakaka-inspired mabuhay." Tumango-tango siya sa sinabi ko.

"Kantang pangmatalino," aniya. Kumunot naman ang noo ko.

"Alin naman ang pangmatalino roon?"

"Haha, wala nga. Sadyang kakaiba ka lang mag-isip. Kakaiba mag-isip ang mga matatalino." Na-weirduhan ako sa sinabi niya kaya hindi na lang ako sumagot.

Napatingin ako sa kanya nang tapikin niya ang gitara. "Sige, susubukan kong gumawa ng inspirational song." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"Huh? Bakit?" nalilito kong tanong

"Kasi, 'yon ang gusto mo?" Aniya.


Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi

It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)Where stories live. Discover now