"I'm willing to risk it all
Just stay with me and we'll get through all these walls"
Pasigaw na kinanta ng mga kaklase ko. Di ko alam kung considered pa bang kanta yun eh.
"Stell ayos ka lang" pang aasar ng best friend ko na si Loisa
"Tingin mo?" irtitable ko namang tanong sa kaniya habang inaayos yung earphones ko na nabuhol nanaman. Bibili na talaga ako ng bluetooth earphones sa susunod.
Lalo lang lumakas yung tawa ni Loisa nung nakita niya na super naiirita na talaga ako. "Ikaw naman kasi ewan ko ba kung ano kinakaayawan mo. Ang catchy kaya saka ang gaganda and pogi nila"
Heto nanaman. Nandito nanaman kami sa usapan na to "ewan ko sayo Loisa bahala ka diyan. Para namang may point pinagsasabi nila"
Totoo naman. Kung makikinig ka sa kanta dapat siguraduhin mong alam mo pingsasabi nila. Eh pano mo malalaman kung ang gulo nung lyrics.
"Guys babaan niyo ng slight yung volume nung TV naiingayan si Stella" narinig kong sabi ni Loisa sa mga kaklase namin.
Sa araw araw na lang na ginawa ng diyos tuwing pumapasok ako naririnig ko yung super lakas na songs from a boy group na Barangay District ata pangalan. Ah basta ang ingay. May risk it all risk it all pa silang nalalaman. Dagdag mo pa yung mga kaklase ko na sinusubukan gayahin yung mga choreo as if naman magagaling sumayaw mukha namang uod na sinabugan ng asin.
"Stell try mo nga tong bagong kanta kasi ng District 9. Sinasabi ko sayo super ganda baka maging fan ka. Tunog Hollywood siya gurl parang yung Taylor Swift mo."
Tinignan ko lang si Loisa na parang ewan ngayon. Kahit anong sabihin niya, nag-iisa lang si Taylor sa heart ko. Well, Directioner din ako so siguro dalawa sila hehe.
"No thank you Lois, good na ako dito. Enjoy ka na lang diyan" sabi ko na lang sa kaniya para manahimik na siya.
"Mm sige sure. By the way mamayang phys ed daw may groupings. Narinig ko sa kabilang section. Sasayaw ata eh"
Napakunot ako ng noo. Ito nanaman. Ayaw na ayaw ko talagang sumasayaw. Sige g pa ako sa kantahan kasi kahit papano may ibubuga pa to. Pero sayawan? Omg na lang mga sis.
"Ano nanaman ba naisip ni sir. Para namang nagtuturo. Siya kaya suamayaw." sabi ko sa kanya.
"True yan gurl pero wala na tayo magagawa. Buti nga matataas grades na binibigay eh. Well dapat lang naman kasi hindi naman siya nag work". Sagot nito
Yang phys ed teacher talaga namin super weird niya. Like giving me bad vibes. Imagine laging nanghihingi sa mga students ng materialistic things. Kami yung pinapabili niya ng mga gamit sa clinic kung saan din siya tumatambay lagi. Tapos nung isang araw hinihingi bigla yung tupperware ko. Siyempre di ako pumayag diba. Baka matakwil ako ng nanay ko.
"Gurl mag ready ka na lang. Siyempre power house tayo as always. Iinform ko rin yung iba" kagad siyang tumayo sa upuan niya at chumika sa iba naming friends.
Lumipas na ang ilang subjects at finally down to last na kami. Walang iba kung hindi ang phys ed. Medyo nakakaba kasi iaannounce yung gagawin. Sana madali lang. Saka sana hindi true yung nasagap na chismis ni Loisa sa ibang section.
Speaking of Loisa, ayan nanaman siya nanonood ng District 9 niya.
Tinapik tapik ko siya. Nagulat pa si gaga. Focus na focus eh. "Oy Lois, dahan dahan matutunaw yang screen mo kakatitig"
"Gwapo talaga nila. Woo love you Chris" sabi nito saka hinawakan yung heart daw niya.
Tinignan ko siya weirdly. "Weird mo oy. Saka pano mo nalalaman kung sino sino sila. Eh buhok lang naman ata yung idenrification nila eh"
"Ewan ko sayo. Sa boys ko nanaman binubuntong yang kaba mo. Bakit ba kasi ang tagal dunating ni sir. Darating pa kaya yun?"
Lagi naman kasi di umaattend yun ng klase eh. Duh ni hindi nga nagtutro. Aattend man siya uupo lang naman sa may table banda tapos chi chika na lang class namin.
"Hindi na siguro yun. Tara cafeteria. Gusto ko ng ice cream. Sabi ngayong hapon daw next delivery eh. Naubusan ba naman ako kanina" aya ko kay Loisa.
Siyempre naman foodie kaming dalawa kaya pumayag siya. Kaya kami tumataba eh.
Pababa na sana kami ng building kasi nasa baba yung cafeteria, kaso biglang dumating yung teacher namin.
Sir wrong timing naman eh. Mauubusan nanaman ako ng ice cream.
Siyempre mga mabubuting estudyante, pumasok kami kagad and umupo na sa seats namin.
"Good afternoon section Keller. Mag performance task kayo. By group to. Bahala na kayo sa groupings basta 8 per group. Sasayaw kayo. Deadline three weeks from now. Start na kayo ngayon." Pagkasabi ni sir kaagad naman siyang umupo.
"Ano ba yan ang dry naman ni sir. Halatang tamad na tamad magturo" sabi ni Loisa saka tumayo at hinanap yung iba naming friends.
"Guys powerhouse! Dito tayo" kaway ko sa mga ka group ko na friends ko rin.
Tinignan kami ni Marielle weirdly. "Bakit ba kasi powerhouse tawag niyo satin ha? Ano yun cell?"
"Cell naman tayong lahat ah" singit naman ni Aechana. Siya yung medyo tahimik saming lahat. Kami naman ni Loisa para bang noong umulan ng kaingayan nasalo ko lahat at nabuhusan siya.
"Oh nasan naman sila Amanda at Karisha" tanong ko sa kanila. Comapared samin ni Loisa, silang apat ang laging magkakasama dahil magkakalapit lang yung upuan nila.
"Present madam" pang-aasar sakin ni Karisha. Medyo takot daw kasi yun sakin at medyo nagkaroon kami ng altercation noon. Pero okay naman na friends na kami.
"Andito rin ako" mahina namang sambit ni Amanda. Siya yung pinaka mahiyain at tahimik sa aming lahat. Parang siya na rin yung bunso namin.
"Okay 6 tayo, kulang ng dalawa. Sino kukuhain natin" tanong ni Marielle
Umiling iling naman si Aechana. "Ewan ko. Kayo? Okay lang sa akin kahit sino"
"Si Freddie na lang kaya lambot ng hips nun eh pwede na pang macho dancer" biglang sabi ni Marielle
Napasapo naman sa noo si Aechana "Ano ba yan Marielle ang kalat! may bata dito oh." Sabay turo kay Amanda na as usual nananahimik lang.
Kagad namang sumingit si Loisa na mukhang may balita na ata. Pinatanong kasi namin siya kay sir kung anong sayaw ba dapat gagawin. Ang vague naman kasi ng instructions.
"Guys so ayun nga sasayaw raw tayo ngayon need daw na legit legit ang sayaw" chika naman nito na may matching hand movements pa.
"Hindi ba pwede mag baby shark na lang, gummy bear dance ganon?" pa joke ko na tanong pero medyo seryoso talaga ako. Di naman kasi ako marunong sumayaw. Hindi ko keri iligtas buhay ko pag papasayawin ako just to live.
"Nukaba Stell bantot naman. Pero oo nga bawal daw" Sabi ni Loisa na kinakunot naman ng noo ko. Ano ba naman tong buhay, parang life haist.
"Hala edi ano ba pwede?" tanong naman ni Aechana, parehas din kami na ayaw sumayaw. Babagsak na lang kami ng sabay. Okay lang yan basta may kasama. Joke lang po clout chasing lang.
"Eh kung mag District 9 tayo? oo yun na lang matutuwa si sir dun" pag initiate ni Marielle. I mean dancer naman kasi silang dalawa ni Loisa kaya madadalian sila.
"HAHAHAHAHA PANO BA YAN STELLA" pang-aasar naman na tawa ni sakin ni Lois. Hay nako kung hindi lang para sa grades di ko to gagawin. My gosh District 9 anong klaseng name yan.
"Oo na, oo na gagawin ko. As if naman may choice ako diba?" Pagmamaktol kong sinabi.
Huhuhuhu help na lang my bones at lalo na ang ears ko. Paulit ulit ko maririnig yang barangay district group na yan.
YOU ARE READING
That Fangirl
RomanceFangirl. Always the fan, never the girl. Stella Amari Yucheco Avalos, isang bitter anti-fan na naging die-heard stan. Paano na ba to? How will Stella stop herself from falling in too deep with someone she knows she'll never reach? "Ang ironic lang...
