CHAPTER SEVENTEEN

Depuis le début
                                    

“Ibig niyang sabihin e nasa mood lang kaming kumain ng marami.” pilit ngiti itong sumagit sa akin habang si Onyx at kibit-balikat na nakaharap sa akin.

Tumango ako sa kanila.

Pati ba sila ay alam din ang gagawin ni Knoxx mamaya?

Ilang sandali pa ay pinag patuloy na namin ang pag kain, nakita ko naman si Onyx at Claude habang nag titinginan.

----

DUMATING ang hapon at unti-unting dumidilim na ang kalangitan.

Kasalukuyan akong nandidito sa kubong tinutulugan namin si Knoxx. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang gagawin mamaya. Hindi ko naman kasi inaakala na tutuparin niya ang sinabi niya, akala ko ay nagsisinungaling siya nun. At mali pala ang akala ko.

Napatingin ako sa pintuan ng marinig ako ang pag bukas nito, bumungad sa akin si Knoxx na may ngiti sa mga labi nito.

Lumakad ito sa akin at tinakpan ng puting panyo ang mga mata ko upang hindi ako makakita.

“Knoxx?” tawag ko sa kaniya.

Patuloy ang pag takip niya sa mata ko at hinawakan ako sa kamay. “May pupuntahan tayo.” ani nito. Rinig ko ang galak sa boses nito.

Inaalalayan niya akong lumakad palabas at pumunta sa kung saan dahil hindi ko makita ang daan dahil sa pag takip niya ng mga mata ko.

Bawat galaw at pag hawak nito sa kamay ko ay ramdam ko ang pag iingat niya na hindi ako madapa o kung ano ang masamang mangyari sa akin.

“We're here.” anito nito at dahan-dahang kinuha ang panyong nakatakip sa mga mata ko.

Bumungad sa akin ang magandang kubo na dalawa lang mag mag ka-kasya sa loob nito. Napatingin ako sa daan kung saan ang mga petals ng rosas ay naruruon, sa gilid naman ng daanan ay mga kandilang umiilaw.

Hindi ko mapigilan ang pag ngiti ng makita ko sina Klein at iba habang pumupunta isa-isa sa kinatatayuan ko habang hawak-hawak ang isang kulay pulang rosas.

Isa-isa nilang binigay sa akin ang mga rosas at binibigyan ako ng matamis na ngiti, hindi ko mapigilan ang galak na nararamdaman ko kaya hindi napansin na lumuluha na pala ako.

Ramdam ko ang pag lakad ni Knoxx sa gilid ko at dahan-dahan nitong pinunasan ang luha sa mga mata ko. Binigyan ako nito ng matamis na ngiti at hinalikan ako sa pisngi.

Napatingin ako sa kamay ko ng hawakan niya ito, dahan-dahan kaming lumakad papunta sa tabi nitong beach kung saan ang kubo.

Pagkarating doon ay inilalayan ako nito sa pag-upo, matapos nun ay umupo na rin ito isang upuan na nasa harap ko.

“You like it?” nakangiting ani nito sa akin.

Tumango ako. “Yeah, dati ay nakikita ko lang ‘to sa mga teleseryeng napapanood ko. Hindi ko inaakala na mararanasan ko ang ganito.” masayang sagot ko sa kaniya at inilapag ang mga rosas sa tabi ko.

“Let's dig in. Hinanda pa ‘to ni Noona para sa ‘tin.” ani pa nito.

Tumango ako sa kaniya at nagdimulang kumain. Habang kumakain ay masaya kaming nag ku-kwentuhan ng kong ano-ano, may mga oras ding sinusubuan ako nito kaya ganun rin ang ginawa ko sa kaniya.

Knoxx Kraig Reigan | [B×B][MPREG][✔]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant