CHAPTER SEVENTEEN

4.6K 241 13
                                    

Chapter Seventeen
~•~

Sync’s Point of View

NANATILI akong tahimik habang pinagmamasdan sina Knoxx habang nag-uusap sa kabilang kubo.

“Surpresa diba ‘yon? Ba't niya nasabi?” bulong ko. “Nadala ata siya sa pag ka lasing niya kaya nasabi niya ‘yon. Paano pag sasabihin ko sa kaniya iyon? Baka masira ko ang plano niya. Siguro mag a-act na lang akong na walang alam sa gagawin niya mamaya.” dagdag ko pa.

“May sinasabi ka?” gulat akong napatingin kay Stavros ng bumungad ito sa akin.

“Ha? Wala-wala.” pilit ngiti ang binigay ko sa kaniya.

‘You must act like a normal, Sync.’ sabi ko sa utak ko.

Tumango ito sa akin at lumakad papunta sa kubo kung saan sila ni Knoxx.

Inayos ko muna ang sarili bago lumabas dito sa kubo namin, tinahak ko naman ang daanan papunta kina Knoxx.

Papalapit palang ako ay unti-unti na silang tumahimik at isa-isang bumalik sa upuan nila.

“Anong pinag-uusapan niyo?” nakangiting bungad ko sa kanila.

“Uhm. W-wala.” nauutal na sagot sa akin ni Noah. Tabi naman nito si Saint na nag kikibit-balikat na nakatingin sa akin.

“Ohh... I think I should take a breakfast,” sabi ko sabay baling kay Knoxx, “Ikaw, sama ka?” tanong ko rito.

“Mauna kana susunod na lang ako, busog pa kasi ako, e.” ani nito sabay kurot sa pisngi ko.

Ngumiti ako rito at nag paalam na.

“Phew.” I sighted. “Ang hirap pala mag panggap.” ani kopa.

Ilang sandali pa ay pumasok ako sa isa sa mga restaurant rito, hindi kalayuan ay nakita ko si Noona habang nasa counter nitong restaurant.

Seryoso ang usapan nila kaya akmang lumakad ako papunta sa kinaroroonan nila subalit may humawak ng braso ko.

“Sid?”

“Saan ka pupunta? Doon ang table natin.” bungad nito sa akin sabay turo sa lamesang nasa tabi ng entrance.

“Oh, pupuntahan ko lang sana si Noona baka kasi kailangan niya ng tulong, e.” sabi ko sa kaniya.

Umiling lang ito sa akin at hinila ako papunta sa lamesa nila, “H‘wag ka nang pumunta dun. Bilin niya sa amin ay kumain na tayo dahil may inaasikaso lang siyang importante.” nakangiting ani nito.

Nagtataka naman akong sumunod sa kaniya patungo sa lamesa kung saan kami kakain.

Pagdating ko ay nandoon na sina Dean,Veltrix at iba pang kasama namin maliban sa mga alpha.

Umupo na ako sa tabi ni Klein, marami ang pagkain nasa itaas ng lamesa kaya bumaling ako kay Onyx na nasa harapan ko.

“Anong meron at ang dami ng pagkain?” takang tanong ko rito.

Tumingin ito sa akin.

“Kasi may man---” tinakpan ni Claude ang bunganga ni Onyx kaya hindi nito natapos ang sasabihin.

Knoxx Kraig Reigan | [B×B][MPREG][✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon