07

45 4 0
                                    

Naabutan kong natutulog si, San. Wala pa si, Sir. Umupo ako sa kabilang dulo ng couch.

Matagal din akong naghintay. Hindi ko na inistorbo si, San na mahimbing ang tulog kahit nakaupo lang.

"O-" Si, Sir. Dumating na. Naabutan nya si, San na natutulog.

"I'm glad you're here, Vinci." Ngumiti sya sa akin. Ngumiti rin ako bilang sukli.

"Paki-gising nga sya. Kukuha lang ako ng tubig." Nako po! Baka magalit sa akin 'to pag ginising ko. Marahan akong dumusog papunta sa gawi nya.

"San.. Pasensya na pero kailangan mo ng gumising." Hinila ko ang laylayan ng damit nya.

"San.. Gising na." Hindi pa rin sya gumigising. Nakasandal ang ulo nya sa pader.

"Uy, gising na." Marahan kong tinapik ang pisngi nya. Nagising naman sya.

"Sorry. Pinagising ka kasi sa akin ng papa mo." Lumayo na ako agad. Ang gwapo nya sa malapitan, shuta.

"As I was saying..." Biglang sumulpot si, Sir. Hawak pa nya ang isang basong tubig na kinuha nya. Umayos ako ng upo. Ayaw kong magatagal dito. Ang awkward, shuta.

"I picked you as one of the candidates for the regional competition." Bigla akong naubo. Napatingin tuloy sa akin ang mag-ama.

"Sir, baka namali lang po kayo. Lalabas na po ako." Tumayo na ako at akmang lalabas, nang hilahin ako ni, San paupo. Hinawakan nya ang kamay ko?

"Makinig ka nga muna." May bahid ng pagkairita ang tono ng pananalita nya. Napalunok tuloy ako.

"You two are the picked of our principal and wether you like it or not you two will compete." Bakit ako? Hindi naman ako ganoon katalino, tsaka baka mapahiya lang ang eskwelahan namin kapag ako ang isinali sa mga ganyan. Hindi ako ganoon ka-confident sa katalinuhan ko.

"Sir, tungkol po ba saan yung kompetisiyon?" Tanong ko. Malamang ay alam na 'to ni, San. Hindi talaga pabor sa akin ang mga ganitong bagay, lalo pa't makakasama ko ang lalaking ito.

"About research. Honestly, para sa STEM students lang ang kompetisiyong ito. Naisip lang namin kung paano kaya kung pagsamahin ang HUMSS students at STEM students. Kayo pa lang ang unang tambalan ng HUMSS at STEM ang sasabak sa kompetisiyong ito." Napatingin ako kay, San. Wala ba syang sasabihin?

"Ahmm... Sir, I'm honored that I'm one of the candidates for the competition. But Sir, I'm not that confident about my intelligence and abilities. I'm not that expert." Kapag ganitong mga bagay sigurado ako na mataas ang expectations ng mga teachers at supervisors. Full of pressures, right?

"Hindi mo kailangan maging bihasa o magaling sa isang bagay, tandaan nyo yang dalawa. Yes, intelligence and abilities are what this competition needs but always remember, your confidence will deliver you to victory." Natahimik naman ako.

"Do you want this opportunity, Vinci?" Bigla akong pinagpawisan. Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Sir. I... Ahm..." Napayuko ako at bahagyang kinagat ang ibabang labi ko.

"I'm here to train you. No need to be afraid, Vinci." Napaisip ako. Pagkakataon ito para maipakita ko ang husay ko, sasayangin ko pa ba? Kung matalo, ade talo.

"Sir... Pumapayag na po ako." Biglang lumawak ang ngiti nya. Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Dahil dyan, sayo na itong chocolate chip cookies na binili ko." Binigay nya sa akin ang dalawang pack. Nagni-ningning ang mga mata ko. Pagkain talaga ang kahinaan ko.

"You can come to my house. I forgot to say that after ng INTRAMS na ang kompetsiyon." Agad-agad? Kaya ko ba yon?

"Sa sabado na ang una nyong pagsasanay. No buts. Pwede na kayong bumalik sa klase." Tumayo na ako at nag-paalam sa kanila. Ibig sabihin, sa bahay ni, Sir kami magsasanay? Oh no!

Rainfall Amidst The HorizonWhere stories live. Discover now