Chapter 11

9.7K 456 647
                                    

Tamad akong umupo habang inaantay yung pagkain ko. Enrollment na namin bukas para sa short term kaya ineenjoy ko na ngayon ang mabilisang break na mayroon kami, pero hindi ko naman mahanap ang mga kaibigan ko! Ayun tuloy, mag-isa akong kumakain ng lunch dito sa maliit na kainan sa Camp 7.

"Pecho." Sabi ni ate na may ari nung lugar. Palagi akong kumakain dito kaya kilala niya na rin ako. Maliit lang siyang restaurant along the road. Dati nga, take out lang ang mayroon sila. Ngayon may dine in na.

"Thanks, te!" Ngumiti ako. "May sabaw na kayo?"

Tumango siya. "Kunin ko."

Hinalo ko na agad yung sawsawan habang inaantay yung sabaw. Kinuha ko na rin yung cellphone ko para itext si Ezra. Ngayon kasi ang enrollment nila, though hindi naman sila required.

To: Ezekiel Raia
Done ka na sa enrollment?

From: Ezekiel Raia
Almost. Haba pila :( did you eat na?

To: Ezekiel Raia
Eating palang dito sa ihaw ihaw place

From: Ezekiel Raia
Near your house? Pecho???? Gusto ko rin

To: Ezekiel Raia
Stomo? Asa ka

From: Ezekiel Raia
Panget mo kabonding

I smiled to myself as I put my phone down, pero agad ko ring tinanggal 'yon sa mukha ko.

Ngiti ngiti ka jan, tanga.

"Sige lang, Zach, kahit saan ka umupo. Wala naman masyadong customers ngayon," anang ate habang nilalagyan ng sabaw yung mangkok ko.

Inangat ko agad ang ulo ko para tignan kung sino ang kausap niya. Nagulat na lang ako nang makitang nandito si Zach. Naka-blue jeans siya at puti na t-shirt. Kahit na simple ang suot, halatang mayaman talaga.

He looked shocked, too. Ngumiti naman siya at umupo sa tapat ko.

"I keep forgetting that you live in Camp 7, too." Tumawa siya sa'kin bago tumingin kay ate. "Pecho po, ate, atska sisig."

Tumango naman si ate habang ako ay humihigop sa sabaw ko.

"Sinusundan mo ako 'no?" Pangaasar ko sa kaniya.

Tumawa naman siya. Halata pa rin yung sugat sa gilid ng labi niya galing sa away nila ni Ezra nung isang linggo.

"How's your break so far?" tanong niya sa akin.

Nagkibit balikat ako. "Enrollment na ulit namin bukas, for short term.."

"Yikes, SLU." Umiling siya.

"Ang kapal naman ng mukha mong UB ka. Wala nga kayong quadrangle!"

Tumawa naman siya at tumango. "At least may elevator kami na pwedeng gamitin ng mga estudyante."

"Na palaging hindi gumagana." I rolled my eyes and started eating, pero niluwa ko agad 'yon nang mapagtantuhan kong wala pa pala siyang pagkain. "Sorry. Antayin na natin pagkain mo."

Tumawa nanaman siya, kaya natawa na rin ako. I have to admit, his laugh is definitely contagious.

Hindi ko man inaasahan, doon na nga talaga sa table ko kumain si Zach. Wala rin namang ibang customers kaya ang awkward kung magkalayo kami ng table.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa dalawang universities namin na magkaibang magkaiba. Nalaman kong Mechatronics para ang kurso niya. Engineering rin pala 'to.

"So bakit ba magka-away ang Beta at Alpha?" tanong ko habang hinahanap yung isang daan sa wallet ko.

He immediately grabbed my wallet and closed it, and paid the owner a whole 500 peso bill.

We Said Never (City Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon