CHAPTER 01

232 3 0
                                    

Who's who?

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasan ang mapakunot noo. Bakit ganito 'yung nararamdaman ko? Bakit parang may mali?



Napatigil ako sa pagtatanong sa sarili ko ng marinig ko ang pangalan ko. "Hoy, Zarah!" Nakita ko si Lia na naglalakad papalapit sa'kin.



"Napano ka?" Tanong ko ng makalapit sa kanya.



"Wala tinawag lang talaga kita" aniya saka pa natawa.



Napailing nalang ako. "Nasa cafeteria naba sila?"



"Sina Ara palang ang nandon" sagot niya habang may kung anong tinitignan sa phone niya. Hinila ko ang sleeve niya upang i-iwas siya sa mababangga niyang poste.



"Kilala mo ba 'to?" Biglang tanong niya saka iniharap sa'kin ang phone niya. Napatingin ako sa screen nito.



"Hindi. Sino 'yan? Crush mo?" Tanong ko ng matapos kong tignan ang ipinapakita niya. Isang katangkaran na lalaking moreno ang tinitignan niya, siklista ito kaya naman hindi nakakapag-taka kung crush siya ni Lia.



"Medyo" aniya na para bang kinikilig.



"Medyo? Ano 'yon, half add to cart, half add to heart?" Nakakunot noong tanong ko. Nangingiti naman siyang tumango.





"Hoy, Zarah!" Tawag ng isang pamilyar na boses. Nandito na kami ngayon sa cafeteria kaya hindi na 'ko magtataka kung sina Ara 'yon.



"Ayon!" Turo ni Lia sa left side ko. Nakita ko ang tinuturo niyang sina Ara na nakatingin lang sa'min.



"Kanina pa kayo?" Tanong ko.



"Oo" simpleng sagot ni Ara sabay tango.



"Ay! Alam mo ba Z–"



"Hindi pa" pagputol ko kay Autumn.



"Ahehe galeng" sarcastic na ani Autumn  habang pumapalakpak.



"Ano ba 'yon?" Natatawang tanong ko.



"Wala nawalan na 'ko ng gana magkwento" aniya na ikinangiwi ko.



"Dalian mo na, hayop na 'to!" Masama ang tingin na sabi ko sa kanya. Imbis na magsalita ay ngumuso siya sa kung saan.



"Diba bet ka no'n?" Aniya. Niliitan ko ang mga mata ko upang makita kung sino ang tinuturo niya.



"Aba malay ko" Kunot noong sagot ko dahil hindi ko naman kilala 'yung tinuturo niya.



"Oo, bet ka niya" biglang sang-ayon ni Lia saka pa sila nagtanguan ni Autumn sabay tawa. Kung sino-sino nalang napagtitripan ng mga 'to!



"Hindi pa ba tayo bibili?" Pag-iiba ko ng usapan. Umiling si Autumn habang tumitingin-tingin sa paligid. "Hintayin daw natin sina Xena at Lara" aniya pa kaya napatango ako.



Ilang minuto pa ang inantay namin bago dumating ang dalawa. Kaming dalawa ni Lia ang bumili ng makakain namin dahil tamad ang mga kasama namin.





"Oh! Nasaan sina Ara?" Tanong ko ng makabalik kami ni Lia dala-dala ang kakainin na'min. Ngumuso sa likuran ko si Xena. "Bumibili ng juice" aniya habang kinukuha ang kaniya sa pinamili namin.



Habang kumakain kami ay nagkukwentuhan sila sa kung saan, si Lara ay nakamasid lang sa paligid na para bang ang lalim parati ng iniisip. Si Ara at Autumn ay may pinag-uusapan na kung ano pati na rin si Xe at Lia.



Chains of Destiny (Paraluman Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon