Kasama 'daw nila si ethan may pinuntahan lang. Kaya pumunta naman kami sa kabilang bench na kaharap lang sa inupuan nila ayi pero malayo-layo 'din...

Tiningnan pa ni Euna ang bawat upuan at tinatanong ako kung anong hitsura ng babae pero wala kaming nakita, siguro nakaalis na...

Isa nalang ang upuan na hindi namin natignan may nakaupo 'dun na isang lalaki na alam ko ang postura ng pangangatawan...

"Hey pare! What are you doing here at nagiisa ka."Sabi ko pagkalapit namin ni Euna kay ethan...

"Oh earl, nandito rin pala kayo. Wala naman nagpapahangin lang." Malamyang sabi niya. Anong problema neto?

Nakapangalumbaba lang siya habang nilalaro ang mga daliri niya. Magpapahangin 'daw e, kahit saan naman dito sa park masarap ang hangin. Tssk! Pwede naman magpahangin 'dun  sa spot nila ayi, dito pa talaga. Sinipag naman ang isang 'tong maglakad...

Ethan's POV

Napakababaero talaga ang isang 'to. Nakapangalumbaba lang ako habang nilalaro ang aking mga daliri. Hindi ako makatingin sa kanila dahil naaawa ako sa mga babaeng niloloko niya...

Tuwing nakikita ko ang isang 'to, iba-iba nalang ang babaeng kasama. Kaya lang hindi ko rin naman magawang magalit sa kaniya dahil mahal ko ang mga kaibigan ko...

"By the way pare, it's Euna my girlfriend and Euna it's ethan my bestfriend." Napatingin ako sa kanila ng pinakilala sa akin ni earl ang babaeng kasama niya. Kaya tumayo ako at hinarap silang dalawa...

"Hi Ethan! It was really nice to meet you." Sabi ng girlfriend ni earl na naglahad sa akin ng kamay at tinanggap ko naman agad...

"It was really nice to meet you too, Euna." Tssk! Mahilig talaga sa magaganda kahit kailan...

Alam ko naman kung ano ang nagustuhan ni earl sa euna na 'to, syempre bukod sa may hitsura, ang puti pa...

"Ahmm... Babe! It's time na, pupuntahan ko pa si mommy dahil magpapasama siya sa akin magshopping. Kaya okay lang ba na maiwan muna kita,  may kasama ka naman dito si ethan. Right?" Malambing na paalam ng girlfriend ni earl. Ganyan nga wag niyong ipakita sa lalaking 'yan na patay na patay kayo, para hindi maloko...

Sa lahat ng naging girlfriend ni earl, mukhang itong si euna ang magiging katapat niya. Kaya goodluck pare!

Kakaiba siya sa lahat ng naging  girlfriend ni earl, she know's her limit. Maybe she also know that her boyfriend is a playboy, that's why she's aware...

"Sure babe! Susunduin ko 'din naman si Asia after this." Sabi niya na kinataas ng kilay ng girlfriend niya...

"Sinong Asia ba 'yan? At parang atat kang sunduin." Masungit na tanong ni Euna kay Earl...

Kung tama ako sa naalala ko, si Asia 'yung babaeng pinakilala sa amin ni Earl kamakailan lang na girlfriend niya...

"S---si a----asia babe? She's my cousin actually susunduin ko siya ngayon sa airport. Ngayon kase ang dating nila ng kambal kong si earl jean." Wow! Hindi na ako magtataka kong karmahin ang mokong natu balang-araw...

"E, bakit nauutal ka pa? Naku,  earl marami akong naririnig sayo. Kaya wag mo akong susubukan." Galit na saad ng girlfriend niya.

"Wala nabigla lang ako sa tanong mo. Promise! Pinsan ko talaga si asia at ngayon ang uwi nila ng kakambal ko at ako ang susundo sa kanila." Paliwanag niya na puro kasinungalingan. Hay! makonsensiya ka naman sana pare...

"Your so defensive! Okay, I want to end this conversation at ito ang tatandaan mo sa oras na lokohin mo ako, papantayin ko 'yang black eye mo, tingnan natin kong makadilat ka pa. Diyan ka na, I need to go." Huling sabi ng girlfriend niya at napanganga ako sa eksena ng dalawa. Akalain mong hindi nakapalag ang loko at nanahimik na lang...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Accidentally Destiny Where stories live. Discover now