"Hoy! Gago ka!" Binatukan ko siya. "Matagal na ba kayo?!"

"Christmas.. or New Year.. I don't know."

"Oh, eh bakit ngayon mo lang sinasabi?" tanong ko sa kanya. "Edi sana hindi ko na kayo inaasar ni Raffy noong nando'n si Natalia! Putek ka, malaki na ata galit no'n sa akin!"

Ngumiti lang siya habang umiinom sa buko juice niya. Binigay ni ate yung order naming tusok tusok na nasa plastic cup kaya kumain na rin ako doon.

"Okay ka lang ba?" tanong niya sa akin.

Tinignan ko siya. Hindi ko alam kung ano isasagot ko doon. Siyempre ang usual na sagot talaga ay oo. Pero ayaw ko namang magsinungaling sa kaibigan ko.

"Mahal mo?" Pag-iiba ko ng topic.

Tumingin siya sa baba upang umiwas ng tingin. "Oo."

"Mahal ka?"

Napatigil siya. Parang natamaan rin ako sa tanong kong iyon. Mahal mo nga, mahal ka ba?

Bahagya akong umiling. Hindi ko naman mahal si Ezra! Yuck! Ew! Kadiri! Ilang buwan ko pa nga lang pekeng boyfriend yung tao!

Binalik ko ang tingin ko kay Vale, nag-aantay ng sagot. Kumurap siya at lumunok.

"Sana."

I slowly nodded while eating. Kitang kita naman sa mga mata ni Vale na in love na nga talaga siya. Sana lang hindi siya masaktan. He has one of the purest hearts I know. Ni hindi ko pa nga 'yan nakikitang galit. And he treats each one of us in the squad like a princess. Baka Vale Protection Squad kami!

"Ikaw? Okay ka lang?" tanong ni Vale sa akin. "Sino na bagong crush mo? It sucks that we aren't classmates this semester.."

"Wala akong bagong crush."

Gulat niya akong tinignan. "I don't believe you. Last na kwento mo sa akin, si Ezra, ah. Last year pa 'yon. Someone in our classroom told me and Raffy that you and Ez are together, pero dinefend ka naman ni Raffy. Sabi niya hindi daw. Close lang daw kayo. We both know you're scared of commitment."

Ngumuso ako at umiwas ng tingin. I hate lying. I hate liars! So, hate ko na ba sarili ko? Charing.

"Vance Lawrence Enrique, may sasabihin ako pero h'wag mong sasabihin kay Raffy kasi paniguradong kakalbuhin ako no'n."

"What?" He looked surprised. "Are you and Ezra really together?" Nakataas ang dalawang kilay niya. "She's not gonna make you bald. She'll literally kill you."

Kinagat ko ang labi ko, pero bago pa ako makapag-isip ng sasabihin, napatingin ako sa lalaking naka-tayo sa likod ni Vale. Bumibili si Zach ng tubig, kaya naman hindi niya kami napansin. He was wearing a basketball attire. Sa tabi niya naman ay si Jaxon na umiinom ng tubig.

Bumalik kay Vale ang tingin ko nang biglang tumunog ang phone niya.

"Sorry, wait lang," Saad ni Vale bago niya sinagot yung tawag. Hindi na ako nakinig, pero mukhang si Natalia ang kausap niya.

"Ena.." He apologetically looked at me.

Umiling ako at ngumiti. "Go lang. Kailangan ko na rin umuwi. Mag-jeep na ako."

We Said Never (City Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon