Umiling si Olivia. "Absent ata, e. Swerte mo, gags. Kung andito siya edi hindi ka na pinapasok no'n."

"Truly," Ani Heidi sa kabilang tabi ko. "Ayusin mo nga buhok mo, mars."

Tumingin ako sa cellphone kung saan may bagong text. Nagbuntong hininga ulit ako bago 'yon tignan.

From: Ezekiel Raia
Are you okay? Ikaw ba yung dumaan sa giant steps na tumatakbo?

From: Vale
We're meeting after your class right?

Oo nga pala. Tusok tusok session with Vale!

Halos buong araw, nasa classroom lang ako. I don't wanna take any chances of seeing Ezra.

But honestly.. there's a part of me that doesn't wanna see him because I'm scared. Natatakot ako sa sarili ko. Natatakot ako sa pwede kong maramdaman. I just want to push the thought away. Hindi ko naman talaga siya gusto! Bakit ba ako nasaktan nung gabi na 'yon? In the first place, yun naman talaga ang goal. Magka-balikan sila ni Theo.

"Hi, Vale!" Ngumiti si Olivia. "Nandito ka ba para sa akin?"

Tumawa ako at siniko siya.

"Una na kami!" Kaway ko kay Olivia. Kumaway rin naman si Vale sa kaniya bago kami nagsimulang maglakad pababa ng building.

Dumiretso kami sa abortion steps dahil doon ang daan patungo sa UB. Mayroon kasing nagbebenta ng kikyam at kwek kwek doon sa kubo.

"Ayoko na, pagod na ako," hingal na hingal kong sabi.

"Tara na, kalahati na oh." Vale chuckled. "You should work on your endurance."

"Magaling kaya ako mag-endure." I rolled my eyes.

Tinaasan niya ako ng kilay. Kumapit na lang ako sa braso niya habang paakyat kami ng hagdan. Pagkarating namin doon sa taas, tumigil muna ako sa tabi nung guard para huminga.

"Musta ka naman, kuya?" I nodded at the guard. "May tubig ka jan? Pahingi."

Natawa naman yung guard. Hinila agad ako ni Vale palayo, tila nahihiya sa sinabi ko.

"You're insane." Umiling si Vale.

Tumawa ako habang naglalakad kami patungo sa kubo.

Nadaanan namin yung ibang mga building ng UB. Yung campus kasi ng UB, hindi parang SLU na sarado lang. May road kasi sa gitna ng mga buildings, kaya very open siya.

Habang nag-aantay kami ni Vale ng mga inorder namin na tusok tusok, nakapamulsa lang siya habang tinitignan yung iba't ibang mga taong naglalakad. Mukhang uwian na rin ng karamihan. Paniguradong traffic nanaman at pila sa mga jeep.

"Hoy." Humalukipkip ako at mariin siyang tinignan. "May jowa ka na?"

"Huh?" Mukhang gulat siya sa biglaan kong pag-tanong. "Wala.."

"Ano kayo ni Natalia?"

Oh, wala ka nang takas d'yan, Vale.

Lumunok siya at umiwas ng tingin. "Wala."

"Utot mo. Holding hands pero wala. Kinakahiya mo ba siya? Maganda naman siya, e."

"Ena.." He sighed. "Ayaw niyang sabihin sa iba."

"Ah, ikaw yung kinakahiya." Nagpigil ako ng tawa, pero napagtanto ko na ang dami na palang beses na inaasar namin si Raffy at Vale.. habang nandoon si Natalia!

We Said Never (City Series #3)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें