TFS 6 - Forbidden

22.4K 712 34
                                    

TFS 6 - Forbidden

Naia's POV

Kung minamalas ka nga naman. Hindi kaya ng wings ko ang bigat namin ni Apoy kaya naman eto at papalubog na sa ilalim ng lawa.

Naia mag isip ka ng ikakadistract niyang si Rage, kundi patay ka.

Ano bang bagay ang nakakuha sa atensyon ng isang lalake? Geez. Magmumukha akong sira and worst, baka pagtawanan ako ni Apoy pero I've got no other choices.

I pressed my lips to Rage's just to get his attention. Mahirap na baka makita niya ang mermaid beauty ko. Nagulat siya at tinitigan ako with his eyes wide open. Napako ang tingin niya sa aking mga mata at hindi ko pinutol ang pagtititigan namin.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa ginawa ko pero hindi ko nalang muna iyon papansinin.

Kailangan na naming makaahon, kailangang hindi niya ako mabisto.

Lumangoy na ako ng mabilis kasama siya para makaahon.

Napansin kong naging medyo kulay kahel ang buhok ko, bumibilis ang kabog ng puso ko at sumasakit na naman ang birthmark ko.

What's happening?

"What was that for Naia?!" he asked me ng makatapak kami sa lupa. Luckily bumalik agad yung mga paa ko at nawala ang mermaid's tail ko.

Mabuti at hindi niya nakita. Mabuti na lamang talaga. Kaso yung puso ko, malakas pa rin ang pagtibok. Parang nagwawala at gustong makalabas papunta sa mga kamay ni Prince Rage.

"Ah eh may dumaang malaking Silver Koi sa likod ko kaya naman nasagi ako." palusot ko.

"So you really want to kiss me huh? You should have told me para ready ako. And the fact that you're a good swimmer despite that you're a Sylph is really amazing." nakangisi niyang sabi at biglang lumapit sakin.

Nakaramdam ako ng kaba, hindi lang sa paglapit niya kundi pati na rin sa presence ng pares ng mga mata na nagmamasid samin. Kaya naman tinulak ko siya.

Naghihinala ba siya? Eh ano kung magaling lumangoy?!

"Sinanay ako ni Mommy na magswimming para raw magexcel ako dito sa Academy." di bale ng magmukhang defensive basta makalusot lang.

"And napakaassuming mo hah Apoy? You know that thing in your mind is forbidden." I answered him at gumawa ng mini tornado para matuyuan kaming dalawa.

"I know I know Naia. I just can't help it. I can't really resist you." he answered then he left me dumbfounded.

Gosh ang gwapo niya! Messy hair plus that serious aura! Ugh.

Oo inaamin ko kahit hindi talaga kiss yun, his lips is soft, so kissable. Ugh Naia naman itigil mo na yang kahibangan mo.

But seriously, I wanna taste it more. His very addicting and energy eating lips, but I can't. I know that I can't. It's like digging up my own graveyard, together with his.

Nilabas ko ang wings ko at nagsimulang lumipad. Nilisan ko ang Lake Aishi ng walang pasabi sa kanya, gaya ng ginawa niya.

Lumingon akong muli at natanaw ko si Apoy na naglalakad ng mabagal habang hawak ang mga labi niya at tila nag-iisip ng malalim.

Sorry Apoy.

*3 days after*

"Wow Naia!!! Lumaki na yung wings mo oh!" puri ni Min sa akin habang nakatitig sa aking mga pakpak.

"I know Min." walang ganang sagot ko sa kanya.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Napansin niya sigurong matamlay ako.

"What's the problem Naia? namimiss mo siguro si Prince Rage noh? Ang tamlay mo hah." she teased me at lalo akong nabadtrip.

"Impossible Min." I said.

"Hey, I know you Naia. Just tell me, what's the problem?" naupo siya sa aking tabi.

"I think I like him." panimula ko. Hindi siya nagulat, so it's too obvious huh?

"Kaso di ba bawal? But my heart is beating fast when I'm with him." dugtong ko pa at sumang ayon siya doon.

"I know mahirap yan. But why don't you divert your feelings to someone else?" she suggested.

I guess she's right. And I really need to find my soulmate. Sooner the better.

"Pero ang hirap. I am lying if I say I that I don't miss him right now." pahabol ko at napailing nalang si Min sa akin.

"Malaking problema yan kapag lumala, sana mapigilan mo pa Naia." she patted my back.

Napabuntong hininga ako. Baka nga iwan ako ni Prince Rage kapag nalaman niyang Syldine ako. Sino ba naman kasing tatanggap sa gaya ko?

"Who are you missing Feeler?" singit ni Princess Ariesa.

"Of course it's me!" at kaming tatlo ay napatingin kay Prince Zephyr na nakangiti.

Hay andito na naman ang makulit na ito. Simula nung hindi na napapagawi si Prince Rage dito ay siya naman ang naghahatid sundo sa akin.

Napansin ko ang pagngiwi ni Min at ang pag-irap ni Princess Ariesa.

"Ikaw pala yan Prince Zephyr. Good morning." bati ko at pilit ngumiti.

"Come on Naia. Let's eat some snacks. I saw your wings and they grew bigger. I'll treat you. Pati ikaw Min at Princess Ariesa, sumama na kayo." paanyaya niya.

"It's my honor to join you Prince Zephyr." magiliw na sagot ni Min.

"No thanks. Di ako kakain kasama ang isang feeler." malditang sagot ni Princess Ariesa at umalis.

3rd Person's POV

Nagpunta sina Prince Zephyr, Naia at Min sa Sky Deck, isang restaurant na pinatatakbo ng mga sylphs. Nkalutang ang lugar na ito kasama ang mga clouds sa kalangitan.

Habang papunta ang tatlo sa Sky Deck, napangisi si Prince Zephyr ng may makita siyang familiar figure sa daan. The guy is looking at him, a deadly stare, while biting his lower lip. Nilalaro nito ang mga orange fire balls sa kamay nito na tila handang manugod ng kahit sino.

Sa kabilang banda, magkakasama naman ang Crystal Elementals at nag-uusap ng masinsinan.

"Ano Ariesa napahirapan mo na ba ang baguhan?" tanong ni Princess Firah at itinaas nito ang isang kilay.

"Noong una oo pero Prince Zephyr meddled. Pinagtatanggol niya ang babaeng iyon." iritableng sagot ni Princess Ariesa na ikinagulat ng tatlo.

"Don't worry girls. May plano ako." then Princess Firah showed her evil smile.

"What's your plan Princess Firah?" tanong naman ni Shaylee.

"I know this woman, she calls herself a Draksia. She told me that she's willing to help us." sagot naman ni Princess Firah.

Nagkatinginan ang tatlo pang pinsesa, kita ang pagtataka sa kanilang mga mukha.

"Teka akala ko wala ng Draksia?" takang tanong ni Earsia.

"One is still alive, girl." she again smiled and fire is in her eyes.

----
Author's Note

Mag update daw po ako kayo ayan. Sorry if lame :)) pero nag eenjoy akong mag update hahaha. Salamat ulit sa mga nagbabasa :))

PS. Prince Rage at the multimedia box ^^

The First SyldineNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ