hell~26

1.4K 54 1
                                    

Nagising nalang ako dahil sa isang sigaw. Napatingin ako sa paligid ko. Nakatali ang mga kamay ko pati ang paa ko sa bangkuan na kahoy. 

Nakaharap ako sa siwang sa isang kwarto. Nasa isang lumang building kami at mukang abandonado na. 

Si ms. lee ay nakaupo at may nakaharap na tao na balot ng itim, parang isang anino lang. Hindi ko sya maaninag dahil sa anggulo at dahil nadin sa madilim dito.

"Sino ka?!" takot na sigaw ni Ms. lee

Ngumiti lang ito. At humarap sa pintuan na agad ding bumukas at bumungad si Edward. 

"gumalaw ka at mamatay sya" sabi nito pero mahina lamang kaya hindi ko malaman kung babae ba sya o lalaki.

May tali si edward sa leeg at nasasakal ito dahil pinipilit nyang mapalapit kay ms. Lee. 

Hindi na malaman ni ms. lee ang gagawin palinga linga na ito at tinakpan nadin ang ulo. 

"tama na!" sigaw nito.

tumawa muna ang taong animo'y anino.

Pinilit ni edward na humakbang kaya mas nasakal pa sya ng tali na ngayon ay unti unting humihiwa sa kanyang balat. 

Kung ano ano na ang ibinubulong ni Ms. lee at biglang tumayo ito at tumakbo kay edward pero biglang itong nadapa kasabay ng putok ng baril.

Pilit kong kinakalag ang tali sa kamay ko at nagtagumapay ako. pati ang nasa paa ko ay matatanggal ko na. 

ngumiti ang lalaki at umiling sa akin pero tinanggal ko padin ang tali sa paa ko at may tali na naputol dahil sa ginawa ko. 

Agad akong napatingin kay ms. lee na nakatulala pero nakangiti kay edward na wala ng buhay na nakahiga sa harapan nya. Medyo laslas din ang leeg nito. 

may nahulog na blade muna sa kisame at nahiwa ang kalahati ng katawan ni ms. lee.

Napatayo at napatingin sa anino na ngayon at tuwang tuwa. 

"3 lies and 2 shall die. You shall watch how karma's a bitch." Sabi nito bago ako tumakbo.

--------------

yay! short but Bloody :3

Hell AcademyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant