Gaya ng inaasahan ay nagtaka si Matri. "Regalo? What for?"

"For being better person," sagot naman nung isa.

Dahil magkatabi kami ay nagawa kong paluin ang balikat niya para sawayin. "Mali, for being herself again 'yon," pagtatama ko.

"Alam mo rin ang tungkol sa pinagsasabi niya, Raffa?" Gulat na tanong ni Matri.

"Hmm, and you should ready yourself," sabi ko at saka malapad siyang ningitian.

"Nakakatakot naman 'yang ngiti mo, parang ipapakain mo 'ko sa kung ano, tapos sisigaw ka ng surprise!"

Natawa ako sa sinabi niya. Talagang bumalik na siya dati.

Nasundan ng paningin ko ang paglingon ni Matri sa isang gawi. Doon siya mismo nakatitig sa upuan kung saan umuupo dati si kuya. Kada kumakain kami ay nilalagyan namin ng pinggan at mga utensils ang pwesto niya para kahit papaano, mapunan ang pagkukulang sa hapagkainan.

"How about you? Are you proud of me, babe?" Iba ang ngiti niya ngayon, mas maamo.

I know he is the proudest among us. I know that he's staring at you from above with a smile he only wears when you did something makes him proud but you always did. Alam kong masaya siya sa ginawa mong pagbabago. Sana ay magpatuloy at mas lumago ka pa. Palagi mo akong kasama sa bawat panahon na lilipas.

"Baby,"

"Oh?" Sagot ko kay Harris habang tinetext ang co-nurse ko.

"Si Emi ka ba? Anong oh?"

Napalingon ako sa kanilang dalawa dahil sa sinabi niya. Nasa kwarto kaming tatlo ngayon at nagpaplano na sanang matulog pero mukhang may study session sila.

Medyo pahiya ako ro'n, ha?

Nasa may study area sila ng kwarto rito sa bahay namin. Mukhang tinuturuan niya si Emi sa homework nito. Grade 6 na si Emi ngayon at marami na ring buwan ang naipasok. Napakabilis ng panahon. Parang kailan lang, kitang-kita ko sa mga mata niya na gusto niyang magreklamo at umiyak dahil sa iiwan ko na siya sa classroom ng mga kinder. Tapos ngayon, nasa huling taon na siya ng elementary.

"Ano ba naman kasi 'yan! Bakit naman ipinapakilala na sa inyo si x, e, pang-first year highschool 'to," reklamo ni Harris habang nagsusulat sa papel.

"Ano ba naman din kasi po 'yan, papa. Reklamo ka po ng reklamo pero wala pang sampong segundo, nasagutan mo na po 'yung homework ko. Turuan mo po ako, papa. Ayaw ko nang ikaw nagsasagot," nakangusong sabi ni Emi, halos kagatin na niya ang ballpen na hawak.

"Paano ko tuturuan ang estudyante na wala pa man akong itinuturo, mahirap agad?" Bawi naman ni Harris.

Nakangiti kong pinanood ang pagtatalo nilang dalawa dahil sa math, hindi ko na nga nareplyan ang text ng co-nurse ko.

Mahaba na ang pagkakanguso ni Emi. "Eh kasi naman po, masyado pong mahirap,"

"Gan'to kasi 'yan..."

Pinanood ko rin kung paanong tinuruan ni Harris si Emi. Lumalawak ang pagngiti ko habang tumatagal ang oras na pinapanood ko sila. Para kasing ako noon si Emi na tinuturuan niya, at katulad noon, mahaba pa rin ang pasensya niya sa pagtuturo basta math.

"Matanong ko lang, Emiliana. Anong gusto mo paglaki?" Nakangiting tanong niya pa nang matapos turuan si Emi.

"Nasabi ko na po sainyo 'yon, 'di ba po? Gusto ko pong maging doctor, papa," proud na sabi ni Emi.

"Maraming klase ng doctor. Ano doon?"

Ngumiti si Emi na para bang may inalaala. "I want to be hematologist po, papa,"

The Engineer's Private NurseWhere stories live. Discover now