Simula

446 38 111
                                        

Hopeless (Highschool Trilogy)

1. Hopeless
2. Scarred [Coming Soon]
3. Tame [Coming Soon]

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, some places, and incidents are product of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places, or persons, living or dead, is entirely coincidental.

This story is raw and unedited please expect typographical and grammatical errors.

No portrayers intended.

The cover in my story except the editing is not mine all CREDIT goes RIGHTFULLY to the owner.

Story events and places are not affiliated in any mentioned school like 'INHS' (Isabela National High School)

***


Simula

"Okay girls! Magpahinga na muna kayo and that's it for today," ani ng baklang trainor namin.

Narito kami ngayon sa gym ng school para mag practice ng sayaw for a regional competition.

3rd-year highschool pa lamang ako ngunit iba't ibang sports at academics ang nasalihan ko.

"Yung crush mo 'o," wika ni Jen habang humahagikhik.

Napangiti ako at sinulyapan ang labas ng gym na ngayon ay napupuno na ng mga estudyante.

Siguro ay tapos na ang klase alas-sais na rin naman ng hapon.

Sa gitna ng kumpulan ng mga tao nahanap agad ng mga mata ko si Adi na naglalakad at nagbabasa sa kaniyang hawak na libro.

Mas lalong lumawak ang aking ngiti habang pinagmamasdan siyang magbasa. Napapatingin pa siya sa kawalan na parang ikinakabesa ang kaniyang inaaral.

"Hindi talaga siya nakakasawang pagmasdan," bulong ko pero mukhang narinig ni Jen dahil tinampal niya ang balikat ko.

"Hulog na hulog kana, baka mamaya ikaw pa manligaw jan! Jusko Kris!"

Umiling sya at kinukurot ako sa tagiliran.

Ngumiti lamang ako sakanya at kumindat. Tumawa ako at muling pinagmasdan si Adi na ngayon ay may kausap na at mukhang itinago na rin ang kanyang libro.

Matangkad si Adi, matangos ang ilong, mahahaba ang pilik-mata na bumabagay sa mapupungay niyang mga mata. Maganda ang kurba ng kanyang labi, at mas lalong tumi-tingkayad ang kanyang kagwapuhan sa kanyang buhok na medyo nagulo na dahil haggard siguro sa klase.

Okay, biro lang yun kahit na haggard ay gwapong gwapo parin.

"Kailan kaya ulit kakanta ang banda ng school natin? May schedule ba sila?" wala sa sarili 'kong tanong kay Jen na ngayon ay inaayos ang kanyang mga gamit.

Ngumuso sya at nag-isip ngunit sa huli ay ikinibit ang balikat. "Ewan ko lang, tanong ko mamaya kay Leo."

Tumayo sya at kinuha ang bag niyang punong-puno na ng keychains sa ibabang zipper, tumawa ako at hinila ang isa.

"Hoy! Ano 'to? '143' ano ibig-sabihin nito?" sabi ko sabay akbay sa kaniyang balikat.

Napansin kong namula siya kaya pinisil ko ang kanyang pisngi.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Oct 15, 2025 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Hopeless (Highschool Trilogy #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ