OS43: Can't It Be Me?

8 2 0
                                    

Can't It Be Me?

I was just staring at him. Biting my lips, waiting for him to speak up. But instead, he just also keeps on staring at me.

"So hanggang titigan nalang tayo nito?", tanong ko pa sa kanya at natawa naman ito.

"Ba't ako iyong tinatanong mo niyan? You were the one that asked me to have a talk. Ulyanin mo na Yachie.", sambit niya kaya napangiwi ako.

Napalunok na lamang ako saka napaiwas ng tingin. I am still contemplating whether I should tell him my feelings or not.

I mean, I think there's nothing wrong about confessing but I couldn't take the risk of the chance na baka may magbago sa pagkakaibigan namin.

"Oo na, ako na. Sensy na ano, grabe ka naman. Nagtatanong lang naman if magtitigan lang tayo dito. Ikaw? Wala kang sasabihin? Pwedeng ikaw na rin mauna.", sabi ko kaya natawa ito saka nailing.

"Wala, kaya spill the tea Yachie. H'wag kang pa-suspense.", turan niya pa kaya napahinga ako ng malamin saka sinalubong ang kanyang mga tingin. Lord, tulong.

"I just want to say na, gusto kita.", lakas loob kong pag-amin at nakita ko namang napangiti ito.

"Gusto rin kita.", natatawang aniya kaya inirapan ko siya saka sinipa sa may binti.

"Pangit mo ka-bonding. Seryoso kasi, gusto kita. Not just as a friend, more than that.", sabi ko kaya natawa ito.

"So best friend?", sagot niya pa kaya hindi ko naman mapagilang batukan siya.

"Ito na nga oh, magtitino na.", turan niya na lamang kaya napahinga ako ng malalim.

"Thank you.", aniya kaya napangiwi ako saka napakagat labi. I think I knew where this.is goin'.

"But I couldn't, I just cant--", pinutol ko na lang lamang ang sasabihin niya because it was if hindi niya atang sabihin for he knew baka iyakan ko siya dahil rito.

"It's fine, I am not saying this para maging obligado kang gustuhin rin ako. I just kinda wanna say it with you.", sambit ko kaya napatango naman ito saka napaiwas ng tingin.

"I'm sorry, you know, I just can't take the risk na gustuhin ka pabalik. Kasi hindi naman natin alam kung hanggang saan iyan.", aniya kaya tumango ako.

"Oo na, na-friendzone na ayaw pa-diretsuhin eh.", sabi ko naman kaya natawa ito pero agad ring napatigil nang magring ang phone niya. May tumatawag.

Hindi ko naman mapagilang hindi maki-chismis dahil may kakaibasa mga ngiti nito nang mabasa ang name nito sa screen.

"I'm just going to take this call Yach.", paalam niya sa akin kaya napatango ako matapos ko siyang ngitian. Napapikit naman akong mariin when my mind started to flood thoughts of jealousy and envy.

Alam kong hanggang kaibigan nalang talaga kami. And I knew na malaki talaga ang tsansang baka magkagusto siya sa iba.  Okay na naman sana, and that's okay. Pero hindi ko pa rin mapigilang itanong sa sarili, "Why it can't be me?".

One Shots 102Where stories live. Discover now