Part 53. It is Not the End

21 1 0
                                    

Una sa lahat, gusto kong mag sorry...
Sorry kung hanggang dito na lang
Sorry kung di ko na itutuloy ang kwentong 'to dahil wala na yung taong bumubuo nito.

Summary:
Naging kaibigan ko Zgem sa loob ng 1 year, subrang saya ko nung mga uras na yun na may napag sasabihan ako ng mga problema ko, broken ako nung mga time na yun at nasa process ako ng pag momove on habang kami pa ng ex ko, nung mga uras na yun subrang hirap bitawan yung isang tao na nakasama mo sa loob ng almost 3 years, pero bakit naman tayo manghihinayang sa 3 years kung paulit ulit ka na lang niluluko diba? Nung mga time na yun, nakilala ko si zgem sa isang group at nagkakilala kami, broken sya sa ex nya at dumating na rin yung time na di ko na kinaya na mag stay pa sa ex ko na si Hersie dahil sa isang napakalaking kasalanan. Sa loob ng 3 days na nakipag hiwalay ako sa ex ko pumayag ako sa challenge ni Zgem for 1 month jowa challenge pero nag work kaya pinagpatuloy na namin. At tuluyan na nga akong naka move on kay Hersie. Hinde ako pumayag sa challenge kung may nararamdaman pa ko sa ex ko, pero wala na talaga, nag fade na talaga yung feelings ko sa kanya dahil sa sakit na subra nyang ginawa..

June 19, 2019 Naging kami ni Zgem

Hinde ko sya ginamit, hinde sya naging rebound sakin, mas minahal ko sya ng higit pa at sa paraang alam ko. Lahat ng mga mali na nagawa ko sa nakaraan ko, tinama ko sa kanya dahil akala ko deserve nya yung pag mamahal na yun, ilang beses nya kong nasaktan pero minsan mas pinili ko na lang manahimik at magpapanggap na parang wala lang. Minahal ko sya ng higit pa sa sarili ko, ginawa ko syang mundo. Gusto ko lang madama nya na meron pang taong mag mamahal sa kanya ng buo.

Dumating yung 3 months, na una nya kong nasaktan dahil sa sinabi nya na mas gugustuhin nya na lang maghanap ng iba. Nasaktan ako ng mga time na yun. At may mga araw na inaaya nya ko hinde ako nakakarating kasi subrang busy ko sa school at graduating din ako nung mga time na yun, pinangako ko naman sa kanya na babawi ako sa college life.

February 2020, exactly birthday nya, at di ko binigay yung bagay na gusto nya at pag uwi ko nung araw na yun napansin ko yung mga pagbabago sa kanya, na parang wala na syang gana na kausapin ako. Lagi na sya may excuses sa tuwing nag aaya ako na lumabas.

Nag lockdown nung March, 2020 subrang dami ng cases ng covid. Unti unti kong napansin na palabo na ng palabo hanggang sa naisipan kong buksan yung account nya at dun ko naalam na busy sya sa mga kaibigan nya.

November 2020, last meet namin.. habang palapit ako sa kanya, ramdam ko yung sakit at kirot ng damdamin ko at hinde napigilang umiyak sa harap nya at halatang halata na hinde nya na nga ako mahal, dahil sa selos na naramdaman ko. Kitang kita ko sa mga mata nya na ayaw nya na talaga sakin at hinde na talaga ako.

March, 2021 Birthday ng kaibigan nya na kinaseselusan ko. Yup, I know. Wala naman akong dapat ikaselos pero kitang kita ko kung gaano sya kainterisado at ka supportive sa kanya, kitang kita ko kung gaano yun kahalaga sa kanya, kung paano nya protektahan sa ibang tao, pero akong gf nya di nya magawa. At may mga nalalaman akong bagay na mga kasinungalingan nya.

Dumating yung mga araw na hinde na kami nag kakaayus, mas lamang na yung away kaysa ok kami, ginawa ko na lahat ng best ko, nag makaawa na ako, and I give a move chance para bumawi pero mas lumala pa. Alam kong hinde yun gawain ng isang matinong bf, ikaw ba naman na bf na wala ng ginawa kundi ang magsinungalin sa gf mo,? Ikaw na bf na wala ka ng pakialam sa gf mo, kung ok pa ba? Ikaw ba na bf na mas pipiliin ang kaibigan kysa dun sa taong laging naghihintay ng message mo

May 10,2021 Dumating na yung araw na kinakatakutan ko. Yung araw na ayaw kong mawala yung taong mahal ko, yung araw na guguho ang mundo ko, yung araw na wala na yung sya at ako. Yung araw na malaya na kami sa isat isa. Hinde ako yung bumitaw kundi sya.

Zgem is friendly, caring, loving, supportive and a loyal best friend sakin nung una. siguro nag expect lang ako na mas mamahalin nya ko sa kabila ng lahat, pinaramdam ko sa kanya na iba ako sa mga nakaraan nya, iba ako sa lahat ng mga taong nakilala nya. Nagselos lang naman ako kasi ayaw kong mawala yung isang tao, ayaw kong kalimutan nya ko, alam kong ang selfish ko sa part na yun, alam kong napaka unfair ko dun. But, sorry lahat ng makakaya ko ginawa ko na..

Siguro, napaka immatured ng rason para sa hiwalayan na to. Yeah, yun lang naman ang mga dahilan, nagselos ako, nawalan sya ng uras sakin, mas pinili nya mga kaibigan nya. Napaka immatured na rason..

Kung pagsubok lang lahat ng 'to saming dalawa. Handa ko parin syang tanggapin at ipagpatuloy ang mga kwentong to. Kung hinde na talaga kami para sa isat isa, pasensya na kung hanggamg dito na lang talaga.

Kahit na wala na sya ngayun sakin, mahal na mahal ko parin sya. Aasa akong babalik sya, aasa akong itutuloy pa ang relasyung to at gagawin ko ng panibagong kabanata sa pamagat na to..

Kung hinde man sya ang dulo ko, subrang saya ko na dumating sya sa buhay ko...
Subrang sakit ngayun sakin, habang tinatapos ko ang kwentong 'to tuloy tuloy na pagpatak ng mga luhang nais bumalik sa araw na meron pang sya at ako.
Kung babalik man sya, siguro yun na muli yung darating na kasiyahan ko sa buong buhay ko...







Hinde pa huli ang lahat, handa pa kong magbigay ng huling pagkakataon at 2nd chance..











It is not the end...











It's time to.....
















Move on.

I Want You To Be My Last Kde žijí příběhy. Začni objevovat