“Punyeta,” mura ko at agad na lumayo.

Ngumisi siya sa akin. Akala niya ba ay madadala niya ako doon? Pwes, oo! Madadala niya talaga ako potangina niya. Bakit ‘di niya pa ako hinalikan?!

Umiling ako sa mga naiisip ko, fucking shit. Bakit ba lumalaswa na ang mga naiisip ko kasalan ‘to ng Salazar na nasa harap ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Zymon. Tumaas ang kilay ko sa kaniya. Ang kapal talaga ng lalaking ‘to. Sarap nilang pagbuholin ng babae niya. Umirap ako sa kawalan.

“What’s funny Salazar?” Kunot noo kong tanong sa kaniya.

“I miss you,” hindi ko alam kung ilang paro-paro ang naramdaman ko sa tiyan nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Paano niya ako napapakalma ng dahil lang sa kaniyang boses. May gayuma nga ata ang magpipinsang ‘to.

“Miss your face, Zymon,” umismid ako at binalewala ang sinabi niya. Hindi dapat ako maniwala sa sinasabi ng lalaking ‘to. Hindi naman siya marunong magseryoso puro kalokohan lang ang iniisip niya at malay ko ba kung ganito din ang mga sinabi niya sa lahat ng babae niya.

“Hindi ka naniniwala sa akin?” malambing na sabi niya. Nakita kong kumislap ang kaniyang matang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay namumula na ang pisngi ko dahil sa kanina niya pang pagtitig sa akin. Gusto ko siyang takasan dahil hindi mo na talaga kakayanin kung magtatagalan pa akong kasama ang lalaking ‘to.

“Shut up Zymon, wag mo nga akong paasahin,” hininaan ko ang huli kong sinabi pero mukhang narinig naman ata niya ang sinabi ko.

Sumilip siyang muli sa akin at nanlaki ang mata niya sa sinabi kong iyon. Ano ba Nailah, mukha namang ewan eh.

“What did you say?” Nakangiting tanong niya.

“Wala.” Umiling ako, bakit kapag nakangiti siya ay napapangiti din ako? Masyado naba akong baliw sa lalaking ‘to. Ngiti niya ata ang nagpapabaliw sa lahat ng babae eh.

Kulang sa akin ang isang bote ng beer kaya tumayo ako para kumuha ulit.

“Saan ka?” Tanong niya sa akin. Mukha naman siyang ewan, kukuha lang ako ng beer no.

“Kukuha ng beer,” sabi ko sa kaniya.

“Babalik ka?” Kumunot ang noo ko sa kaniya.

“Hindi ko alam, bakit ba?” Tanong ko. Alam ko namang gusto na din niyang makasama si Mitsuki. Bakit ba siya tanong nang tanong.

Umiling siya sa akin at ngumiti. Bakit ba palagi siyang ngumingiti sa akin. Minsan ko lang din siyang makitang seryoso at hindi ko din gusto kung gano’n siya.

“Zy!” Sabay kaming napatingin sa tumawag sa kaniya. Nakangiti si Mitsuki kay Zymon may dala itong isang bote ng beer. Nakita ko ang pag-arko ng kilay ni Zymon sa babae.

“Mits I told you no alcoholic drinks,” malamig na sambit ni Zymon. Nakita ko ang paghaba ng nguso ng babae, napairap ako doon. At talagang sa harap ko pa talaga sila naghaharotan ngayon?

“I just—” hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nagsalita ulit si Zymon.

“We already talked about this,” ani Zymon. Seryoso pa ding nakatingin sa babae.

Yumuko si Mitsuki at lumapit naman sa kaniya si Zymon at may binulong dito. Kinuha ni Zymon ang beer sa babae. Humahapdi na ang mata ko sa nakikita ko ngayon. Gusto ko silang saktan ngayon pero wala akong karapatan. Wala namang kami ni Zymon.

Nagsimula akong maglakad at nilagpasan ang dalawa.

“Naih!” tawag ni Zymon sa akin. Hindi ko talaga  maintindihan ang lalaking ‘to. Bakit pa ba niya ako pinapansin eh may girlfriend na siya.

Hindi ko siya nilingon at diri-diritso na akong naglakad patungo kila Sandra. Nakatingin sa akin sila Troy at ang mga kaibigan ko. Inaalam kung anong nangyari.

Kumuha ako ng limang bote ng beer at binuksan lahat ‘yon.

“Sa ‘yo ba lahat ‘yan?” boses ni Jaica ang narinig ko. Nilingon ko siya at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin.

Tumango ako sa kaniya. Umarko ang kaniyang kilay at akmang kukunin ang beer sa akin agad ko iyong nilayo sa kaniya. Bakit ba pinipigilan nila akong uminom. Gusto ko lang magsaya, bukas na ang kaarawan ko at hindi ko naman iyon ramdam.

“Naih ano ba? Wag ka munang mag-inom! Ang dami niyan!” inis na sabi niya sa akin.

Si Jaica ang tahimik sa aming tatlo, masasabi mong mabait siya pero nakakatakot naman siyang magalit kumpara kay Sandra.

“Hayaan mo na ako Jai,” sabi ko at nilagok ang beer. Diri-diritso ang pag-inom ko sa beer na nasa bote. Nangalahati agad ito.

“Naih!” Galit na ang mukha ni Jaica habang nakatingin sa akin. Nakita kong nasa likod na niya ang kaniyang boyfriend. Si Sandra at Chelsie naman ay nakita ko na ding papalapit sa amin. Bakit ba masiyado nila akong pinapakailaman? Gusto ko lang namang mag-inom.

“Bakit?” Tanong ni Chelsie.

May binulong sa kaniya si Jaica siguro para hindi marinig ng iba, nakatingin na kasi ang lahat sa amin.

Tumango si Chelsie at lumapit sa akin. Kinunotan ko sila ng noo.

“Girl iinomin mo ‘yan lahat?” Tumango ako sa kaniya.

“Kaya mo ba?” Tanong niya ulit.

“Oo naman, bakit ba?” Tanong ko at ininom ulit ang beer.

“Kasi naman baka kung ano na namang gawin mo kapag nalasing ka. Alam mo namang hindi namin gusto na malasing ka Naih, nakakalimutan mo pa naman ang ginagawa mo kapag okay ka na,” ani Chelsie.

Iyon lagi ang sinasabi sa ‘kin nila Sandra. Kapag nalalasing ako ay kung ano-ano na lang ang ginagawa ko. Pagkatapos ay kapag okay na ako hindi ko na alam kung ano ang mga nangyari nung nalasing ako. Kaya laging nakabuntot sa akin ang dalawa kapag nagb-bar kami.

“Ano oa niyo! Hindi naman ako malalasing nito,” sabi ko at inubos na ang beer na nasa bote.

“Hayaan niyo na lang,” sabi ni Sandra. Tumango ang dalawa sa kaniya at hinayaan na nga nila ako pero lagi namang nakatutok sa akin ang mga mata nila.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa pag-inom. Tumama ang mata ko sa lalaking nasa likoran nila Sandra. Seryoso ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin, nasa’n na ang babae niya? Tinaasan ko siya ng kilay at binalik ang atensiyon sa beer na nasa harap ko.

Hindi ko na talaga siya kakausapin, promise. Ayoko ng umiyak pa, ang sakit na ng mata ko at nakakainis dahil iniiyakan ko siya eh wala namang kami.

Kailangan ko lang ngayong magsaya dahil birthday ko na bukas.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Where stories live. Discover now