Chapter 4

643 27 0
                                    

'KRRIINNGG'

Hayys sa wakas tapos na din ang klase first day ko nga ngayon pero nakakapagod kung may kama lang talaga dito matutulog na ako. At buti nga may aircon sa room namin baka di ko mapigilang maghubad.

"Sweetie pie snack?" Alok ni justin sa pig pie err..ang cute na talaga.

"Pig pie? Hindi naman ako baboy para kainin niyan." Umirap ako.

"Hey sweetie pie naman ito na lang chocolate oh." Humina ang boses ni justin sa huli niyang sinabi.

"Wag na alam kong gutom yang mga bulate mo sa tiyan nahihiya ako sayo." Sarkisto kong sabi.

"Talaga?"

Tumango ako at nililigpit ang mga gamit tinignan ko naman ang lima na natutulog palagi ba silang ganito sa klase? Pero ang tatalino nila eh ako hanggang kopya lang.

"Hoy kayong lima gumising nga kayo hindi ito bahay o tambayan para dito matulog!" Para akong mama nila.

"Hmmm antok pa ako umalis ka." Sabay tulak sakin ni david.

"Aba tong batang to." Hindi ko na napigilan ang sarili kaya kumuha ako ng libro. "GUMISING NA SABI KAYO EH KUNG AYAW NIYONG GUMISING HINDI AKO TATABI SA INYO MATULOG!" Pinagpapalo ko sila ng libro sa ulo.

"Oucch." Sabay tingin ng masama sakin si Joshua.

"Tinitingnan moko ng masama?!" Galit kong sabi at bigla namang umamo ang mukha niya at tumayo.

"Alam niyo kong ganito pa ang gagawin niyo sa klase mabuti pang lilipat ako ng school—"

"Uyy wag naman." Pagmamakaawa ni client.

"Wag naman cheese sige pag aalis ka hindi na sasarap ang burger dahil walang cheese." Nakapuot na sabi ni alex.

"Kung ayaw niyo kung umalis dito sumunod kayo sa utos ko at kapag hindi puputolan ko kayo ng ari!" Nagbabanta kong sabi at tinuro sila isa isa.

Nakita ko namang napalunok sila at dahan dahan na nagligpit ng mga gamit at tumayo.

"Good and now follow me." Sumunod naman sila sakin palabas ng room para Kasi silang mga bebe haha.

Nung nasa gate na kami at pinagtitinginan na naman err.. kung akin lang tong school nato tutusukin ko yung mga mata nila.

Nung nakita ko yung van ng mga Lee chineck ko kung kompleto sila.

"Pasok!" Masungit kong sinabi at nong mabagal silang kumilos pinalo ko yung mga pwet nila kinuha ko to galing sa room haha secret lang natin yun ah!

"Aray naman!"

"Sakit non ah!"

Reklamo nila.

"Buti nga kamay lang yung pinalo ko sa pwet mo pasalamat ka Mahal kita." Sabi ni joshua.

"Anong sinasabi mo?!" Sabay na naman.

"Pinalo ko yung pwet ni hakddogg." Sabi ni joshua.

"G*go ka."

"Tang*na mo!"

"Kung di lang Kita kapatid ililibing kita ng buhay."

At ayon na nga nagsisimula na naman ang rambulan.

Kaya don na ako sa shut gon seat umupo ang iingay nila don.

"Manong dun po sa mga street foods."

"Ma'am?"

Ay benge?

"Sabi ko po dun tayo sa street foods."

"Pero ma'am baka magalit sila Sir Stephen at ma'am Jennifer."

"Manong naman eh hindi kaba naawa sakin? Secret lang natin to please at promise di nila malalaman."

"Pero ma'am —"

"Sige ka tatalon ako dito sa sasakyan." At akmang bubuksan ang pinto ng sumuko si manong at tumango haha madali lang palang kausap eh!

"Teka bat tayo nandito?" Sabi ni buzz ng tumigil sa manong sa suki kong tindero ng mga street foods.

"Kakain!" Simple kong sabi at lumabas ng sasakyan.

"Bal!" Sigaw ni bal ng nakita niya ako siya yung tindero na Tinutukoy ko.

"Bal!" Sigaw ko rin at akmang yayakap ng umangat ako sa kinatatayoan ko.

"Wooyy! Ano ba? Anong problema niyo ibaba niyo ko!" Sigaw ko ng pinagtutulungan nila akong buhatin.

"Kung makaasta kayo para kayong mag jowa na naghiwalay in five years." Masungit na sabi ni justin at nagulat ng sampung stick na pala ang naubos grabe ha!

"At kung makaasta ka diyan na kumain parang may dragon sa tiyan mo!" Pinanlakiha ko ng mata si justin.

"Eh ano naman? Atleast may abs eh yang lalaki yan puro buto nakikita ko!"

"HAHAHAHAHA." Tawa nila at si alex parang gugulong sa kakatawa.

Napasulyap naman ako kay bal at nanghingi ng pasensya. Ngumiti lang siya at binigyan kami ng pagkain.

"Kayo ha! Umayos kayo kundi sasapakin ko kaya tig-isa!"

"Linabanan mo pa yung payatot na yun eh nandito naman ang isang gwapong katulad ko." Sabi ni dabid at binigyan naman siya ng batok ng lima.

Hayys ano bang magagawa ko edi kumain...

My six step brothers are my ex boyfriendsWhere stories live. Discover now