CHAPTER 29 - Late Night Phone Call

Magsimula sa umpisa
                                    

“Heh! Mga inggitera! Palibhasa mga walang lovelife! Mga tigang!” asik pa ni bading sa amin na sinuklian lang namin lahat ng tawanan.





“Uy, may gf ako. Si Clarence may Stephen yan. Si Chase lang at si Ate ang tigang satin eh. Hahaha.” epal pa ni Nic. Buset. Sinakyan pa talaga si Franz. Sila na may love life. At sino naman si Stephen?





“Hoy besh. Sinong Stephen?” Babaeng to. Pumapag-ibig na pala hindi ko man lang alam.





“Wala yun. Pauso lang yan si Nic eh. Wag mong pansinin yan.” sabi pa nito at sinamaan pa ng tingin ang mokong na si Nic.





“Naku, beh. Lagi ka nalang kasi huli sa balita. Si Stephen yung textmate---uhmppp!” hindi na natapos ni Franz yung sasabihin niya nung busalan siya bigla ni Clarence. Textmate? Yung Stephen yung textmate niya?

 

 

“Yung textmate mo? Hoy, seryoso yun?” kulit ko pa sa kanya.






“Lalalala. Wala akong naririnig. Nevermind na kasi besh. Wala yun. Sapakin kita diyan Dominico eh!”





Kukulitin ko pa ulit sana siya pero pinigilan na kami ni Franz.





“Magsi tigil na nga kayo. Petsa na. Need ko ng pera. Mangaroling na tayiz!"






‘Sa may bahay ang aming bati Merry Christmas ang wawalhati.. Ang pag-ibig ang siyang nagha---‘

 

 

 
 

Pero bago pa namin matapos yung walang kamatayan at mali maling lyrics ng aming kanta na sinasabayan ng tahol ng mga aso, ni Kuya na magbabalot at ng mga kakumpetensiya naming bagets na sinasabotahe ang aming performance. Isinagaw na sa amin ang pangotra sa mga mangingikil tuwing mag papasko.




“PATAWAAAAAAD!”









Pasado alas-diyes na ng gabi nung nag pasya kami umuwi. Bukod kasi sa gasgas na ang vocal cords ni Franz na hindi naman bumebenta sa madlang pipol eh gigising pa kami ng maaga bukas para sa simbang gabi. Pinamana ko nalang din kay Maicy yung mga instrument namin para mapakinabangan naman nila ng mga friends niya. Palpak kasi ang aming pangangaroling. Parang ang dami pa nga atang nabanas sa ginawa namin eh.


Pero bago pa ako matulog, kinulit ko pa ulit si Clarence sa text.





Hoy, sino nga si Stephen?
Malihim ka na besh

 

 

*sent*

 

 

Maya maya pa tumunog na yung phone ko. Akala ko si Clarence na pero si Nic pala nag nag text. Binasa ko kaagad.




Si Uzumaki Naruto ay magiting na ninja sa bayan ng Konoha.

Forward this at magiging ninja ka na.

Wag kang tumawa! Yung kapitbahay namin Hokage na!

 



Napa facepalm ako. Mokong talaga na yun walang magawa sa buhay. Puro kalokohan.


QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon