"Kaya din ako nandito kasi alam ko kung saan nagtatago si Five. Kasama rin niya si Eight" malaking tulong tong impormasyon na to

"San mo nakuha to?" Tanong ko sa kanya.

"Pinahanap ko siya sa mga tauhan ko. Tsaka di sila mahirap hanapin. Knowing na exposed sila sa mga tao. Pakantanhin natin sila para mahanap mo kung asan si Vincent" tama si Chynna. Kailangan namin sila para mahanap si Vincent.

Pinag usapan na namin ni Chynna yung plano. Kasama mga tauhan ko. I'll make sure na mahuhuli namin sila. Hindi pwedeng hindi.. Hindi sila makakatakas sa akin.

--

"Madam andito na kami sa location. At maraming nagbabantay sa paligid" update sa akin ni Celyn. Nasa van pa ako, inaaral ko kung paano kami makakapasok ng walang nakakapansin sa amin.

"Mga ilan sila?" Tanong ko.

"Lima sa harap madam." Inutusan ko yung ibang tauhan na ikutin ang buong paligid at tignan kung ilan ang nagbabantay.

Sinabi na may walong katao ang nagbabantay. Mahirap makapasok kung may nagbabantay sa labas dahil panigurado mabubulabog ang mga nasa loob.

"Okay listen up. Sabay sabay niyo silang babarilin. Wait for my signal. Make sure na wala kayong mamimiss. Iready niyo na sarili niyo." Utos ko sa kanila.

Isa isa silang nagsabi na ready na sila.

"Okay. Fire it in 3..2..1.. Go!!" At sa isang saglit lang ay napatumba na namin ang nagbabantay sa labas ng location.

"All cleared madam" sabi nila sa akin. At yun na yung oras na lumabas ako,

Inutusan ko din yung ibang tauhan na maglibot sa location, para sigurado.

Kasama ko si Chynna. Naka ready lang ang baril namin..

"Ready ka na ba?" Tanong ko sa kanya

"Ako ang papatay kay Five" tumango lang ako at bigla kong sinipa yung pinto.

Nakita kami agad ng mga tauhan nila, pero sad to say ay naunahan namin sila ng pagbaril.

"Andito ka lang pala Eight." Sabi ko.

"Humanda ka Five! Papatayin kita!"

"Well good job. This your last day. Akalain mo! Limang taon kaming walang balita sayo, Ms. Glaiza" sabi ni Eight sa akin.

"I guess I'm back, and you know me. This is not my last day, pero last day niyo na to" I was about to shoot pero tumawa lang ng tumawa si Eight.

"Sa tingin niyo ba mahuhuli niyo kami ng ganto lang! Mga tanga!" Agad nagsulputan mga backup nila. Marami sila. Hindi namin sila kakayanin na kaming dalawa lang ni Chynna. Pero tulad ng sabi ko, last day na na nila ngayon..

Agad pumasok ang tauhan ko, at mas marami sila kaysa sa backup nila Eight.

"Shit!" Agad tumakbo si Eight at iniwan si Five. Si Chynna na bahala kay Five.

Agad kong hinabol si Eight.

"Eight! Huwag ka ng tumakbo! Di ka makakatakas sa akin" hanggang sa makarinig ako ng pagkalabit ng baril.

"Do you think susuko ako! Funny ka!"

Baril lang siya ng baril pero di niya ako matamaan, dahil na rin siguro madilim at di niya ako makita ng maayos.

Hanggang sa nawalan na siya ng bala, at tinapon ang baril niya.

"Pota!" Yun na lang ang narinig ko sa kanya.

Agad akong lumapit sa kanya, pero pagkalapit ko sa kanya, agad niya akong sinuntok sa tiyan.

Tapos sinipa. Buti at nakarecover ako agad, at agad ko siyang sinuntok sa mukha.

Mafia's Unplanned LoveWhere stories live. Discover now