03

8 0 0
                                    

He never replied after that.

My life continues, promote here and there, study and all, hanggang sa hindi ko na namalayan pa ang paglipas ng oras at panahon. Ang alam ko lang, malapit na akong mag moving up, meaning, malapit ng matapos ang school year.

Sa totoo lang ay malungkot isipin na magkakahiwa-hiwalay na kami ng mga kaklase ko. I mean, who wouldn't be sad, diba? Your classmates became your family for ten months. In our case, yung iba sa amin ay magkaka-klase na since First Year.

School will always be our comfort zone. Yes, blood is thicker than water, but without water, we won't live. Water is our basic need. Kung tutuusin ay mas kaya nating mabuhay ng tubig lang, kahit walang pagkain kesa sa may pagkain pero walang tubig. You get my point?

Anyway, since malapit na matapos ang school year ay halos hindi na kami pasukan ng mga teachers namin. Yung iba, busy na sa pag aayos ng finalization ng cards. Yung iba, tapos na sa lahat- lectures, activities. Yung iba tinatamad na kaming pasukan dahil aminado naman kaming makukulit kami. Yung iba, hindi na namin alam.

This is the time of the year where we enjoy ourselves doing all the things we can imagine. And guess where we are right now?

At the mall.

Yes, we're at the mall. Plano kasi namin kumain ng Samgyupsal at manood ng sine.

Inuna naming kumain dahil 3 p.m. pa naman ang start ng palabas na papanoorin namin. Halos ilang oras na din kami dito. Nasubukan na namin ang lahat ng games sa arcade, nag-stay kami sa Karaoke for 1 and a half hours, at ngayon nga, kakain na kami ng Samgyupsal.

"Libre mo ba 'to, Cass?" Kantyaw ng isa naming kaklase, si Alvin. We're not that close, we're civil, kung meron mang ganon. We talk casually but I can't label him of my close friends.

"Huy, hala hahaha. Hindi e. Pero sagot ko yung drinks. KKB kaya usapan natin," nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ayun! Libre yung drinks!" tuwang tuwa na saad nila. I don't mind treating them, masaya ako na nakilala ko sila at nakasama sa mahabang panahon.

Sa dami namin ay lampas sa limang table ang na-occupy namin, until we suggested na pagdikit dikitin nalang yung tables. Ang ingay namin! Halos lahat ng costumers ay nakatingin sa'min dahil sa ingay.

After we ordered, nag kanya kanya na ng kwentuhan ang lahat. Mas lalong umingay sa table namin dahil halos sabay sabay na nagsasalita. Ako naman ay ganon din, kausap sina Aly at Ranna. Pinag uusapan namin kung anong strand ang kukunin namin sa Senior High.

"HUMSS lang sakalam. Alam nyo naman na maglo-Lawyer ako," nakangising sabi ni Ranna. "I'm sure maghu-HUMSS din si Cass, diba magsa- Psychology ka?"

Tumango ako saka bumaling kay Aly. "Ikaw, Aly?"

She sighed. Alam na namin ang ibig sabihin non, hindi pa din nya alam ang gusto nyang gawin.

"GAS. Ugh! Sabi pa naman nila mahirap daw mag-GAS dahil lahat ng subject doon ay pag-aaralan mo, pero anong magagawa ko?? Hanggang ngayon di ko pa din alam ang gusto ko. Hindi ko nga alam ang hobbies ko e. Pwede ba don ang modeling? Mag-pose lang naman sa Camera at maging active sa Instagram ang alam ko."

Natawa ako sa rants nya. Totoo, mas magaling si Aly kung modeling ang pag uusapan. Mas magaling syang pumostura sa harap ng Camera at mataas din ang confidence level nya. Kung tutuusin ay mas sikat sya kumpara sa'kin, pero ano bang paki namin doon? Hahaha, hindi naman kami doon bumabase.

"Hoy! Why don't you take HUMSS din tapos mag pursue ka sa course na may kinalaman sa modeling? Hindi biro yon ah, tutal may experience ka naman na mag-model model." Suggest ni Ranna. I agreed.

To Be One With The StarsWhere stories live. Discover now