01

14 0 0
                                    


"Good morning."

Inaantok pa akong bumaba ng hagdan ng bahay namin dahil anong oras na akong nakatulog kagabi. Pero kahit na pipikit-pikit pa ay bumaba ako ng nakangiti. Pa'no ba naman, pagbukas palang ng mata ko ay mukha na ni Royce Michael ang nakikita ko.

Ginawa ko kasing Lockscreen Wallpaper ang mukha nya kaya ng tumunog ang alarm ng cellphone ko ay mukha nya agad ang nakita ko. Buo na araw ko.

"Good morning, Ma, Pa," nakangiting bati ko. "At good morning sa'yo, little one." saka ko hinalikan sa tuktok ng kanyang ulo ang kapatid kong limang taong gulang pa lang. Napaka-cute nya talaga.

"Good morning, ate." bati naman pabalik ni Castriel.

Ngumiti nalang ako saka dumiretso sa sink at naghilamos at toothbrush. Saka ko isinaksak sa plug ang heater na may laman ng tubig.

"Maaga akong aalis ngayon, Camila. Baka sa sabado na ako makauwi." Paalam ni Papa kay Mama.

Construction worker kasi si Papa sa may Antipolo, may project doon ang boss nila. Hindi s'ya sa malaking kumpanya nagta-trabaho ngayon dahil wala pang hiring na makita. Maliit na project lang 'yon pero sapat naman sa'min nila Mama ang sahod n'ya, besides, nagta-trabaho din si Mama sa barangay bilang health assistant.

"Basta ay maayos kang makakauwi, ayos lang, Rolando." Tanging sagot ni Mama, saktong tumunog na ang heater, senyales na kumukulo na ang tubig.

Agad na akong nag timpla ng kape ko. Sa'ming lahat, ako lang ang nagkakape. I don't know why but I'm a coffee addict.

Nagsimula na 'kong mag almusal ng nilutong meat loaf ni Mama na ini-dip nya muna sa egg bago niluto. Masarap kasi 'yon pag ganon.

Hindi nagtagal ay umalis na din si Papa, saktong alas sais y media. Ako naman ay naghanda na papasok sa school, alas siete y media ang pasok ko.

Mabilis ang kilos ko, and fortunately, nakaabot naman ako sa oras. 'Yon nga lang ay saktong sakto lang ang dating ko, ilang segundo lang ay pumasok na ang first subject teacher namin kaya wala na akong time makipag chikahan kay Ranna.

Nakinig akong mabuti the whole class. Medyo madali lang ang lesson namin ngayon since first grading period palang naman. Mostly, third grading period ang may mahihirap na lessons.

Pagdating ng break ay saka kami nagkausap ni Ranna. Like what we always do, kwentuhan kung anong naganap sa weekend namin and then balik sa klase.

We spent the whole morning like that. Morning class lang kami dahil may meeting daw sa afternoon, maaga kaming pina uwi right after lunch.

Diretso uwi kami ni Ranna, pareho kaming wala sa mood maggala. Naabutan ko si Mama at Castriel na kumakain kaya sumabay na din ako sa kanila. Pagtapos ay ako na ang naghugas ng plato dahil babalik pa si Mama sa barangay.

Ginawa ko na ang mga homeworks ko para mamaya ay wala na 'kong gagawin. Baka tamarin ako.

After that, of course, social media time. Una kong binuksan ang twitter account ko lalo na't dito ako kumukuha ng updates kay Royce. Sobrang sikat sya sa social media dahil dito sya nakilala.

I met him on tiktok. Yes, that app na super sikat ngayon. Isa s'ya sa mga gwapong tiktoker at rising influencer palang sya non. I think, if my memories serves me right, 50k palang ang followers n'ya noong nakilala ko sya. I started supporting him, develop my feelings towards him. Weird, right? Hindi naman kami magkakilala personally pero may gusto ako sa kanya.

Currently, malapit na s'yang mag- 8m followers. O di 'ba? From 50k to 8m, andito pa din ako to support him. Loyal lang ang ate mo.

Minsan nga naiinggit na din ako sa followers n'ya sa twitter at instagram. 4m followers sa twitter? Samantalang ako 10k lang. Habang sa instagram naman ay mahigit 7.3m na ang followers n'ya. Nakakahiya sa 12k ko.

To Be One With The StarsWhere stories live. Discover now