22𝙽𝙳 𝙵𝙰𝙱𝙻𝙴: 𝚃𝙰𝙶𝙰𝙻𝙾𝙶

Start from the beginning
                                    

Kaya naman, sinabi nalang ng dalawang binata na iiwan na muna nila sina Hartie at Flake sa paglalaro ng Basketball dahil may pupuntahan pala sila para sa importanteng bagay na kanilang gagawin.

Naiwan nga sina Hartie at Flake sa Basketball Court na malapit sa dagat n araw na iyon dahil ang katotohanan ay baka mauwi pa sa away ang kanilang pagkukunwari.

Lumipas nga ang araw na iyon ay pumunta agad sila sa kanilang paaralan.

Magkaklase nga sina Hartie at Flake at pati ang kanilang ibang mga kaklase ay nakikita nilang parang peke silang magkaibigan.

Nang matapos ang kanilang klase ay nagulat siyang kulang ang pambayad ni Hartie para sumakay ng traysikel papunta sa kanilang lugar.

Dahil butas ang bulsa at swerte siyang hindi ito nahulog lahat ang kanyang pera pero ang malas sa kanya ay kulang ang kanyang pamasahe.

Naisip nga niyang magpatulong kay Flake para humingi muna ng kaunting pera sa kanya para makasakay siya ng traysikel.

Sa kasamaang palad, kahit na tatlong beses na sinabi ni Hartie kay Flake na humingi siya ng pera sa kanya para mayroon siyang pamasahe ay nagbingi-bingihan si Flake.

Hanggang sa bigla nalang tumakbo si Flake at agad na pumasok sa traysikel na hindi man lang pinansin si Hartie.

Nalungkot nga si Hartie sa ginawa ni Flake sa kanya na hindi na man lang niya ito tinulungan.

Wala ng taong makakatulong sa kanya kundi siya lang sa oras na iyon dahil umuwi na ang lahat ng kanyang mga kakilala.

Pati ang mga barya ni Hartie ay nalungkot dahil hindi na niya sila nagamit.

Ang inaasahan talaga ni Hartie kay Flake ay tutulungan niya ito pero hindi pala.

Walang choice si Hartie kundi lumakad nalang siya patungo sa kanilang bahay.

Kinausap siya ng kanyang mga barya kung kakaibigan pa ni Hartie ang taong iyon.

Ang sagot naman ni Hartie ay hindi na dahil sa kanyang ginawang hindi pagtulong sa kanya.

Ayon sa kanya, ang kaibigan ay isang taong maaasahan at hindi plastic. Hindi daw kagaya kay Flake.

Malungkot ngang umuwi si Hartie.

Lumakad si Hartie patungo sa kanyang tahanan ngunit dahil sa bigat ng mga maiitim na ulap ay kumidlat at mabilis na pumatak ng tubig patungo sa lupa.

Umulan ng malakas at nabasa si Hartie sa oras na iyon dahil hindi siya nakapagdala ng payong.

Ipinasok ni Hartie ang kanyang bag sa loob ng kanyang uniporme dahil importante sa kanya ang kanyang mga notebooks at ng kanyang mga papel.

Iniisip na lamang ni Hartie na ito na ang kanyang pinakamalas na araw at sana ay hindi sana lamang nito naging kaibigan si Flake dahil sa simula pa lang ay hindi na sila masaya bilang isang magkaibigan at nagkunwa-kunwarian na lamang sila na sila ay magkaayos.

Nagpatuloy ang paglakad ni Hartie gayundin ang malakas na buhos ng ulan.

Dahil tuloy-tuloy na pag-ulan ay biglang tumaas ang tubig at bigla nalang napalangoy si Hartie para umahon.

Hindi nakalalayo si Hartie sa kanyang kinaroroonan kahit na siya ay lumalangoy dahil sa lakas ng agos ng tubig.

Sa oras na iyon ay nakauwi na si Flake ng ligtas habang si Hartie ay unti-unti nang nalulunod dahil sa biglang pagtaas ng baha sa kanyang kinatatayuan.

Mabilis na tumaas ang tubig dahil sa tinakpan na ng napakaraming plastic ang kanilang mga daluyan ng tubig.

Pati ang lahat ng mga plastic na nandoon ay nakikita si Hartie na nahihirapan na ring lumangoy sa kanyang kinaroroonan.

"𝑴𝒚 𝑭𝒂𝒃𝒍𝒆𝒔" 3 (𝙲𝚘𝚖𝚙𝚕𝚎𝚝𝚎𝚍)Where stories live. Discover now