Chapter Four

52 3 0
                                    

Growing up was hard for my mom and I. Maraming mga matang nakatingin, maraming nakamasid, at nanghuhusga. Sa probinsya namin, isang malaking kahihiyan ang mag-kaanak ng walang asawa. Umuwi si mama ng buntis sa akin matapos silang maghiwalay ng aking banyagang ama. My mother doesn't like talking about him kaya hindi ko na tinangkang magpa-kwento sa kanya. Isa pa, lumaki akong wala sya sa aking tabi so there's no use knowing someone who isn't that significant in your life. Lahat ng trabaho tiniis ng nanay ko. She even resorted to dating foreigners para lang mapagtapos ako ng highschool. Lumaki akong naririnig lahat ng mga masasamang salita patungkol kay mama pero hindi nabago nung mga iilang salita ang taas ng pagtingin at respeto ko para kay mama. Ginawa nya lahat maigapang lang ako sa highschool. Kahit noong magkasakit sya at matagal ng tumigil sa trabaho eh hindi pa rin natigil ang mga tao. Masakit dahil taliwas sa nakikita ng karamihan ang tunay na nanay ko. Masama bang gawin ang lahat ng kaya mo para lang mapagtapos ng pag-aaral ang sariling anak? Wala namang natatapakang ibang tao ang nanay ko pero kung makatingin sila sa amin ay para kaming may mga sakit na nakakahawa at dapat layuan. That was my childhood. Nang makapagtapos ako ng highschool ay pinilit ko si mama na lumipat kami ng maynila. Narito kasi ang mga kilalang unibersidad at gusto kong makapasok doon at makapagtapos para sa mabilis na pagkakaroon ng trabaho. Akala ko magiging madali lang pero mali ako. Sobrang mahal ng matrikula kaya napilitan ulit si mama na magtrabaho sa isang club. Dahil may edad na at sakitin ay hindi na ganun kalaki ang kinikita nya at hindi rin nagtagal ay napagod na ng tuluyan ang kanyang katawan. I was second year college noon sa San Joaquin University nang mamatay si mama. It was the most painful day of my life. Masakit una dahil nawala sa akin ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko at ikalawa ay dahil hindi man lang nagawang lumuwas ng mga kamag-anak namin para dalawin at makiramay man lang sa pagkawala ni mama. Kami lang ni tita Mel, ang bestfriend ni mama, ang magkasama. She became my mom ever since. Parehas sila ng trabaho ni mama pero dahil may edad na rin ay hindi na kinaya. Lahat ng inipon ni tita ay itinulong nya sa pagtatapos ko ng pag-aaral. Sa kanya na rin ako tumira at isa sya sa tumulong sa akin makapagtapos. I strived really hard in the university. Hindi ako matalino pero sinikap kong mapataas ang aking mga grado para makakuha ng scholarship. Pero, kahit na scholar ako noon ay kulang pa rin ang pambayad namin kaya pinilit ko si tita na ipasok ako sa isang kilalang bar. Ayaw nya noong una pero napilit ko rin sya. Pumayag siya in one condition. No touch dapat ako at waitress lang talaga. High-end ang bar kaya maraming nagti-tip sa akin. Nakaka-kwentuhan ko rin ang ibang madalas doon at naging kaibigan. Nabastos na rin ako noon at iyak ako ng iyak. Gusto ko ng sumuko pero ipinasok ko na lang sa kokote kong temporary lang naman at aalis din ako sa oras na grumaduate ako. Never akong sumama at nabastos nang dumami ang mga kaibigan at kakilala ko sa bar. Mga customers at bouncers ang laging bantay ko dahil sa pakiusap na rin ni tita Mel kaya naging maayos naman ang trabaho ko doon noon. Iyon ang naging daan para makapagtapos ako pero iyon din ang muntik sumira sa mga pangarap ko.

"Alam mo girl, we were at QC last night and guess who we saw!"

"Sino?"

Naramdaman kong may mga matang nakatingin sa akin. Sa totoo lang ay kanina ko pa naririnig ang mga bulong-bulungan ng mga kaklase ko kaya alam kong ako ang tinutukoy nila. Nag-angat ako ng tingin sa dalawa kong kaklase at sinalubong ang kanilang mapang-husgang titig. She smirked at me before turning to her friends.

"No other than Shaira Pantaleon"

"What?! Akala ko rumors lang na may nag-aaral sa university natin na stripper. Hindi ko alam na totoo pala!"

"I know right! Ano kayang masasabi ng board of directors dito. Kahihiyan ng buong school ang tulad nya!"

"I'll tell my dad about this! Don't worry maire-restore ulit natin ang pride ng university soon"

Confessions of a KontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon