CHAPTER 8

19 0 0
                                    

BONITA SCRIBES 1: JEMIMAH NIEVES

CHAPTER 8 BY IamANA

Matapos ng gabing yon, lalo pang napadalas si Lance sa kanila. Wala namang problema kay Jemimah yun dahil gusto rin naman nyang nakikita ang binata. Pero mayrooon paring bahagi sa utak niya ang nagtatanong kung ano ba talaga sila? Ano na ba siya talaga sa binata? Ano ba talaga ang mayroon sila?

“Kain ka na. Nako, humahaba na ang listahan mo sa amin.” Birong sabi ni Jemimah sa binata.

“Magkano na ba babe?” Pinandilatan ni Jemimah ang binata.

“Pinagsasabi mo dyan? Gutom lang yan tumayo ka na dyan at pabayaan mo muna yang si Jigo at ng kumain na rin.” Dala kasi ng binata ang Play Station nito at duon nakipaglaro sa kapatid niyang si Jigo.

“Bakit babe? Di pa naman ako gutom Babe.”Pang iinis nito ulit sa kanya.

“Huwag mokong matawag tawag ng ganyan. Hindi ako baboy!” Tinalikuran siya nito at natawa naman ang binata sa inasal nito.

“O sige Honey nalang,” Biglang napaatras si Lance ng biglang lumitaw ang sandok sa mukha niya.

“Isang beses pa Lance, hindi ka na makakatungtong sa bahay namin.” Sabi naman nito na gigil na gigil sa binata.

“Ikaw naman, naglalambing lang sa’yo ang nobyo mo.” Bati ng Papa niya.

“Pa, di ko nobyo yang isang yan.Matibay lang talaga ang sikmura at nakikikain pa sa atin gayong may bahay naman siya.”Sabi nito tapos ay binaba ang pinggan na puno ng kanin.

“Masarap kasing kumain sa inyo, lalo na kapag may kasabay kang *ehem* maganda.” Sagot naman ni Lance tapos ay umupo na sa ‘reserved seat’.

“Aaah talaga? O sige kumain ka ng kumain ha? Magpakabusog ka ha? Alam mo namang ayaw kitang nagugutom.” Sarkastikong sabi nito habang nilalagyan ng kanin ang pinggan ng binata. Napangiwi nalang ito ng makitang wala ng paglagyan pa ang ulam niya.

“Ano?Kain na! Dali na? Ay ulam pala! Tama ulam, eto, Kain kang mabuti HONEY!” Nakangiti pang sabi ni Jemimah ng nilagay sa ibabaw ng kanin ng binata ang ulam nila.

Napapailing nalang ang mga magulang ni Jemimah sa pagiistima nito sa ‘kaibigan’ kuno. Kitang kita namang pigil sa pagtawa ang tatay nito at siniko pa ng asawa.

“Manang mana sa’yo ang anak mo Darling.” Sabi ng Tatay ni Jemimah tapos ay nagsimula ng kumain.

“Ubusin mo yan HONEY. Maraming nagugutom ngayon, masamang mag sayang diba Ma?” Pangiinis pa ni Jemimah. Pilit na ngumiti naman ang binata at napalunok. Daig pa niya ang di kumain ng dalawang araw sa dami ng ulam at kanin niya. Tumango naman ang nanay niya na nagsisimula ng kumain.

“Oo naman HONEY, sabi mo eh.” Sagot naman nito at pikit matang sinimulang kumain.

----

Halos di na makahinga si Lance ng matapos silang kumain. Hindi rin ito nagsasalita dahil baka biglang nalang niyang ilabas ang kinain sa sobrang dami nito. Pakanta kanta pa si Jemimah habang naghuhugas ng pinggan. Sa simpleng paraan, siguradong nainis na naman niya ang binata.

“Jemi,uwi na ako.”Seryosong sabi ni Lance sa kanya habang naghuhugas siya ng pinggan.

“Uwi ka na? Aga pa?” Sabi nito at ngumiti. Nagpunas siya ng kamay sa basahan at hinarap ang binatang kausap.

“Bukas naman para mamiss mo naman ako.” Preskong sabi nito sa kanya.

“Oh talaga? Nako, dapat isang buwan kang di pumunta rito. Baka dun mamiss pa kita.” Ganting inis nito sa kanya.

BONITA SCRIBES 1: JEMIMAH NIEVESWo Geschichten leben. Entdecke jetzt