CHAPTER 7

24 0 0
                                    

“Napapadalas ang pagbisita ni Lance dito Anak ha?” Bati kaagad ng Nanay ni Jemimah pagkatapos umuwi ni Lance.

“Oo nga po.” Sabi naman niya at saka nagsimula ng ligpitin ang pinakainan nilang dalawa kanina.

“Anak alam kong malaki ka na pero baka naman nabibigla ka.” Makahulugang sabi naman nito.

“Ma, magkakaiba po ang mga lalaki. Hindi lahat ng lalaki gaya ni Jake,manloloko.” Depensa niya tapos ay lumakad papuntang kusina.

“Pinapaalalahan lang kita dahil ayokong Makita kang nasasaktan ka dahil mas nasasaktan ako Jemi.Boto naman ako kay Lance. Napakabait na bata at magalang pa. Nasasayo na lang yan.” Yun lang tapos ay pumasok na sa kwarto nito.

Kung dati ay hindi kumpleto ang araw ni Jemimah kapag hindi niya iniinis si Lance, ngayon hindi na kumpleto ang araw niya kapag hindi nakikita ang binata. Habang tumatagal at lalo niyang dinedeny sa sarili kung ano ang nararamdaman, lalong lumalalim yung ‘nararamdaman’ niya.

Minsan naisip niya kung ANO BA TALAGA SILA? Wala naman kasing nababanggit ang binata na nanliligaw ito sa kanya. Sweet ito at palaging may dala pag dumadalaw sa bahay nila. Hatid sundo siya nito kapag may trabaho siya at higit sa lahat palagi silang sabay magsimba weekly.

----

“Si Nyebes lumalablayp oh?”Inis sa kanya ni Ana ng kumain sila sa labas lima.

“Ate Ana, wag ka nga!”

“So kumusta naman ang revenge mo kay Jake at Syril?” Tanong ni Alia sa kanya.

“Ang alam ko nakipagbreak si Syril kay Jake, ang dahilan, wala akong pakialam.”Sagot naman nito.

“Oooh. Look who’s talking. Totoo ba yan?”Sabat naman ni Lhian at binaba ang tray na puno ng pagkain.

“Baka naman irebound mo si Papa Arki (Lance) .”Sabi pa ni Sharina.

“Mga Ate, panay ang link nyo sa amin ni Lance. Like duuh magkaibigan lang kami nung tao.”

“KaIBIGan.” Emphasis on the word IBIG.Sabay sabay na sabi ng apat.

“Kumain na nga tayo.”Sabi nalang niya dahil di siya lulubayan nito.

----

Hindi siya sinundo ni Lance ngayon. Kaya nagtyaga siyang mag antay ng taxi sa labas ng Studio. Alas Nuebe na rin pero pick hours pa rin yun sa lugar nila dahil maraming naguuwian na. She decided to take a walk hanggang sa sakayan ng jeep.

“Jem.” Kinilabutan si Jemimah ng marinig ang boses ni Jake. Naka jacket ito at may hood na nasa ulo.

“Jake.” Casual na sagot niya. Sa totoo lang kinakabahan siya sa mangyayari. Ang laki ng pinagbago nito. Pumayat at saka parang depressed. Naalala niya tuloy ang araw araw na bouquet of flowers na pinadadala sa kanya mapa sa bahay man o sa studio.

Bigla bigla nalang siya nitong niyakap kaya hindi siya nakahuma. Ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso nito. Kaya bilang kaibigan, handa siyang making sa kung ano man ang problema nito.

“Please come back to me.” Bulong nito sa kanya. Gusto niya itong itulak ngunit mas malakas ito sa kanya. Tama ang kutob niya, si Jake ang nagpapadala ng bulaklak sa kanya araw-araw. Amoy alak ang lalaki kaya lalo siyang natakot pero hindi niya ito pinahalata.

“Jake. Hindi na ako makahinga” Halos maiyak na siya dahil ayaw talaga siya nitong bitiwan. Lalo siyang kinabahan ng maramdaman ang isang matulis na bagay sa gilid ng baywang niya.

“Hindi naman kita sasaktan Jem, bumalik ka lang sa akin.” Desperadong sabi nito sa kanya. Napapikit siya ng mariin. Nagiisip ng paraan kung paano makakatakas sa binata ng hindi siya nasasaktan.

Hindi siya makasigaw dahil baka saksakin siya nito. Halos mag makaawa ang tingin niya sa mga tao na dumadaan lang sa gilid nilang dalawa. Ang akala kasi ng mga ito ay magkayakap lang silang dalawa.

“Nasasaktan na ako Jake, please let me go.” Madiin nitong sabi.

“Pare, pag sinabing let her go, let her go.” Halos tumalon siya sa tuwa ng marinig ang boses ni Lance. Nagkaroon siya ng pagkakataon para tumakas dahil nadistract ni Lance si Jake.Tinulak niya ng buong lakas si Jake kaya natumba ito at nahiwa ang tagliran ng damit niya.

“Aray.” Daing niya ng makitang nagdudugo na ang tagliran niya. Hindi na nagantay si Lance na makatayo pa si jake. Inundayan na niya ito ng suntok kahit nakahiga na. Hinagis nito ang hawak na kutsilyo tapos ay sinuntok ulit.

“Ang kapal ng mukha mo lalaki ka! Hindi ko nga pinapadapuan sa lamok yan tapos ikaw hihiwaan mo pa! *Pak*” Patuloy na suntok ni Lance sa kanya.

“Lance tama na!” Sigaw ni Jemimah ng makitang papaating na ang mga pulis. Ayaw pa nitong magpaawat kaya siya na mismo ang lumapit dito para hawakan ang braso nito. Kahit masakit ang tagiliran tiniis niya para hindi na mapahamak pa si Lance.

Nanginginig na yumakap si Jemimah kay Lance. Akala niya ay katapusan na niya buti nalang at dumating ito para saklolohan siya.

----

Halos mataranta naman si Alia ng ma receive ang tawag ni Ana na nasa hospital sila kasama si Jemimah at Lance.

“Pakiramdam ko kasalanan ko toh. Kung di kita pinamake over palagay ko wala ka jan sa kama na yan.” Mangiyak ngiyak na sabi ni Ana sa kanya..

“Ano ka ba Ate. Di mo kasalanang baliw yung hinayupak kong Ex.” Sagot naman nito.

“Eh kasi naman. *Sniff* Tingnan mo ang nangyari sa Revenge natin.” Sabi ni Ana sa kanya.

“Ay si Ana ang cry baby, Okay na siya noh. Konting counseling lang kay Mamamiah ayos na ulit yan. Tapos yung Ex niya ayun dinala sa Rehab. Nag aadik pala ang loko, masyadong nabaliw sa kagandahan mo.” Sabi ni Alia pagkapasok na pagkapasok palang nito sa kwarto.

----

Hindi naman na sila nagtagal sa hospital at nagkanya kanya ng uwi ng bahay. Si Lance na ang kasama ni Jemimah pauwi sa kanila. Tahimik lang silang habang byahe at walang nag attempt na magsalita. Hanggang sa nakababa siya ng kotse ay hindi ito nagsasalita pero nagulat nalang ang dalaga ng bigla siya nitong yakapin habang nakatalikod siya.

“Sorry Jemi, Sorry talaga.” Yakap yakap na siya ngayon ni Lance kahit nasa harap sila ng bahay ng dalaga.

“Ano ka ba. Di mo kasalanan yun.” Sabi naman nito sa kanya pero hindi pa rin nito inaalis ang pagkakayakap sa kanya.

“Muntik na talaga. Di ko mapapatawad ang sarili ko kung nahuli pa ako ng ilang Segundo.” Umiiyak ba ito? Garalgal ang boses nito at yakap pa rin si Jemimah.

“Okay lang Lance. You’re just in time. Thank You for saving me.” Inalis niya ang pagkakayakap sa kanya at niyakap niya ito pabalik.

BONITA SCRIBES 1: JEMIMAH NIEVESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon