Prologue

20 1 0
                                    

Nayanig ako sa malakas na sampal mula kay Lydia. Makikita sa kaniyang mga mata ang galit at poot na kaniyang nadarama.

"Sino ka ba para sabihin na wala ng pag-asa sa pagitan namin ni Kenneth? Sino ka ba para diktahan kami?" Namalisbis ang luha sa kaniyang pisngi dahil sa nadarama niyang labis na kalungkutan.

Nakangisi kong hinarap si Lydia at saka binigyan siya ng malakas na mag-asawang sampal bilang ganti. Tumabingi ang kaniyang ulo sa kaliwa at kanan bago niya ako tapunan ng hindi makapaniwalang tingin.

"Para iyan sa pang-aapak mo sa pagkatao ko. At ang ikalawang sampal ay para sa pagnanakaw sa taong sinasabi mong iyo." Nagtatagis ang pangang sabi ko rito.

"Ito ang pakakatandaan mo Lydia. Ako ang tunay niyang minamahal. Isa ka lamang hampaslupang haliparot na mahilig magnakaw ng pag-aari ng iba!" Dagdag ko kasunod ang isa pang sampal.

Sa muli ay nayanig ang ulo nito at hindi makapaniwalang tiningnan ako. Namumuo ang kaniyang mga luha habang nagtatangis ang kaniyang panga sa aking ginawa.

"CUT!" Kapwa nagbago ang aming ekspresyon matapos marinig ang hudyat.

"Nice take! Nice take!" Pamumuri sa amin ng direktor at ng aming mga kasama.

"Uy sorry. Napalakas ba ang ginawa ko? Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako." Paghingi ko ng tawad sa kasamahan ko.

"W-wala iyon. Medyo nayanig lang ako pero alam ko namang hindi mo iyon gusto." Nakangiting sagot sa akin ni Carla.

Nilapitan kami ng mga PA namin na kapwa may dalang tig-isang ice pack. Inabot nila iyon sa amin at sabay kaming umupo ni Carla sa sofa na nakapuwesto sa gilid ng set namin habang binibigyan namin ng paunang lunas ang aming mga galos mula sa sampalan namin kanina.

Nagkuwentuhan kami tungkol sa buhay. Nagtawanan sa mga biruan ng bawat isa. Nagdamayan sa mga problema na dinadala.

Pero sa lahat ng bagay na nasabi namin sa bawat isa. May isang bagay akong kailangang ilihim sa kanila. Lihim na kailanman ay hindi dapat malaman ng iba lalo na ang aking mga kuya.

"Ms. Diana. Ito po iyong script na hinihingi mo sa akin." Inabot sa akin ang isang libro na manipis na mabilis kong tinanggap.

"Salamat."

Pinaglandas ko ang aking palad sa manipis na libro. Mapait akong ngumiti habang binabasa ang pangalan ng taong importante sa akin.

"Ang huling istorya na ginawa mo. Ang istorya na hindi mo natapos." Kagat ang labing bulong ko.

Alam ko na gusto akong lapitan ng lahat para tanungin ang kalagayan ko pero hindi nila ako nilapitan o kinausap sa takot na baka ano ang isipin ng iba.

Muli kong tiningnan ang titulo na nakalagay sa harapan ng libro. Napangiti ako ng mapait habang binabasa ito at dinadama ang bawat letra na lumalabas mula sa aking mga labi.

"Different Worlds."

-------

A.N: I'm back in the track.

P.S: Expect SLOOOOOOWWWW Update

Different Worlds (Cross Enterprise #6)Where stories live. Discover now