May mga studyanteng nakatayo sa corridor at may hawak na libro ang iba naman ay nagkukwentohan lang.

Nang makarating sa cafeteria ay nakita ko si Chelsie kasama si Caelus, mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Nasa kabilang table naman sila Zymon.

Omorder lang ako ng milk tea at burger. Pagkatapos ay pumunta na kami nila Jaica sa bakanteng table na katabi ng table nila Zymon.

“Naih!” Nilingon ko ang tumawag sa akin. Kumaway sa akin si Chelsie, akala ko ay hindi na ako mapapansin ng babaeng ‘to dahil busy siya.

Humarap siya kay Caelus at may sinabi sa lalaki. Tumayo si Chelsie at lumapit sa amin. Nakita ko naman ang pagtayo ni Zymon sa kabila at tumabi kay Caelus, ngumiti pa siya sa akin.

“Hi girls!” masayang bati sa amin ni Chelsie. Nakangiti siya habang nakatingin sa amin. Mukhang maganda ata ang napag-usapan nila ni Caelus.

“Boyfriend mo si Caelus?” Diritsong tanong ni Sandra. Mukhang wala naman kay Chelsie ang tanong ni Sandra dahil ngumisi lang siya sa amin.

“No,” aniya at uminom sa juice niya. Kumunot ang noo ko kung gano’n anong meron sa kanila? Takot din ata sa commitment?

“Hmmm, ano ‘yan fuck buddies?” Nagulat ako sa tanong ni Sandra pero agad ding ngumisi. Bunganga talaga ng kaibigan ko walang kafilter-filter.

Tumawa si Chelsie at umiling sa amin.

“Pwede din hahahaha.” Humagalpak siya ng tawa na sinabayan naman ni Sandra. Napailing ako sa kanilang dalawa.

“Gago ‘di ko pala na off ‘yung wifi akala tuloy ni Carlos online ako,” problemadong sambit ni Jaica habang nakatingin sa kaniyang cellphone.

Tumingin sa kaniya si Chelsie at ngumisi.

“Anong sabi ng boyfriend mo? Nagalit?” Tanong ni Chelsie.

Tumingin ako kay Jaica na sobrang problemado ang mukha habang nakatitig sa kaniyang cellphone.

“Ang daming message, galit,” ani Jaica at nagtipa sa kaniyang phone.

“Tingin,” saad ni Sandra at kinuha ang cellphone ni Jaica.

Wala namang imik si Jaica na mukhang kinakabahan ata ngayon. Tulog pa more girl. Umiling ako at uminom na sa milk tea ko.

Lumipat ang tingin ko sa table nila Zymon. Nando’n na silang magpipinsan at nang magtama ang paningin namin ni Zymon ay bumilis ang tibok ng puso ko. Kumaway siya sa akin at ngumiti. Napansin naman iyon ng katabi niyang si Yosef kaya tumingin din ito sa gawi ko. Nakita ko ang pag-ngisi niya sa kaniyang pinsan.

“Ay iba din,” natauhan ako nang marinig ang boses ni Chelsie.

Tumingin ako sa kanila na ngayon ay nakangisi na sa akin. Kumunot ang noo ko, nagtataka sa kanila.

“Anong meron sa inyo ni Zymon?” Nakangising tanong ni Chelsie.

Tingnan mo nga naman at sa akin na nalipat ang atensiyon nila.

“We’re..uh friends?” Patanong na saad ko. Nagkatinginan sila at ngumisi sa akin.

“Hindi mo sure?” ani Sandra at tumawa.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Where stories live. Discover now