Ihahatid ko mamaya sa kaniya kapag lunch na namin. Strawberry cake ang binake ko dahil paborito ko iyon, hindi ko naman alam kung anong favorite niya kaya iyon na lang ang binake ko. Sana naman ay tanggapin niya iyon no, lagot talaga siya sa akin kapag ‘di niya tinanggap ang binake ko.

Pinagpuyatan ko kaya iyon at saka ‘yun na ang regalo ko sa kaniya kasi hindi ko naman alam na birthday niya pala nung sabado.

“Pota sakit ng ulo ko,” angal ni Sandra nang makalabas kami sa library.

Kinunotan ko siya ng noo. Pinagsasabi nito eh puro lang naman siya harot sa boyfriend niya.

“Sumakit ulo mo kakalandi sa boyfriend mo?” Tanong ko sa kaniya.

Umirap siya sa akin.

“Tangina ka talaga.” Natawa ako sa reaksiyon niya at nauna ng naglakad. Si Jaica at Carlos sa likod niya ay todo harot din naman.

Kailangan ko pang kunin ang cake sa room para maibigay kay Zymon.

“Ang bilis mong maglakad girl,” ani Sandra sa akin.

“Lunch na kasi, kailangan kong ibigay kay Zymon ang cake.” KitaKita ko ang pag-ngisi niya sa sinabi ko.

Kung ano ano na naman siguro iniisip ng babaeng ‘to.

“Sanaol ampocha.”

“Ewan ko sa ‘yo,” sambit ko at pumasok na sa room. May iba kaming ka-block na nasa room pa at may sinusulat, ang iba siguro ay nasa cafeteria na.

“Naih kinain ko na ‘yung cake, nagutom ako eh.” Sumama ang tingin ko kay Lester nang sabihin niya iyon.

“Tangina mo susuntukin talaga kkit.” Agad siyang umatras sa akin nang sabihin ko ‘yon. Tinaas niya pa ang kamay niya at umiling.

“Wag po.” Umiling ako at natawa naman ang mga ka-block namin.

“Gago.” Inirapan ko siya at lumapit na sa ref para kunin ang cake.

“Sanaol diba may pa cake,” saad ni Jaica. Wala na sa tabi niya si Carlos.

“Oo nga, sanaol!” dagdag naman ni Sandra.

Inilingan ko na lang sila at nauna nang maglakad. Kailangan ko nang ibigay ‘to kay Zymon. Baka mamaya ay tapos na ‘yung kumain. Kailangan niyang ma-appreciate ang ginawa ko ‘no.

“Ayon sila!” Turo ni Sandra sa gawi nila Zymon.

Ngumiti ako nang makita si Zymon na nakikipagtawanan kilay Troy pero nawala ang ngiti ko nang may mapansing babae doon. Sino na naman iyon?

Dali-dali akong naglakad papunta sa kanila, pansin ko na ang tingin sa amin ng ibang studyante. Nakasunod lang naman sa akin ang dalawa kong kaibigan.

Nang makarating sa kanilang direksiyon ay unang tumingin sa akin ay ‘yung babae. Nagtataka ang reaksiyon niya nang makita ako tinaasan ko naman siya ng kilay. Babae ba ‘to ni Zymon.

Tumingin na sa amin sila Troy na nakangiti, huling tumingin si Zymon dahil nakatalikod siya sa amin. Hindi niya ata naramdaman ang presensiya ko sa kaniyang likod.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Where stories live. Discover now