Simula

402 17 3
                                    

A/N: Masyado sensitive ang mga topic ko sa story na 'to kung madali ka masaktan at hindi ka masyado sanay sa mga gantong story ay wag mo nalang basahin.

***

Trigger Warning This story contains, Depressing scene and contains disturbing scenes, read at your own risk...

***

Perenteng nakaupo si Christina sa kan'yang upuan sa loob ng opisina niya. Inaayos niya ang mga out of stock na kailangan sa Restaurant niya.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo." Napalingon siya sa pinto ng pumasok ang isa sa staff niya.

"Sino raw?" Tanong agad niya. Wala naman siyang inaasahan na pupunta sa kan'ya ngayon, dahil maliban sa nag-iisang kaibigan na babae ay wala nang pumupunta sa kan'ya simula't sapul ng siya na namamahala sa Restaurant na pag-aari ng Tita niya.

"Gwendolyn daw po ang pangalan, Ma'am." Mabilis napatayo si Christina sa pagkakaupo nang marinig niya ang pangalan ng taong humahanap sa kan'ya, agad niya naramdaman ang pamamasa ng kamay niya at ang takot sa loob niya.

"A-Ah sige, papasukin mo." Kabado at naguguluhan niyang sabi, agad naman tumungo ang staff niya at lumabas ng opisina niya, nang sumara ang pinto ay napaupo agad siya, naguguluhan, natatakot, at kabado ang nararamdaman niya, ngayon lang siya hinanap ng Ina niya simula nang umalis na siya sa puder nito, kaya nagtataka siya bakit ito narito ngayon at hinahanap siya.

Natatakot siya na baka ipahiya siya nito, hindi niya alam ang gagawin niya kung mangyari 'yon.

"Mam— Ma'am Gwendolyn..." Bati niya rito, kahit Ina niya ito ay hindi niya ito natatawag na Mama.

Ayaw na ayaw ng Mama niya tuwing sinusubukan niyang tawagin ito noon na Mama, kapag nagkakamali siya ng sabi ay masasakit na salita at isang malakas na sampal ang natatanggap niya lagi.

"Mama, pwede po ba ako sumama?" Tanong ng walong taon na gulang na si Christina habang hawak nito ang paboritong manika. Agad sumama ang mukha ng kan'yang ina at malakas siyang sinampal sa pisngi.

"Ma- Ma'am, sorry po..." Umiiyak na paghingin ng tawad ni Christina, ramdam niya ang hapdi ng pisngi niya sa sobrang lakas ng sampal ng kan'yang Ina.

"Ilang beses ko ba sasabihin sa 'yo! 'Wag na 'wag mo 'kong tatawagin na Mama! Dahil wala akong anak na mataba! Panget at kahiya-hiya, mandiri ka!" Sigaw ng Mama niya sa kan'ya na mas kinahagulgol ni Christina, wala naman siyang nagawa kundi panoorin nalang ang Ina na maglakad palabas ng mansion nila.

"No..." Mariin siyang umiling saka pinipigilan ang sariling umiyak.

Hindi siya pwede umiyak lalo't na nandito ang kan'yang Ina, hindi siya pwede makita ng kahit sino na umiiyak siya lalo na ang mga magulang niya. Dahil ayaw na muli maging mahina.

"Wala pa rin pinagbago, Christina? Seriously?" Salubong agad sa kan'ya ng Ginang na bagong pasok lang sa opisina, agad naman napatayo si Christina.

"Ma'am..." Bati niya.

"Longsleeve? Pants? Rubber shoes? Ponytail, and fat." Pula sa kan'ya ng Ginang, napayuko naman siya saka palihim na tinignan ang sarili.

"U-Upo po kayo..." Pinipilit niya pinipigilan ang sariling hindi mautal pero, hindi niya talaga magawa masyado na siya nasaktan sa nakaraan niya hanggang ngayon dala-dala niya pa rin iyon, sabihin man niya. Oo medyo ayos siya ngayon pero, ngayon lang iyon.

"No need, pumunta lang ako rito para ibigay sa 'yo ito, hindi ko naman gusto makita at makausap ang isang matabang katulad mo." Sabi ng Ginang saka kinuha ang isang invitation card sa bitbit na bag at inilapag iyon sa lamesa.

"Ang Lola at Lolo mo ang may gusto niyan, hindi ako or ang Papa mo. Pumunta ka dahil ayoko madismiya sila Papa at Mama sa 'kin, mag-ayos ka 'yung magmumukha kang tao at hindi baboy." Dagdag na sabi ng Ginang sa kan'ya bago siya tinalikuran at tuluyan na umalis sa loob ng opisina.

Pinagkatitigan niya ang invitation card na nilapag ng Mama niya sa lamesa.

Never siya isinama ng magulang niya sa kahit anong okasyon, maski kaarawan nga niya ay hindi naalala ng mga 'to, kaya ni minsan 'di na rin niya inisip ang birthday niya.

"Christina!" Sigaw ng Ginang, dali-dali naman tumakbo palabas ng kusina si Christina at pumunta sa harap ng kan'yang Ina.

"B-Bakit po?" Tanong niya agad, kabado siya dahil iba ang awra ng Mama niya ngayon.

"Pumasok ka sa kwarto mo at 'wag kang lalabas hanggang nandito ang mga bisita ko, baka mamaya makita ka nila at tanongin pa ako kung sino ka, wala akong anak na katulad mo kaya wala akong balak ipakilala ka." Utos ng Ginang sa kan'ya napayuko naman siya saka niyapos ang sarili gusto na niyang umiyak pero, hindi pwede dahil baka bigla dumating ang Ama niya at makita siyang umiiyak, mapapalo na naman siya.

"Ano pa tinatayo mo ha?!" Sigaw ng Mama niya, agad siya na paatras saka tatakbong lumabas ng mansion at pumunta sa garden. Dali-dali siyang pumasok sa isang maliit na parang bahay at ini-lock ang pinto. Sa labas siya ng mansion natutulog at nag-aaral, hindi alam ni Christina kung ano ba ang kasalanan niya sa mga magulang niya para gawin sa kan'ya ang ganito. Hindi alam ng Lola at Lola niya dahil hindi sa mansion nakatira ang mga ito, maski ang Kuya niya dahil nasa Lola at Lolo niya ito madalas.

"Ang sakit... sakit..." Umiiyak niyang sabi habang yakap ang sarili, nilingon niya ang braso na may pasa dahil sa pag-palo sa kan'ya ng Ama ng kawayan kahapon, sa kadahilanan na nalaman ng Ama niya na may inaway siya sa school at anak pa ito ng kaibigan ng Ama niya.

Hindi naman siya nakipag-away pinagtanggol lang niya ang sarili niya pero, sa huli siya pa rin ang nagmukhang masama.

Lagi naman ako ang mali... Sabi niya sa isip.

"Ma'am." Tawag ng staff niya, ang nag-pabalik sa kan'ya sa wisyo.

"Bakit po kayo umiiyak?" Tanong ng staff niya, umiling naman siya saka pinahid ang pisngi.

"Wala lang." Sabi niya rito, tumungo naman ito sa kan'ya saka sinabi ang gustong sabihin.

Pagkalabas ng kan'yang staff ay agad niya sinandal ang katawan sa upuan at mariin na pumikit.

"I am no longer as fat as I used to be, my elbows and knees are no longer dark. Even though I didn't graduate from college, I was successful in the restaurant I built but ... Why do all the bad things that happened to me in the past keep coming back to my brain? How my dad hurt me how my mom slapped me talking bad things about me, how I cried in front of a lot of people at school every time I was bullied. Why... I can't forget the painful things that happened to me?" Sabi niya sa sarili habang nakatulala sa kisame.

"Ano ba?!" Sigaw nang labing-pintong gulang na si Christina ng batohin siya ng bato ng mga kaklase niyang lalaki.

"Ayan kasi ang laki-laki mo ang taba-taba akala ko isang malaking bato!" Sigaw ng kaklase niyang lalaki saka sabay-sabay nagsi-tawa ang mga ito. Wala naman nagawa si Christina at hinaplos nalang ang brasong natamaan ng bato.

"Kalma christina... 'Wag iiyak, 'di ba malakas kana? 'Di ba kaya mo na..." Sabi niya sa sarili habang dahan-dahan nasisira ang boses niya.

Love Your Imperfections (COMPLETED)/EDITING Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα