"Subukan mong mangabayo nang hindi nakahawak sa mga latigo." Hamon ni Lyon.

Syempre, pumayag ako. Noong una, maayos ko namang nababalanse ang sarili ko kahit pa walang hinahawakan. Ngunit nang may maulinagan akong mga yabag ng kabayo, kinabahan ako.

Natanaw ko si Stav at lalo akong nawala sa ulirat. Sakto pang bumilis ang lakad ni Apollo. Bago pa ako makahawak sa mga latigo, nawalan na ako ng balanse at bumagsak sa lupa.

Mabilis akong dinaluhan ni Lyon para lang tawanan ako.

"Lia, naputikan ang mukha mo." Pinipigilan nito ang lubusang paghalakhak.

Ramdam ko ang tumalsik na magkahalong lupa at putik sa mukha ko. My all pink tight shirt and breeches were stained with brown from the loam soil.

"Lapitan mo muna si Stav para hindi ako makita!" Pagtataboy ko kay Lyon.

"What? Ano'ng gagawin ko kay Stav e ikaw itong nahulog riyan."

"Basta, kausapin mo lang para hindi muna lumapit."

"'Wag ka na mahiya. Maayos naman ang hitsura mo."

"Flavio--"

Naputol ang pagtatalo namin nang lumapit na si Stav.

"Zhalia, ayos ka lang?" His eyes were pooled with worry as he looked at me.

Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. I am all stained with brown and my hair was wet with sweat. Bakit ko ba ito inaya? Saka bakit ba kasi ako nagpauto kay Lyon na mangabayo nang hindi nakahawak!

"Nahulog sa kabayo." Si Lyon.

Nag-abot ng kamay ang dalawa. Hindi ko alam kung kanino ang tatanggapin. Nahihiya ako kay Stav at naiinis naman ako kay Lyon.

"Halika, kaya mo bang tumayo? Did you break any bones?" Sinipat ako ni Lyon, hinawakan ang braso ko.

"Tulungan na kita." Inabot naman ni Stav ang kabila kong balikat.

"Nabalian yata. Buhatin na natin." Suhestiyon ni Lyon.

"Kahit ako na lang--" Si Stav na pinutol ko na.

"Kaya kong tumayo mag-isa."

"Tss. May putik ka pa nga sa pisngi mo." Lyon giggled.

Nakita kong siniko ito ni Stav, sinasaway sa pang-aasar sa akin. Pero ang walang hiya, tila naaaliw rin sa hitsura ko.

"What's funny?" Asik ko.

"Si Stav lang ang tumatawa sa'yo." Lyon defended himself while ironically laughing too.

"Let me help you, Clem. Hindi mo nakikita ang sarili mo kaya hindi mo mapupunasan ng maayos ang mukha mo." Pilit ni Stav.

Sinundan ako ng dalawa nang makatayo na ako. Laking gulat ko nang yakapin ni Lyon ang mga balikat ko mula sa likod, pinipigilan ako sa paglayo.

"Go ahead, Stav! Clean her face."

"Lyon!" I tried to wriggle out Lyon's hold but Stav had already come near me.

Habang pinipigilan ako ni Lyon sa likod, hinawakan ni Stav ang mga pisngi ko't pinalis ang putik roon. Sa sobrang hiya ko, panay ang piglas ko at panay naman ang huli sa akin ng dalawa.

"Pumirmi ka nga, Lia. Ang likot parang bata e. Sumbong kita kay Martina." Saway ni Lyon.

"This is all your fault! Isusumbong din kita kay Tita. Saka ako na sabi e. Uuwi na ako."

"Stay still, Clem." Mas mahinahong saad ni Stav.

If not only his soft voice made my stomach turn, I would have not stopped recoiling.

(La Mémoire #1) NOSTALGIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon