Creepy Facts 19

127 11 1
                                    

Ghost VII

I-a-add ka niya, i-a-accept mo. Magiging reactor mo siya. I-c-chat ka niya, mag re-reply ka naman. Mula good morning, good afternoon, good night at goodmornight present kayo. Babanat siya sayo ng mga luma at bulok na pick-up lines, pero kinilig ka. Kinuwento niya na ang talang buhay niya makausap ka lang. Guguluhin niya ang nananahimik mong puso, pinayagan mo naman. Hindi siya nagparamdam bigla kaya na miss mo. Sabi niya May kaylangan siyang aminin. Sabi niya 'Mahal na ata kita' at heto ka naman na nag I love you too sa kanya. Habang tumatagal parang kayo na parang hindi. Sinanay ka niyang andyan siya parati para sayo. Pinaramdam niyang mahal ka niya at napakahalaga mo sa kanya. Hindi mo na siya makalimutan kaya pati sa paghugas ng plato ay napapangiti ka dahil sa kanya. Pero one day, isang araw sabi niya...

"Kain lang ako, baby."

"Ligo lang ako ha."

"Laro lang ako."

"Tapusin ko lang school works ko."

Pero natapos na ang isang araw hindi ka pa rin niya china-chat. Mula sa isang araw naging linggo at buwan na. At doon mo napagtantong ghi-nost ka na pala niya.

"Isipin mo, ang lakas ng loob niyang pumasok sa buhay mo at guluhin ang nananahimik mong puso, tapos bigla kang i-g-ghost. Payag ka do'n?"

My eyes widened.

Dahan-dahan akong napalingon sa gilid ko ng biglang may nagsalita. Napalagok ako ng ilang beses at tila nahinto ang aking paghinga.

Mabilis siyang kumilos palapit sa akin at ngumisi. "Boo!"

---
:)))
#CreepyFacts

A/N: Huwag kasing ma-attach agad mga bhie🤧

Please don't forget to guard your heart :)

Creepy FactsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt