CHAPTER 58 I'm pregnant

Start from the beginning
                                    

Sumubo agad ako ng adobo with kanin, ang sarappp! Sumubo pa ako ulit, napaka sarap talaga! dati sinigang ang paborito ko pero ewan koba bigla kong nagustuhan ang adobo. Iba kasi ang lasa niya sakin eh. May halong tamis na ewan.

"Rianne wifey, aaahhh." Nakita kosa screen na nakatapat nasakin ang kutsara ni hubby avie, mukhang isusubo niya ito sakin. Ngumuso ako.

"Eh? hinde mo naman iyan ma susubo sakin e.." Malungkot na sabi ko. Ngumisi siya.

"Bili na, nangangawit na'ko..." Aniya, napangiti ako bigla sa itsura niya, hihi ang sweet niya talaga! baka mamaya puntahan na'ko ng mga langgam dito dahil sa sobrang tamis namin! hehe.

Ibinuka ko ang bibig ko at inilapit ito sa screen.

"Ngumuso ka." Aniya

Huh? nguso? sinunod ko ang gusto niya at ngumuso ako, nagulat ako ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sa screen at nakatingin siya sa labi ko! hinde ako nakagalaw ng hinalikan niya ang screen at tapat na tapat ito sa lips ko! sheyt!! para kaming nag kiss sa screen!

Lumayo siya ng konti at tumawa. Ako naman ay hinde nakagalaw... Omg!!
Bakit abot kaluluwa ang kilig koooo?!

Hinde pa'ko nakaka recover ng mag salita siya.

"Hey... na I stroke kana ata d'yan?" Gumalaw ako ng konti "Ayun nalang ang kainin mo, siguradong mabubusog kapa," Nakangisi niyang sabi.

Namula na naman ang pisngi ko! siya naman ay tumawa lalo.

Pakiramdam ko nabusog ako dahil sa halik niya sakin sa screen, Napalunok ako.

"Avie naman e.." Saway kopa.

"What?" Kunwaring inosente niyang tanong, kinuha niya ulit ang kutsara niya at sumubo ng pagkain habang nakatitig parin sakin.. sheyt talaga!

Hinde kona nagawang kumain pa dahil nabusog ako sa halik niya!

"Rianne.."

"Hmm?"

"Nakakulong na si ninong," Bigla naman akong napatingin kay avie.

Nakakulong?

"Sino?" Tanong ko.

"Si ninong ang nag pakana ng lahat, siya ang pumatay kay tito henrick ko, siya ang nag turo kay dad na ang parents mo ang pumatay kaya ganon na lamang ang galit sayo ni dad, siya ang taong nais kang patayin noon, dapat ako ang papatayin niya pero mas masakit daw kung mag hihirap muna ako. " Napahawak ako sa labi ko, si avie ay ipinag patuloy ang sinasabi niya samantalang ako ay nakatulala at nakikinig.

"Gusto ko sanang sabihin sayo ito bago ka umalis ng bansa pero ayaw kong may makakagulo sa isip mo, h'wag kang mag alala rianne naka kulong siya wala ng makakasakit sayo, satin o kahit na sino."

"Avie.."

"Shh.. hinde ako papayag na masaktan kapa niya ulit, Mahal na mahal kita."

Napangiti ako at tumango.

"Mahal na mahal din kita avie.. sobra."

**

Nandito ako ngayun sa parking lot, balak kong pumunta sa mall para maibili ko ng regalo si sec. M ko, birthday kasi niya bukas kaya gusto kong regaluhan siya, Bubuksan ko palang sana ang pinto ng kotse ko ng may pumalo sa likod, napadaing ako sa kirot nito ng babagsak ako ay may tumakip sa ilong ko, na amoy ko ang pampatulog, nanlalabo ang mata ko, nanghihina ako parang di ako makagalaw hanggang sa tuluyan akong bumagsak at nawalan ng ulirat.

3rd person POV

Isinakay ng mga lalaki ang dalaga sa van, umalis sila agad ng maisakay na ang dalaga, sakto lang ang pag papatakbo nila sa sasakyan para hinde sila mahalata.

For the love of a Badboy (KHS#1) [COMPLETED] Where stories live. Discover now