Ang tagal kong nag-iisip kung ano ang susunod na gagawin ko sa buhay..
I'm so tired of this sh*t..
I'm tired of running away..
..pero ngayon pa ba ako susuko kung kailan andito na siya?
pakakawalan ko ba ulit itong pagkakataon na to?
I hope not..
"Mam, would you like to try out your wedding gown?" tanong sa akin ng assistant ng designer ko
"Ahh, yes. Of course.." natatarantang sagot ko sa kanya at naglakad na papuntang fitting room
Pagkapasok ko ay unti-unti kong tinitigan ang damit, hanggang ngayon ay manghang-mangha pa din ako sa pagkagawa at kada-detalye neto. Nakakapanghinayang tuloy isuot..
*sighs*
Pagkatapos kong sukatin ang half-finished gown ay inasikaso naman ako agad ni Briann, ang aking designer. May mga konting adjustments pa din sa damit,
"Alaine, iha, wag ka na magpapayat. Maga-adjust na naman tayo sa sukat mo" wika ni Briann na kasulukuyang tinatantya ang bewang ko ngayon, ngumiti nalang ako sa kanya
"Sorry, sis" Natatawang sabi ko sa kanya, "Gusto ko kasing nahihirapan ka" asar ko sa kanya na ikinairap ng mata niya,
"Hoy, Alaine! Di porket kaibigan kita pwede mo na akong pahirapan ah! Buti nalang talaga hindi libre to" naiinis na sabi niya at sinukat naman niya sunod ang braso ko
"Susunduin ka ba ni Migs, ngayon?" tanong niya habang sinusukatan ako at tiningnan ko siya mula sa salamin,
Tumango ako, "Oo ata, susukatan mo din ba siya?" tanong ko sa kanya
Nakita kong umirap siya at hinarap ako mula sa salamin, "Ano pa nga bang magagawa ko, eh andito na siya" at sinukatan naman niya ang breast area ko, "yung length ng gown mo, okay na sayo yun?" tanong niya sa akin
"Oo sis, okay na yun. Wag mo na masyadong bonggahan, tsaka simplehan mo lang yung baba" sabi ko sa kanya habang tinaas ko ang gown mula sa paanan ko
"Hoy, Alaine di pa ako tapos! Ingatan mo yung gown!" reklamo niya habang papasok ako ng fitting room
"Okay na yan, nakuha mo naman na mga measurements ko, ano pa ba kailangan mo sakin?" sagot ko mula sa fitting room
Narinig kong pinaalis na niya ang mga assistant niya, kaya naman patuloy nalang siya sa pagkkwento tungkol sa mga plano niya pang design sa gown ko habang nagbibihis naman ako..
Sa totoo lang, maganda naman na yung design ni Briann para sa akin, sinabi ko sa kanya ang mga gusto at ayaw ko, agad ko namang nagustuhan yung unang sketch ni Briann. Simple lang na off-shoulder gown yun at madaming lace at kung anu-ano pang design kinemerut niya.
Nung una, gusto niya libre nalang ang gown ko, pero syempre bilang kaibigan niya gusto ko din naman siyang kumita sa trabaho niya. Kaya naman discounted nalang daw ang gown ko.
Nang makatapos na ako magbihis ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at inayos ang buhok ko dahil gulo-gulo pa ito, "..nga pala Ali, pupunta ka ba mamaya sa party ni Andrei?"
Lumabas na ako ng fitting room at binigay kay Briann ang gown, at agad naman niya iyon binigay sa assistant niya, "Hmmm, di ko alam eh. Syempre di na kita tatanungin kung pupunta ka. Andun bebe mo eh" asar ko sa kanya habang kinuha ang phone ko at pupunta daw siya saglit sa office niya for return calls
2 missed calls from Migs, new text message
Tiningnan ko naman ang unang message sakin ni Astrid
From: Astrid
Di ako uuwi mamaya, may date ako ;)
Don't forget our bills, pala! Tnx mwah
Ngumiti nalang ako at nireplyan siya ng "Okay, enjoy" naalala ko nga pala na ngayong month ako pala ang assigned sa bills namin sa condo.
sunod ko namang binuksan ang text sa akin ni Ate Pau
From: Ate Pau
Punta ka tom sa Pampangga? I have chika!
Naalala ko nga pala na birthday ni Kuya Vince bukas, at sa Pampangga ang venue. Tiningnan ko naman ang ibang message na galing sa staff ko sa cafe at isa naman ay galing kay Migs
From: Migs
Babe, sorry baka di kita masundo. I'm stuck with Kuya Vix for now. Update me when your done.
Agad ko naman siyang nireplyan,
To: Migs
It's okay, babe. Kay Briann na din ako sasabay papunta kela Andrei, is that okay?
Agad namang nagreply si Migs, "No problem, babe. I love you."
Napatingin naman ako sa orasan ko, 4:30 na pala "Hoy bakla, san na si Migs?" biglang sulpot ni Briann sa akin at sinabi ko na hindi siya makakapunta ngayon, ang alam ko naman ay 5pm pa uuwi si Briann kaya naman pumunta na muna kami sa office niya para magkwentuhan at pinakain niya ako ng meryenda.
"..maiba ako, sure ka na ba?" biglang singit ni Briann sa akin habang nagkkwentuhan kami
"Ha? Saan?" nagtatakang tanong ko sa kanya
"Kay Miguel Devega, sismars. Sure ka na ba? Wala nang balikan once you say the words I do, Father "
"What makes you say na hindi ako sigurado kay Miguel? He's nice naman ah" wala naman akong makita na ibang rason kung bakit ko aayawan si Migs.. unless..
"Unless si Kiel?" biglang sabi ni Briann na para bang nababasa niya ang nasa isip ko
Tiningnan ko naman ang phone ko na may wallpaper namin ni Migs,
"I think, i'm sure. Besides, Kiel is not here. Iniwan na niya ako." I faked a smile
**********************
YOU ARE READING
Torn Apart
Teen FictionZanaiah Alaine Chua, the girl who chooses to sacrifice for his man's dream instead of hers. Ang sa kanya lang naman ay, "What he dreams, is my dream also" Kaya lang ay hanggang kailan siya magtitiis at magsasakripisyo para dito? Will she wait? Will...
