"May trabaho naman sabi ako." pagmamatigas ko.

"Psh! Walang kumokontra sa pagtratrabaho mo! Ang sa akin lang ay sagot ko na 'tong apartment pati mga bills! Hindi mo na kailangang mag-overtime para don! Para makapagfocus tayo sa pag-aaral! Masyado mong kinakarir yang pagtratrabaho mo!" sigaw ni Naih.

"Okay." sagot ko, pero ang totoo ay nahihiya ako.

"At saka Daddy, may dalawang kaibigan kaming bakla, si Beka at Boy. Kukunin ko silang tagalaba at tagalinis ng bahay para wala na kaming aasikasuhin ni Pein."

"O ikaw ang bahala. Basta kayo ang bahala! Matitigas ang ulo niyo kaya panindigan nyo yan! Basta, wag na wag kalilimutang tawagan kami, malinaw?"

"Yes." sagot namin.

"Pababantayan ko kayo."

"Yeeeee----"

'Anak ng.'

"And you have no choice." dagdag pa ni Tito ng mapansing nagulat kami pareho. "O sige na, mauuna na kami at malelate na kami sa flight namin."

"Bye Dad. Bye Mom. Ingat po. Mamimiss ko kayo." sabi ni Naih na yumakap pa sa kanya.

"Mamimiss ka rin namin iha, magpagaling ka ng todo ha? Wag ka na munang pumasok, kinausap ko na ang Dean niyo. Mag-aral ka na lang daw para makahabol. Pero magpahinga ka muna. Okay ba yun?"

"Yes Mom. Promise."

"Good. I love you."

"I love you too Mom. I love you Dad."

"I love you anak." at nagyakap silang tatlo ulit.

"Oh Maxpein, paano? Kayo ng bahala sa isa't isa. Mag-iingat kayo parati at tigilan na ang kapapasok sa gulo, malinaw ba?" si Tito.

"Yes Tito." sagot ko.

"At uulitin ko, ipaalam mo na sa pamilya mong nandito ka at ganito ang buhay mo. Dahil kapag nagkataong sa iyo nangyari ang nangyari kay Naih, sino ang kokontakin niyan? Malinaw ba?"

"Yes Tito."

"Puro ka Yes. Tigilan mo na ang tigas ng ulo mo ha? Wag ka ng magbarumbado!"

'Aalis na lang at lahat nanenermon pa.'

"Sige Tito."

"O sige na sige na. Salamat ng napakarami sa lahat lahat. Alam kong hindi mo pababayaan ang anak ko at malaki ang tiwala ko sa iyo. Pero wag na wag ka na ulit maglilihim sa amin malinaw?"

'Walang tigil na sermon.'

"Sige Tito."

"Ngayon puro sige naman?"

"Daddy kasi, ini-stress mo si Maxpein. Alam niya na lahat yan, hindi mo na kailangan paulit-ulitin Dad."

"Haaay inaalala ko lang at baka makalimutan!"

"Hindi niya malilimutan yun, matalas memorya niyan hehehe."

"O siya sige na talaga. Aalis na kami." sabi ni Tito habang inaakay si Tita papasok sa loob ng kotse.

"Happy trip Tito."

"We'll see you again." si Tita. "At isasama ko na ang Ate Zarnhei mo sa susunod."

"Naku, ayokong makita yun." mahinang bulong ni Naih. "Opo! Opo!" sigaw niya pa.

"Sige na ha. Bye!"

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon