Chapter 4

5 0 0
                                    

Today is my wedding day. Everything is set. Nakaupo ako rito ngayon sa dressing room ko habang nakatingin sa wedding gown ko. Parang ang bilis ng panahon.

We both graduated 5 months ago. Siya na ngayon si Architect Jake Castillo, asawa ko—ay soon to be pala. In a few hours, Mrs. Celestine Castillo na ako. Whoo, that’s a lot to take in. “Anak, bakit nakaupo ka pa rin? Baka mahuli tayo,” sabi ni mommy habang papasok siya at hawak niya yung laylayan ng dress niya.

We came up with a whole new idea of wedding. Black and white ang suot ng mga bisita habang ang wedding gown ko naman ay red and white. Favorite color ko eh. HAHA.

Tumayo ako at niyakap ko si mommy. “Oh, Celestine,” kumalas si mommy si yakap para makita niya yung face ko. “This is an important chapter of your life, and your dad and I won’t miss it.”

Nag-chuckle kami. “Simula pa lang, alam ko nang dito rin naman kahahantungan nito. No one can say kung magtatagal ba kayo or what, but always remember that God’s plan is better than your dreams. Lagi lang ako nandito for you,” sabi ni mommy at hinalikan ako sa noo.

“Oh, baka masira ang make-up mo,” sabi niya at nagkatawanan kami kaya napigil ko luha ko. HAHA. I love my mom.

“Hay nako, nandito lang pala kayong dalawa, tara na, nandyan na yung sasakyan,” sabi ni daddy kaya naman nagyakap muna kaming tatlo. Tinulungan ako ni mommy suotin yung dress at sumakay na kaming tatlo sa sasakyan.

Nung nakarating na kami sa church, marami pang tao sa labas, kaya agad na silang lahat pinapasok kasi nga, “The bride is here.” Tumingin sakin si mommy and daddy bago kami bumaba. “You’re still my princess, Celestine,” sabi ni dad. “Yes, I am,” sagot ko naman kaya nagkangitian kaming lahat.

Nakita ko si Jasmine na in-approach yung side of the window ko. “Girl, ano? Dyan ka nalang forever?” sabi niya. “Wag kang atat, huli pa ako,” sagot ko naman sa kanya.

Pumasok na isa-isa yung mga abay. Medyo matagal yung parade kaya nag-usap muna kami nina mommy. “By the way, how’s Liza? Your friend from when you were in grade school? Alam niya bang ikakasal ka na?” tanong ni mommy sakin.

Ahh, si Liza Jimenez. Bestfriend ko siya nung grade school ako but they had to migrate to the States nung naka-graduate kami. Same with my fate, lumipat nalang din ako ng school. “Well, I sent her an invitation but she didn’t respond. I just hope na-receive niya.”

“It’s showtime,” sabi naman ni daddy at lumabas na siya ng car. Nakita kong sinara na yung door which is my cue para pumasok na. My dad went to my right side at pinulupot niya yung kamay ko sa arms niya, same with my mom on the left side.

“Ready?” pagkatanong ni daddy. Bumukas na yung pinto at tumugtog na yung Beautiful in White ni Shane Filan. Wow, ang ganda nung simbahan. All the guests wore black and white long gowns. May isang mahabang red carpet from where I stand up to the altar.

May red roses with white lilies flower arrangements sa aisle. One flower arrangement every 2 rows of seats. Sa farther sides naman, may mga artificial cherry blossom trees na medyo may mga ilaw. Tumayo na yung mga guests at kitang-kita ko agad si Jake. Nakasuot siya ng white suit with red inner polo. HAHA. Nakakatawa kasi nagrarant pa siya nung nakita niya yung suit, sabi niya baka raw di bumagay sa kanya. Well, look at him, bagay naman sa kanya. OA lang talaga siya.

Naglakad na kami sa aisle kasama ko sina mommy at daddy habang naghihintay si Jake sakin sa dulo ng aisle. Everything seems so perfect. Ang laki ng ngiti ko habang nakatingin kay Jake at ganun din siya. From where I stand, napansin kong nag-crystal yung mata niya. Medyo naiiyak na rin ako pero nasasayangan ako sa make-up. HAHA.

Finally, nakarating na rin kami. Parang ang haba nung nilakad ko. Bineso ni mommy si Jake at nag-shake naman ng hands si daddy sa kanya. Jake held me at dumiretso na kami sa altar.

“I, John Drake Castillo, vow to spend the rest of my life with you, Celestine Ann Santiago, and to love you with all of my heart. I, in front of all these witnesses, give you my word of fidelity, as long as we shall live,” he said.

“I, Celestine Ann Santiago, vow to give my all to you, John Drake Castillo. I will forever thank God because He gave me you. I look forward to growing old with you, my love, only you. With our witnesses, I promise to sacrifice my happiness for yours. I will always love you, Jake.” I answered.

Ngumiti kaming dalawa sa isa’t-isa at nagccrystal nanaman yung mata ko. “Only God knows how long I’ve waited for this day,” sabi ni Jake habang nakatingin sa mata ko nang seryoso. “And for you.” Ngumiti ako at tumulo na nga yung luha ko. Pinisil niya yung kamay ko kaya napatawa kami nang mahina. “With that said, I now pronounce you man and wife,” sabi nung pari. “You may now kiss the bride you’ve been waiting for.”

Tumawa yung mga tao pati kami bago tinaas ni Jake yung veil ko at hinalikan ako. Well, you could say na since first kiss namin, nakaramdam ako ng milyung-milyong boltahe sa katawan. “Matagal ko ring hinintay yun,” sabi ni Jake nang kumawala kami sa kiss namin. 

My Kind of a Love StoryWhere stories live. Discover now