"San mo nabili 'yan?" tanong ko sakanya.

"Yung?" tanong niya pabalik. "Eto?" Itinaas niya 'yung fries niya na puno ng cheese at agad akong tumango, naglalaway. "Sa college," aniya. "Nanlibre si Jared."

"Kelan pa kayo naging close nun?" tanong ko bago kumuha doon sa lalagyanan niya nung inilapit niya 'to sakin.

Nagkibit balikat siya, "Kanina lang."

Biglang dinakma ni Tris 'yung mukha ni Ethel, "Sus!" tapos itinulak niya 'to palayo para makadaan siya at makalapit sakin. "Feeling close lang 'yan. Kaibigan kasi ng labidabs niya."

"Hoy hindi ah!" mabilis na pag protesta ni Ethel bago ingudngod 'yung kamay niya sa mukha ni Tris.

"Ano ba Ethel! Pango na nga ako papangoin mo pa lalo!" Natawa kami pareho ni Ethel sa sinabi ni Tris. "Anyway, maganda parin naman ako."

"Hahaha! Namumula oh," sabi ni Ethel habang tinuturo 'yung ilong ni Tris. "Mukhang ng kamatisーHAHAHA TRIS KAMATIS."

"Tangina ka, pwet 'to ni Nicky Minaj." Ani Tris na nakapag patawa pa lalo sakin. "Hoy Adrian, tawa ka ng tawa jan. Matuot ka nyan."

"Okay lang 'yan mabango naman utot ko."

"Talaga?"

"Ay kiki ng kabayo!" gulat na bigkas ko nung may biglang nagsalita sa tabi ko. "Henry ano ba! Bwisit ka kamong butiki ka!"

"Maka butiki naman 'to kay Henry," sabi ni Tris. "Pamatay butiki kaya yang buhok niyan."

Tinignan ko 'yung buhok ni Henry na inaayos niya na dahil mukhang na-conscious sa sinabi ni Tris.

"Oo nga noh," sabi ko bago hawakan ang tuktok nito. Pinakiramdaman ko 'yung mga tusok tusok sa palad ko.

"Wag mo hawakan," reklamo ni Henry bago itaboy 'yung kamay ko. "Style ang tawag jan."

Umismid si Tris, "Style? Daig mo pa 'yung nakuryente sa Meralco."

Pakyu lamang ang isinagot sakanya ni Henry.

"Ba't ka nandito?" tanong ko sakanya.

Ipinatong niya 'yung siko niya sa desk ng inuupuan niya. "Gusto ko makita 'yung kiki nung kabayo."

"Tangina ka," sinapok ko siya sa mukha. "Dun ka na nga."

"Ganyan talaga kapag tigang," sabi ni Ethel habang umuupo doon sa upuan ni Kei na nasa harapan ko. "Nalilibugan sa lahat."

Biglang tumawa ng malakas si Tris tapos lumapit siya kay Ethel at may ibinulong. Hindi niya pa natatapos 'yung sinabi niya ay naiyak na sa tawa si Ethel.

Nakakunot noo kong tinignan si Henry na wala ding kamalay malay. "Ano daw?" tanong ko sakanya.

Kinagat ni Henry 'yung buong ibabang labi niya bago niya tinanggal 'yung sapatos niya at iniamba 'to kay Beatrice. "Tarantado anong pinagbubulungan niyo dyan?"

"Wala!" sabay na sigaw nung dalawa sakanya.

"Huy! Ano 'yun? Tris bulong mo din sakin." Nilingon ako ni Henry at sakin naman inamba 'yung sapatos niya. "Oh! Joke lang!" Tapos humarap ako kay Tris at iniharang 'yung kanang kamay ko sa bibig ko para 'di makita ni Henry. "Bulong mー" naputol 'yung sasabihin ko nung binatukan ako ni Henry kaya naman napatawa nalang ako.

Ano kaya binulong ni Tris kay Ethel?

"Ayoko na nga dito," sabi niya at tumayo na. Hindi pa siya nakakalayo ay humakbang na papalapit si Tris sakin kaya naman umupo ulit sa tabi ko si Henry.

STASG (Rewritten)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz