The Journey [37]

Magsimula sa umpisa
                                    

“WHAAAAAAAAAAAT? Paglalakarin mo ako na ganito ang suot ko? Are you kidding me?!”

“No.”

“Luis Patrick de Guzman, are you trying to kill me?”

“No? Nakamamatay na ba ang paglalakad at pagsakay sa bus pauwi?” Naguguluhan nyang tanong.

Umupo ako sa sidewalk sa sobrang pagod.

“Kanina pa ako nilalamig, okay?” Asar ko na sabi sa kanya.

“Sus! E hindi ka naman nagsabi agad!” Kinuha nya ang telepono sa bulsa nya saka kunwari nagdial tapos tumawag. “Facundo! Nilalamig daw si Clara! Ipasok siya sa oven! Madali ka!”

Siraulo talaga. Pero ang cute nya. HAHAHAHAHA

“Sira! Umayos ka Luis Patrick.”

Tumigil sya. Umupo sa tabi ko saka tinanggal nya ang coat nya saka sinuot sa akin. “Nilalamig ka pa?” Tanong nya, yung mukha nya sobrang lapit sa akin.

Nagloading pa ako kasi naamaze ako sa mga mata nya. Syet. Ang manyak ko. I looked away. “O-oo..”

Tumayo na sya ulit, “Oh! Tara na! Wala na palang problema..”

“Luis..” Tawag ko ulit sa kanya. Tapos inangat ko tuloy yung gown ko para Makita nya na nakayapak lang ako.

“Ano—“ Napatingin sya sa paa ko. “Nasan yung sapatos mo?!”

“Naiwan sa loob nung hinahanap kita tapos namali akong nakita nakita ko si—“ Teka. Hindi na nya kailangan pa malaman ang tungkol kay Ethan. Di nya naman yon kilala e.

“Ansabe mo?”

“Wala. Nawala yung sapatos ko kanina..”

“You mean kanina ka pa naglalakad ng nakapaa?”

“Oo.”

Napailing si Luis. “Ba’t di mo sinabi agad?” Umupo ulit sya sa tabi ko tapos hinubad nya yung sapatos nya. “Oh, subukan mo ‘to..”

Tinry ko naman. “Hindi kasya..”

“Haaaaaaaaaaaaay!” sabi nya saka kinuha ulit yung sapatos nya. “Paano ka na nyan? Alangan namin iwan kita. Mamaya may mang-manyak sa’yo mahalikan ka na naman sa daan.”

“WOOOOOOW! Ang kapal neto. Ikaw lang naman ang manyak na gagawa nun!” Grrr~ he’s so makapal tologo. Whyyyy?

“Oh talaga? Talaga? Sige nga! Try nga natin..” Pumikit sya saka pinapout ang lips nya na papalapit ng papalapit sa akin.

“YUCK LUIS PATRICK! NAKAKADIRI KA TALAGAAAAAAAAAAA!” Iyak ko saka tinulak sya palayo. Ang manyak talaga nya.

“HAHAHAHAHAHAHAHAHA!”

Wagas na naman ang tawa nyo. Nako.

“Oh, paano ka na nyan?” Tanong nya matapos syang tumawa na halos lumuwa na yung malalaki nyang mata na suportado ng eyebags nyang nakakatakot. Hahahaha

“Kung maaatim ban g sikmura mo na iwan ako ditto e ayos lang sa akin..” Pangongonsensya ko.

“Tingin mo ba gagawin ko yun? Tingin mo ba iiwan kita?”

“Kung wala ka ba namin konsensiya..”

“May konsensiya ako.. Kaya nga gwapo ako e!”

Humangin na naman ng malakas. Pakilipad na nga po ‘tong stick na ‘to!

“Laking tulong mo talaga Luis Patrick! Sarap mong itapon sa kanal!”

“Awww.. How sweet naman! I love you too!”

“Pwe! Tama na nga ‘to!” awat ko. Napapalayo na kami e. “Ano? May naisip ka na bang paraan?”

“Syempre naman.. wala ka talagang bilib sa akin e.” Umupo sya sa tapat ko.

“Ano yan?”

“Mag piggy-back ka na lang..”

“Weh?” tanong ko. Seryoso ba sya?

“Weh, weh ka dyan! Ang dami mong arte e.”

“Duuuuuuuh. Ang payat-payat mo kaya! Kakayanin mo ba ako? Hahahahaha!”

“Sabihin mo nga Alexxa Clara del Valle, ano ba ang kayang gawin ng ibang lalake dyan na hindi kayang gawin ng gwapong patpatin na ‘to?” Tanong nya sabay pakita dawn g braso nya na akala mo may muscle e puro buto lang naman. HAHA

“Haynakoooo. Oh sya, oh sya.” Baka san na naman kami mapunta e. Nagpiggy back ride ako sa kanya. Nung tatayo na sya e halos maout balance na sya, I yelped.

Sinabunutan ko sya gamit ang right hand ko. “Kita mo na. Kita mo na! Hindi mo nga ako kaya! Ibaba mo na ako.”

“Wag kang malikot! Naman e! Kaya kita. Pipilitin kong kayanin ka! Ang laki mo kasi e!”

“Are you trying to say na mataba ako?”

“Hindi.. Overweight lang!”

“PATRICCCCCCCCCK!”

“Aray! Aray!” iyak nya. “Joke lang yun! Joke lang!” Ulit ni Patrick. “Tara na nga, baka bumigay na legs ko bago pa tayo mapunta sa bus station..”

Tapos, nagsimula na syang maglakad.

Pagdating sa bus station..

Halos itapon na nya ako sa bench. Saka sya sumalampak sa tabi ko.

“I swear before this very spot Alexxa Clara.. I won’t carry you again.. Unless you’re arthritis is bad.”

Bumabanat na naman sya. Eew.

“Iwas iwasan mo yang kakabanat mo Luis Patrick!”

“Bakit? Naiinlove ka na ba?”

Natahimik ako.

“Naiin love ka na Clara?” Ulit nya.

Hindi ako sumagot.

“Naiin love ka na?” ulit na naman nya.

“PAULIT-ULIT PATRICK? Hindi! Hindi ako in love sa’yo!”

“Bakit hindi? Gwapo naman ako a! Ang romantic ko pa! Tapos humble din!”

Tumawa ako. “Humble ka pa nyan a?”

“Oo..”

Napangiti ako. “The wounds are still here.. Nagsisimula pa lang magheal. I don’t think I’m ready to fall in love again.”

“Nakakalungkot naman.”

“Sira! Pero seryoso Luis.. Sa ngayon ayoko pa muna.. Masyado pang masakit ang pagkakabagsak ko. Tatayo muna ako. Pag magaling na lahat ng masakit sa akin, siguro handa na ulit ako.”

Tumango sya. “I understand.. Pero Clara wag mong kakalimutan, dito lang ako lagi. Kung kailangan mo ako, I’m just a call away.” He raised his phone.

Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko pa kasi nababalik yung cellphone nya. HAHAHAHA! “Oo naman.. That’s what friends are for di ba?”

“Yeah.. That’s what friends are for..” Ulit nya saka uncomfortable na naglean sa sandalan ng bench.

I squeezed his hand. “Thank you..”

He gave me a weak smile.

Tapos dumating na yung bus. “It’s getting late.. Let’s go?” Yaya ni Patrick.

Together, we rode the bus. Habang nakaupo kami sa pinakalikodna seat ng bus nung gabing yun, naisip ko.. Siguro hindi nga pa talaga panahon para magmahal ako. Charot. Siguro panahon na para mag-let go ako sa mga bagay-bagay at tanggapin ang katotohanan. Kasi hindi naman talaga lahat nag sstay sa buhay mo e. Minsan kailangan talagang may umalis.  Pero pag may umaalis may dumarating naman e. For now, mage enjoy muna ako. Maghahanap ng bagong mapaglilibangan para Masaya ang buhay. And one thing is for sure.. I’m gonna keep this stupid guy beside me.

*END OF SEASON 1* 

Clara's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon