Paunang Salita

110 67 2
                                    

Sa bawat paglipas ng panahon, madami nang nawala sa akin.

"Kamahalan! Hindi namin kayo papayagan na sumali sa digmaan."

Kahit anong pilit kong gawin para mapigilan ang mga nangyayari, wala akong magawa. Ayokong may magbuwis ng buhay habang ako nakaupo lang at hinihintay ang balita sa nangyari.

"Huwag na kayong magpilit, Kamahalan. Hindi ko hahayaan na mamatay kayo sa digmaan. Sino na lang ang mamumuno sa lungsod ng Deria?"

"Anong silbi ng pamumuno ko kung ang mga kawal at tauhan ko ay unti unting nauubos!"

Sa pagkuha ko ng espada, buo na ang desisyon ko.

"Kamahalan! Heneral!"sa pagdating ng punong mensahero ay kasabay nito ang kaba at takot na namamagitan sa pagkatao ko.

"Anong balita? Kamusta ang mga kawal?"

"Wala na pong natira ni isa."pareho kaming nagulat ng Heneral sa narinig. Ang dalawang libo na kawal na sinubok ko sa digmaan. Ni isa walang nakaligtas.

"Malakas po ang hukbo ng Arran. Ang hukbo nila ay halos limang libo ang bilang."

Humigpit ang hawak ko sa espada at halo halong emosyon ang nararamdaman ko.

Anong maihaharap ko sa pamilya ng mga yumaong kawal at sundalo? Lahat sila ay umaasa sa aking pamumuno at maibibigay na kapayapaan sa Deria. Ngayon wala na akong iba pang paraan na magagawa. Ito lang ang tanging solusyon ko para maligtas ang Deria at mawakasan ang walang katapusang digmaan ng mga kaharian.

"Kamahalan."

"Heneral. Sa pag alis ko sa Deria para humarap sa digmaan. Ako, na Hari at lumikha ng Deria. Ipinapasa ko sa iyo ang trono bilang susunod na Hari."

"Anong pinagsasabi niyo? Imposible ang sinasabi niyo, Kamahalan."giit sakin ng Heneral.

Nagkakagulo na sa loob at labas ng kaharian. Ang matapos lang ang digmaan ang solusyon para mawala ang kaguluhan at maging mapayapa ang kaharian.

"Heneral. Ikaw na ang bahala sa lahat."binigay ko sa kanya ang medalyon na nagsisilbing hari ng Seria at ngumiti akong bahagya sa kanya saka tinapik ang balikat nito. Mabilis akong tumakbo pababa ng tanggapan at sumakay sa nakahandang kabayo. Bago ako umalis ay pinagmasdan ko saglit ang bandera ng Deria.

Dito nagsimula lahat kung ano ako ngayon. Kung paano ko napalakas at napayapa ang buong Deria. Hindi ko na hahayaan pang mawalan ng buhay ang mga taong nagbubuwis ng buhay para sa Deria.

"Hyah!"

Pinadyak ko ang kabayo sa tagiliran para hudyat na tumakbo na ito. Pinabilis ko ang patakbo sa kabayo upang mabilis ako makatungo sa lugar ng Maldonia. Kung saan doon sinasagawa ang digmaan ng mga kaharian.

Kahalahating oras ay nakarating ako sa Maldonia. Halos manlumo ako sa aking mga nakita. Kita ng dalawang mata ko ang mga nakahandusay na mga residente ng Deria na sumubok na sumugod sa laban. Mga nakatarak na espada, sibat at palaso sa mga katawan. Naririnig ang mga sigaw nila dahil sa sakit na nararamdaman na nakapana sa kanilang dibdib.

Nanlalambot akong bumaba sa kabayo at dahan dahang lumapit sa mga nakahandusay na mga katawan. Ilang beses na akong nakakakita ng namamatay pero bakit ang sakit parin sa pakiramdam na makita ang mga taong nakakaramdam ng sakit at pighati. Pinipilit na nilalaban ang sakit na handang magdala sa kanilang bingit ng kamatayan.

"K-ka...kamaha....l-lan..."nakita ko ang isang lalaki na may palaso sa likod at pilit na inaabot ang binti ko. Lumapit ako dito at marahan siyang hinawakan sa balikat.

"B-bakit ganito ang n-nang....yayari.....sa-sakin?"mahinang sabi nito na halos mawala na ang boses na lumalabas sa bibig nito. Napapikit ako at pinipigilan na bumuhos ang emosyon ko sa aking mga nakikita.

"Patawarin niyo ako. Hinayaan ko kayong lumaban mag-isa."sabi ko sa kanya at ito'y lumuha.

"I-iligtas niyo....ang....p-pamilya...ko at ang...Deria."sambit nito hanggang sa nawalan na ito ng buhay. Lalong bumuhos ang emosyon ko sa aking narinig. Bilang isang hari, responsibilidad kong iligtas ang Deria at mga nasasakupan nito. Sakin pinaubaya ng pamilya ko ang kaharian. Ang bantayan at iligtas ang Deria.

"Aba! Akala ko ay ubos na ang mga mahihinang nilalang ng Deria. May natira pa palang isa."sabi ng isang kawal ng Arran sa likuran ko habang nakatutok ang espada nito sa leeg ko.

Ito na siguro ang panahon para magamit ang binigay sakin ni Flavia.

"Hayaan mo. Makakasama mo din ang mga nakahandusay na yan."sabi nito at handang iwasiwas ang espada sakin ngunit pinigilan ko ito gamit ang aking kamay.

"Uubusin ko kayong lahat. Sisiguraduhin kong mababawi ko ang mga buhay na nawala na kinuha niyo!"unti unting akong tumayo habang hawak ang talim ng espada. Dumadaloy ang dugo ko sa espada at kita sa mukha ng Arranyo ang takot nito.

"I-ikaw..."

Binitawan ko ang espada nito at malalim siyang tiningnan. Mabilis na naghilom ang sugat sa kamay ko na galing sa talim ng espada. Wala ng napasok sa isip ko kundi ang tapusin na ang digmaang ito. Ang patigilan na ang mga madugong laban.

"Ang mala gintong buhok. Ang berdeng mata. Mga sugat na naghihilom. Totoo nga ang haka haka ng mga tao. Ikaw ang dugo ni Flavia."nanginginig na sabi nito na hindi makapaniwala sa mga nakikita. Unti unti akong lumalapit sa kanya habang siya ay takot na takot na umaatras habang nakatutok ang espada sakin.

"Oo. Ako nga. Ang dugo ni Flavia. Ang tinatawag niyong Gintong Dragon."

*****

Disclaimer: This is a work of fiction. unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

-Awaits of the Golden Dragon-




A/N: This story is still in progress. Binalik ko ulit siya dahil I edit some of the parts of story. But I publish the very first part para magpatuloy yung mga idea ko sa mga susunod na chapters. Its my story kaya why not HAHAHA. Abangan niyo ang istoryang Awaits of the Golden Dragon. Thank You!

Awaits of the Golden Dragon | WIPWhere stories live. Discover now