[TFSAM; 10] Winter or Autumn?

1.1K 89 11
                                    


KHAINE's POV

MONDAY again. May pasok na naman. Parang tinatamad ako pumasok. Ang sakit ng ulo ko, e.

"Shane, bumangon ka na r'yan," bungad ni Mama nang pumasok s'ya rito sa kwarto.

"Opo, 'Ma."

Kahit ayoko pa ay bumangon akong pilit at inayos ang kama. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa banyo para maligo.

Hayst. Gusto ko lang matulog maghapon. Ang sakit ng ulo ko, pakiramdam ko ay lalagnatin ako. Tsk!

***

"'MA, AALIS NA AKO," paalam ko kay Mama matapos kong i-prepare ang sarili ko para sa pagpasok.

"Kumain ka muna." Umiling lang ako kay Mama.

"Alis na po ako."

Habang naglalakad ako palabas ng subdivision na pag-aari din ng Dela Vega, may narinig akong busina. Paglingon ko, may pulang kotse ang tumigil sa tapat ko. Ibinaba ng nasa loob ang bintana at dumungaw ang isang lalaki. Maputi ito, matangos ang ilong, makapal ang kilay, at napakagwapo.

"Hi, Shane, sabay ka na sa'kin." Napakunot ang noo ko. Sino siya?

"Ah, sorry po. Pero hindi kita kilala," sagot ko sa kanya. At oo, nangupo ako sa kanya. Mukhang mas matanda siya sa'kin, e.

Tumawa naman siya at bumaba ng kotse. "Pft, sorry. I'm Lander. Susunduin ko sana si Autumn pero kanina pa pala siya nakaalis." Autumn? Hindi ko siya napansin kanina.

"Ah, okay. Sige po, babye." Tumalikod na ako at naglakad na ulit.

"Hey, sumabay ka na. Promise, hindi ako masamang tao at kilala na rin ako ni Yaya Nena." Napaismid ako.

Kahit na kilala ka pa ni Mama, hindi ko ugaling makipag-usap sa hindi ko kilala lalo na sa lalaki. Maliban na lang sa bestfriend kong nasa probinsya. "Ayaw mo maniwala? Sige, tatawagan ko si Autumn at kausapin mo."

Nakatingin lang ako sa kanya habang nagda-dial siya sa cell phone niya at itinapat na ito sa kanyang tainga.

"Hello, Autumn. Oo, papunta na ako sa university. Yup, pero ayaw niyang sumabay sa'kin. Kausapin mo siya."

Iniabot sa'kin ni Lander ang cell phone. "It's Autumn, kausapin mo siya." Kinuha ko ang cell phone at nakitang Autumn ang nakapangalan.

"H-hello?"

"Khaine, sumabay ka na kay Lander. You'll beate if you won't. Your class schedule for today has changed. Your classes starts at 7," sabi ni Autumn mula sa kabilang linya.

"O-okay."

Matapos n'on ay Ibinalik ko kay Lander ang cell phone niya dahil pinatay na rin ni Autumn ang tawag.

Nakangiti naman siya sa'kin. "See? I told you. Kaya tara na." Wala naman akong nagawa kung hindi ang sumakay sa kotse niya.

Habang nasa byahe ay tahimik lang ako. "Shane, anong year mo na?" he asked.

"First year," tipid na sagot ko.

"Really? Autumn is my classmate. And my crush, too." Napatingin ako sa kanya.

"I see," sagot ko na lang. Well, kung si Lander lang din naman, wala na akong masasabi. Bagay sila ni Autumn. Ang kaso sa ugali, Lander is being talkative and Autumn being is too lazy to at least speak.

"Nandito na tayo." Hindi ko napansin, nakarating na pala kami sa university. Sa parking lot, to be exact. Mabuti na lang at walang mga tao rito, walang makakakita na kasabay ako ni Lander.

The Four Sisters and Me (Girls Love)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें